Zindy's POV
Pagkakitang pagkakita namin sa 'bahay namin' naguunahan kaming tumakbo papunta dun.
Hindi ko alam, parang pareho yung nasa isip namin.
Sabay kaming humiga sa papag.
Pareho kaming pagod na pagod.
Magkatabi kami ngayon pero kalahati lang yung nakahiga, maliit lang kaya yun.
Napatingin ako sa kanya.
Nakapikit siya.
Tulog na kaya siya.
"Mateo..."
Di siya sumasagot.
Dumapa ako... para mas matitigan ko pa siya lalo.
Ang gwapo niya pala, kahit na madalas nakakunot yung noo niya.
"Bakit mo ko tinitingnan?"
"Ay palaka!" nagulat ako. Akala ko tulog na siya.
Humiga na ulit ako, "H-hindi ah..." pagdedeny ko.
Siya naman yung biglang dumapa. "Are you sure?"
Ang lapit nanaman ng mukha niya sakin.
"Mateo..." sounds like I'm begging him to stop.
And he did.
Umupo na siya sa gilid ng papag.
"Maligo ka na, naulanan ka, baka magkasakit ka." Utos niya.
Umupo na rin ako.
"Eh pa'no ka?" tanong ko.
Lumingon siya bigla sa akin.
Nilapit niya ulit yung mukha niya sakin.
"Don't tell me gusto mong sabay pa tayong maligo?" tanong niya.
Ano daw?
"A-
"Not that fast babe..."
"A- Agh!"
Tumawa siya.
"Just kidding, mauna ka na, susunod nalang ako. Bilisan mo." Tatawa-tawa niyang sabi.
Loko yun ah.
Feeling ko ang tagal kong naliligo.
Ewan, eh pakiramdam ko kasi wala kong mukhang ihaharap sa kanya eh. Hayy...
"Mateo..." paggising ko sa kanya.tinapik tapik ko pa.
"Mateo..." mukhang pagod na pagod siya ah.
"Ah! Tapos ka na ba?" bigla siyang nagising.
"Sorry, ginising pa kita para makaligo... ang baho mo na kasi!" pang-aasar ko. Baka kasi sabihin niya concern ako.
Concern naman talaga, hehehe.
"Ano?!" nagulat niyang tanong.
"Joke lang... eto naman."
"So mabango ako?"
"Ano bang pinag-
"Siguro inamoy-amoy mo ko kanina habang natutulog ako no..." tingnan mo 'to at nakabawi pa rin. Hmf!
"Ang kapal mo!"
Tumawa nanaman siya.
Hayy!
"Sige na nga, maliligo na 'ko medyo nasinghot mo na lahat ng amoy ko eh..."
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Teen FictionWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...