Chapter 1.32 - Is This Love?

493 6 5
                                    


Mateo's POV

"Wait here. Don't move." Sinabi ko sa kanya at pagkatapos ay tumayo.

Kailangang magsindi ako ng ilaw.

Hindi siya gumalaw tulad ng sinabi ko.

Pagkabukas ng ilaw, kitang kita ko yung pagkasilaw niya.

Parang bumalik sa alaala ko yung nakita kong lagusan noong araw na sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko.

Kailangan ko bang sabihin sa kanya 'yon?

Parang ayoko.

Hindi. Ayoko talaga.

Belle... Sorry kung magiging selfish ko.

"Are you alright?" lumapit ako sa kanya.

"Oo naman. Nasilaw lang ako sa ilaw." Sagot niya.

"Dahan-dahan mong imulat yung mga mata mo." Sambit ko.

Sinunod niya yung sinabi ko.

Dahan-dahan niyang minulat yung mga mata niya.

"Here." Inabot ko sa kanya yung mga piñatas kong bulaklak kanina bago ako umuwi.

Aamuyin niya sana pero pinigilan ko siya.

"Don't!"

"Why?" tanong niya.

"Wa-walang amoy yan. Pinitas ko lang yan kanina habang natutulog ka." Sagot ko.

Tumawa siya.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko.

"Wala lang." tapos ngumiti siya. Bigla siyang tumayo.

"Aw!" napasigaw siya. Napatingin kami pareho sa paa niya.

"What hap— Sh*t! you're bleeding." Nasabi kong bigla.

"Wala yan, malayo sa bituka." Sambit niya.

"Whatever! Sugat pa rin yan, kailangang gamutin." Sagot ko. "Halika nga dito." Kinuha koyung bulaklak na hawak niya at nilagay samesa, pagkataos ay binuhat siya papunta sa papag.

"Stay here. Kukuha lang akong ipanlilinis ko sa sugat mo." Sambit ko.

"Mat—

"What?"

"I'm hungry."

Natawa ako.

Akala ko kung ano nanaman ang problema, gutom lang pala siya.

"We'll eat pagkatapos kong gamutin yang sugat mong resulta ng kata—

"Heh! Whatever!" sigaw niya.

Natawa ulit ako.

Habang ginagamot ko siya, hindi ko mapigilang matawa.

Eh bakit hindi? Eh kitang kita ko sa kanyang hirap na hirap siyang pigilan yung sariling hindi makiliti.

Nakakatawa talaga siya.

"Hey! Kanina ka pa tawa ng tawa ah! Nananadya ka ba?" tanong niya.

"What do you mean?" patay-malisyang tanong ko.

"Eh bakit ka nga tumatawa?" tanong niya.

"Eh ba't ang kulit mo?" tanong ko.

"Eh anong pake mo?" tanong niya.

"Eh di ano ring pake mo?" tanong ko.

"Agh! You're making me angry!" sigaw niya.

"Pa'no ka ba magalit?" tanong ko.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon