Chapter 2.1 - Home Sweet Home

42 2 0
                                    


Five years later...

Zindy's POV

"KAMBAAAAAAALLLL!!!"

Napalingon ako, dalawa lang naman ang tumatawag sa akin ng 'kambal' eh. it's either Myco or Arvin.

"Kamusta?" tanong ni Myco.

Yung sumigaw kanina, si Arvin yun.

"It's been five years." Sagot ko, habang tumitingin ako sa paligid.

Madami ng nagbago.

Malinis na tong airport na to.

Ang mga tao, mas OA ng manamit, masyado na yatang naimpluwensyahan ng dayuhan...

Wow. Ang seryoso ko dun ah. Hahaha!

Nadadagdagan na rin ang mga establishments...

At higit sa lahat...

Ang gwapo na ng mga kambal ko.

*flashback*

"Hindi ko na alam kung sa'n ako magsisimula... mom...dad..." umiiyak kong sinabi habang nag-uusap kami ng pamilya ko.

Almost 4 months akong nawala, at nagsimula yun nung supposedly, debut ko.

Pero ang masakit nun, wala akong kahit isang matandaan sa apat na buwan na yon.

Hindi ko alam kung anong mga nangyari.

I don't have any idea kung pa'no ako nag-survive, kung sino ang tumulong sa akin, kung sino ang nagdala sa akin sa ospital na yun.

Wala akong alam.

Nagkatinginan ang mommy at daddy.

"You want to go abroad?" tanong ng daddy.

"But—

"Doon, doon ka magsimula ulit. Kilalanin mo ulit ang sarili mo." Si mommy naman yung nagsalita.

"What about my friends?" tanong ko.

"You really care about them—

"Of course! Pa'no kung wala na pala akong babalikan oras na umalis ako?" tanong ko.

"That won't happen for sure Zinderella. They care for you too, the way you do. Nang mawala ka, hindi tumigil ang mga kaibigan mo para lang mahanap ka, mas optimistic pa nga sila kaysa sa—sa amin ng daddy mo." Napayuko ang mommy.

Tanggap ko naman kung unti-unting nawawalan sila ng pag-asa no'n, well, 4 months is a long time, it's hard to expect.

"Pero kasi—

"Don't worry anak, communication is never a problem today."

Wala akong isinagot, sa halip, yumakap ako sa kanila.

"Sasamahan ka namin, sama-sama tayong magsisimula muli. I missed you so much anak." Umiiyak na sinabi ni dad.

"I missed you too. So much." Sagot ko.

*end of flashback*

"Shall we?" sabay nilang tanong, na para bang isa akong prinsesa.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon