Nagising ako sa sigaw ni Mai.
Ano naman kayang ginagawa nito dito sa bahay.
Ang aga aga nambubulabog.
>____<
Teka, nasan na yu—
O________________o
"Maiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!"
Nakalimutan kong bukas ang PC at pinapakelaman niya ngayon.
Nagtakip siya ng tenga bago tumingin sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Ba't mo yan pinapakelaman?"
=__________=
"Bakit sis? Meron ba kong hindi pinakealaman sayo?" tanong niya na halatang nang-aasar.
She has a point.
Wala naman kaming tinatago sa isa't isa.
Lahat ng private things ko alam niya na, ba't pa ko magugulat?
Pero kasi...
Hindi ko naclose yung window nung binabasa ko kagabi.
"So interesado ka nga talaga sa kanya?"
Ha? ah...
Eh...
Hindi ako makasagot.
Aamin ba ko?
Aasarin ako neto eh.
"Hay naku sis. Sige na, okay lang kung hindi ka muna magkukwento basta I'm always here to listen ah..."
Hindi ko alam kung anongmagiging reaksyon ko sa sinabi niya.
Hindi ko rin naman kung anong dapat kong ikwento, o ishare o sabihin.
I'm not used to this kind of feeling.
She knows that...
Bata pa ko nung huli akong nakaramdam ng ganito... pero kung titingnan, this time is actually different.
Unusual.
Ewan.
Nagulat ako ng bigla kong hawakan ni Mai sa kamay.
"Let's go. Nagugutom na ko. nakita ko si kuya Iain nagbebake kanina."
Hindi niya na hinintay na makasagot ako.
Dali dali niya na ko hinila pababa ng hindi man lang ako hinahayaang makapagpalit.
See-through tuloy suot ko ng bumaba.
"Sakto ang baba niyo, kakatapos ko lang mag—
O/////////////O
Hindi natapos ni Iain yung sasabihin niya ng makita niya ko. bigla din akong nahiya.
Alam kong dahil yun sa suot ko kaya napatingin siya sa akin at di na nakapagsalita.
Nagkatinginan kami. Eye to eye. Bago kami parehong umiwas.
"Here—
"Magpapa—
Sabay pa kaming nagsalita.
Nagulat si Mai. Sa wakas, naramdaman niyang naiilang kami ni Iain.
"Si—sige aakyat muna ako, maghihilamos lang ako." tapos tumalikod na ako.
"Sige Mai, I have to go. Kailangan na din ako sa opisina." Narinig kong sinabi ni Iain kay Mai.
Hindi ko na tiningnan yung reaksyon niya.
Dire-diretso na ko sa taas para magpalit.
Paglabas ko ng banyo nasa kama na si Mai at nakahiga.
"Baboy ka talaga no? pagkakain, higa agad sa kama?" tanong ko sa kanya ng may halong pagbibiro.
"Why don't you give kuya Iain a chance?" tanong niya habang nagbabasa ng magazine.
"Huh? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" tanong ko.
Tiningnan niya ko bagomuling binalik sa magazine ang tingin niyya, "I'm serious sis, he's been trying. Nung nawala ka, kitang kita ko sa mga mata niya yung lungkot, I mean, yes, everyone was mourning but he was trying to be strong for your family. Ni hindi na nga siya makapag-ahit just to find you eh..." mahabang explanation niya
"Sis, hindi ko naman nakakalimutan yung effort niya to find me. but why are you telling me to give him a chance when he's not even asking for it? Kelan ka pa niya naging spokesperson?" tanong ko sa kanya.
"My God sis. He don't need to ask you that thing. You just have to show him that you're giving him a chance to prove his feelings for you. I know, and I can feel it, hindi pa rin nawawala yung feeling niya for you. Yung sinasabi mong batang-pag-ibig, it's all grown up. Katulad niyong dalawa."
"But—
"No buts sis. Unless you want another man? Si Mr. Li ba? Wake up sis, wala kang pag-asa dun. You've read the article right?" tanong niya.
Tama siya.
"I'm interested in him. But it doesn't mean I want him in my life." Sagot ko. hindi ko alam kung naging kapani-paniwala ba yung pagkakasabi ko nun. Naramdaman ko kasing parang humina yung boses ko.
Hindi siya nagsalita.
I conclude hindi kapani-paniwala yung sinabi ko.
"Teka, ba't ba bigla nalang pumasok sa isip mo yan?" tanong ko.
"Wala lang. May napanood kasi akong movie. The girl is the protagonist. Nasa kanya na ang lahat, money, career, beauty. Everything except for one thing. Tumanda siya at namatay ng hindi niya man lang naririnig yung sarili niyang magsabi ng "I love you." sa lalaking minahal niya dahil sa takot na hindi sila pareho ng nararamdaman. Yun. It was a sad story. Swear."
Napaisip ako sa sinabi ni Mai.
Ayoko naman yatang mangyari sa akin yun.
Gusto kong mamatay ng masaya.
"I'm leaving next week. May tinanggap akong work sa Paris. I'll be there for a month or two... or I don't know."
"What? indefinite? Alam na ba ni daddy yan?" tanong ko.
"Yeah. Bago pa yung opening ng firm niyo. he didn't like it. but I do."
"Aalis ka kahit ayaw niya?"
"Napag-usapan na namin. He agreed."
"Really?"
"Yeah. Basta daw, be sure na matatapos ko yung project before I come home or else he will break up with me."
"Napaka-supportive talaga ni daddy. Kaya mo yan sis. Bisitahin ka namin dun ng sabay-sabay, bonding na din. Goodluck sis." Sabay hug sa kanya.
Bigla akong nainggit.
Ang sarap siguro ng feeling ng may boyfriend kang susuporta sa'yo.
#
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Teen FictionWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...