Zindy's POV
"We can stay in the chopper tonight, right?" tanong ni Mateo dun sa piloto na uncle niya na hindi ko na matandaan o hindi ko talaga alam yung name.
"Yes, Of course. But it's too small for both of you. Okay lang ba yun sa'yo Zinderella?"
"Po? Okay lang po, but wait, small for both of us? What about you? Aren't you staying with us?" tanong ko.
"Uncle has insomnia. Sleeping pills lang makakapagpatulog sa kanya. But of course he will stay with us but won't consume too much space." Sagot ni Mateo
Pagkatapos nun, tahimik nalang kaming tatlo habang kumakain hanggang sa matapos.
Sakto biglang lumakas yung ulan, but instead of staying dito sa sirang kubo, tumakbo nalang kami pabalik sa chopper, syempre may payong naman kami, dala nung uncle niya kanina nung pumunta kami sa kubo para kumain. Mukha kasing imbes na humina pa to, lalong lumakas buong gabi.
Habang tumatakbo kami, natigilan ako ng biglang kumidlat. Nabitawan ko yung payong.
Para akong biglang naging estatwa, hindi ko maigalaw yung paa.
Pakiramdam ko lalong lumalakas yung ulan. Natatakot ako.
*Flashback*
I was 17 back then. Biglang kumulog at kumidlat. Wala si mommy at daddy. Sa takot ko, lalabas sana ako ng kwarto para pumunta nalang sa kwarto ng kasambahay namin, pero nagulat ako pagbukas ko ng pinto, nakasandal dun si Iain.
"What are you doing here?" I asked in between sobs.
"Go back to your room, hindi ako aalis dito. I know, you don't want me near you anymore but it doesn't mean hindi ko tutuparin yung promise ko before na sasamahan kita tuwing may kulog at kidlat. I'll always be here." Sagot niya.
I'm too weak to talk kaya bumalik na lang ulit ako sa kwarto.
After that incident, alam ko, nararamdaman ko na nasa labas lang siya ng kwarto tuwing mangyayari yun.
*End of flashback*
"Zinderella!" narinig kong sigaw ni Mateo. Hindi ko alam kung gano katagal niya ng sinisigaw yung pangalan ko, pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Hindi ko napigilan yung pagtulo ng luha ko. Ngayon ko nalang ulit naramdaman to. Yung grabeng takot.
Biglang sumakit yung ulo ko.
Pakiramdam ko matutumba ako.
~
~
~
Mateo's POV
Bigla akong kinabahan nung nakita ko si Zindy na parang matutumba, agad akong tumakbo pabalik sa kanya.
"Zinderella!" Pagtawag ko sa kanya, pero parang hindi niya ako naririnig.
Sakto pagdating ko, nasalo ko siya. Nabitawan ko yung payong.
Umiiyak siya.
Natakot ako.
Hindi ito yung unang beses na nakita ko siyang takot na takot dahil sa kidlat at kulog. Pero pakiramdam ko ito yung unang beses at hindi ko alam yung gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Teen FictionWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...