Chapter 2.8 - A Part Of Me

28 2 0
                                    


"Kamusta? Dumating na ba lahat ng guest?" tanong ko kay Jessica.

"May ilan nalang pong hindi dumadating." Sagot niya.

"May I see the list?" tanong ko sa kanya.

"Of course mam." Sagot niya naman at sabay abot sa akin ng list.

Hindi ko alam pero agad na hinanap ng mga mata ko yung pangalang "Mateo Li".

He's here.

"Mam?"

"Ah wala wala—

"Andiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Si Arvin.

Binalik ko yung guest list kay Jessica bago ko lumingon kay Arvin.

"I was just checking the guest list." Sagot ko.

"Parang may inaabangan ka yatang dumating?" tanong niya.

Natawa ko. Am I that obvious? "Adik. Wala nga ko masyadong kilala sa mga inimbitahan natin eh." sagot ko sa kanya.

Eh kahit nga yung inaabangan ko, hindi ko naman kilala eh, sa isip isip ko.

Lumapit si Myco samin.

"So I guess we can start now." Sambit niya.

Sa tingin ko pareho kami ng nasa isip ni Arvin ng sabay kaming natawa kay Myco.

"Why?" tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Arvin. Nagtuturuan kung sinong sasagot sa tanong niya.

"You're too serious." Sagot ni Arvin.

"Nakakapanibago." Dugtong ko.

"You know, I'm a serious person." Sagot niya sa seryosong mukha at tono.

"Yan tayo eh!" sagot ko. "Halika na nga, baka naiinip na sila." Dugtong ko pa.

Simula nung nagstart yung program na inihanda namin, kung saan saan na rin lumihis yung mga isip ko. nawala rin sa isip ko yung Mateo Li na yun.

Sagot dito, sagot doon ang ginagawa ko. madaming mga nagtatanong, yung iba tungkol sa firm na binuksan namin, kung pano yung negosasyon at mga ganung bagay. Pero may iba rin namang mga nagtatanong kung anong nangyari sa akin bago ako umalis papuntang states. Bakit hindi? Eh naging laman lang naman kasi ng diyaryo yung pagkakawala ko. hindi ata ako nawala sa balita.

"Nahanap ba ng daddy mo yung kumupkop sayo?" tanong sa akin ni Mr. Guillan, dating katrabaho ng daddy.

Bigla akong napaisip.

It's been five years...

Pero hindi pa rin nahahanap ng daddy kung sino yung tumulong sa akin at nagdala sa akin sa ospital.

Hindi siya basta-bastang tao lang na nakapulot sa akin...

*Flashback*

"Mr. and Mrs. Luis, wala na po kayong dapat alalahanin sa bills ng pasyente." Sabi ng doctor ko.

"Ano ho ang ibig niyong sabihin doc?" tanong ng mommy ko.

"Sinagot na ho ni Mr.—sinagot na ho ng nagdala dito kay Ms. Luis ang lahat ng bills niya." Sagot ng doctor.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon