Zindy's POV
Ang ganda ng gising ko ngayong araw. Siguro dahil maganda ang tulog ko.
"I miss you Zinderella."
For the first time, sa five years na yun,ngayon ko lang ulit narinig yung boses niya na naging ganun kalambing.
Nasabi ko rin tuloy yung gustong gusto kong sabihin sa kanya involuntarily.
Hindi ko nga lang alam kung narinig niya kasi ang sunod ko ng narinig eh yung pagsara ng pinto.
Well, okay lang yun.
Tumingin ako sa labas, nakita ko yung sasakyan ni Iain, ibig sabihin hindi pa siya nakakaalis, at malamang hindi pa yun nakakapag-almusal.
Ano kayang masarap lutuin?
Tumingin ako sa ref kung anong meron.
Nakakita ako ng pwedeng lutuin. Sa pagkakatanda ko naman eh hindi talaga ako marunong magluto, ewan ko ba kung sa'n ko natutunan yung mga ganitong bagay, basta ang gusto ko ngayon ay ang maipagluto siya.
Gusto ko na ulit makipagkaibigan sa kanya. Kahit yun nalang, total naman move on na rin yata ako sa mga nangyari noon, saka bata pa ko nun, masyadong madamdamin at kung ano-anong drama ang inaatupag.
Iba na ngayon, I'm mature enough to handle things.
"Wow. Ang bango. Akala ko bumalik na si Nana Coring." Nakangiting sabi ni Iain.
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Sabayan mo na ko kumain, nagprepare talaga ko para sa ating dalawa." Pag-anyaya ko sa kanya.
Lalong lumaki yung ngiti niya, at sobrang natuwa naman ako sa naging reaksyon niya.
"Ako na magsasalin ng gatas, umupo ka na." sambit niya. Alam niyang hindi pa rin ako tumitigil sa pag-inom ng gatas.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.
"Sa wakas natuto ka na ring magluto, tinuruan ka ba ni Tita?" tanong niya. Siguro nabibingi na rin siya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Nope. Hindi ko rin alam, nagising nalang ako isang araw, nasa kusina na ako." dinugtungan ko na lang ng tawa. Well, it's a matter of fact.
Natawa din siya.
"Well... that's quite impossible for someone like you..." sambit niya. May himig ng pang-aasar.
"Well it is possible." Naka-crossed arms pa na sagot ko sa kanya.
"Yeah, obviously." Tumatawa niya pa ring sabi.
Marami pa kaming kung ano-anong napag-usapan. Hindi ganun katulad ng dati, ramdam pa rin yung ilangan pero alam mong may improvement.
"San ka ngayon?" tanong niya.
"Aayusin namin yung tinatayo naming firm nila Arvin, malapit na rin kasi namin buksan para sa publiko, inaayos na nga nila kahapon yung mga advertisements eh." sagot ko.
"Ah buti naman, am I invited sa opening?" tanong niya.
"Actually... yes."sagot ko sabay ngiti.
"Kinabahan ako dun ah, akala ko 'no'ang sasabihin mo."natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Sayang nga eh, wala sila mommy. You should represent them."
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Genç KurguWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...