Chapter 1.15 - Sorry full

641 14 10
                                    


Zindy's POV

"Eh di wag!" tingnan mo to at sinigawan ako.

Ano bang problema no'n at parang ang sungit sungit eh ang aga aga pa.

Teka- "Huy! Sa'n ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako.

"Sa'n ka pupunta? Iiwan mo nanaman ba ako?" tanong ko ulit.

Nakatingin lang siya. Hindi pa rin siya nagsasalita.

Pero-

Pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa pagtingin niya sakin.

Para akong nakukuryente.

"Hey!" sigaw ko. Ayoko ng maramdaman kung ano mang kuryente iyon. Kinikilabutan ako. Yata...

Tumalikod na siya. Lalabas na siya ng bahay pero napigilin ko siya at nahawakan sa kamay niya.

Nagulat siya, tinitigan niya nanaman ako. Pagkatapos no'n ay sa kamay kong hawak ang sa kanya. Pero hindi ko ma-explain kung anong klaseng titig ba yun. Naramdaman ko nanaman yung kuryente, at parang mas lalong tumindi. Binitiwan ko siya.  "Sorry..."

Walang lingon na naglakad siya palayo.

Ano ba yung naramdaman ko? Bakit ganon?

Anong problema niya? Bakit bigla siyang umalis? Napikon ba siya sakin, naasar?

Lumabas akong bahay, naglakad lakad ako sa dalampasigan. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi si Mateo. Malamang, eh siya lang naman ang kilala ko sa ngayon eh, wala ng iba.

Dinig na dinig ko ang mga huni ng ibon. Iba't ibang huning ibon. Ang sarap nilang pakinggan, para silang lumilikhang isang napakagandang musika.

Pumapasok na naman sa isip ko ang mga katanungan ko tungkol sa pagkatao ko.

That dream? That was the first time I've ever dream simula ng magising ako.

Bakit hindi ko maalala?

How relevant is that to my life?

Bakit ang natatandaan ko lang eh ang nanaginip ako, but behind that dream, wala na kong maalala.

 Oh God! What exactly had happened to me?

Malayo-layo na rin pala yung nalakad ko, masakit na sa balat yung init ng araw.

Babalik na sana ako sa bahay pero parang may narinig ako.

"Mateo?!"

"Oh God! What happened to you?" nataranta ako, marami akong nakitang dugo sa katawan niya, pakalat kalat.

Napatingin siya. "Be- Belle..."

"What should I do?" tanong ko.

"Wala. Gagaling din yan..." ano ba naman klaseng sagot yan.

"Pe-

"Maliit lang na sugat yan compare sa nangyari sa'yo..." dugtong niya pa habang nakangiti.

"Damn! Anong maliit? What if it'll kill you?" tanong ko, di ko na napigilang mapaiyak.

"You're crying again..." pagkasabi niyon ay pinunasan niya yung luha ko. Pinigilan ko siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, pinunit ko ung laylayan nung damit na suot ko. Sapat na para ipantakip sa sugat niya sa kaliwang binti niya. Tinali ko ng mahigpit iyon sa binti niya.

"Ka- kaya mo bang maglakad pabalik sa bahay?" tanong ko.

"Ok ka lang? Lutang ka ba ng makarating ka dito at hindi mo alam kung ga'no kalayo ito sa bahay ko?" tanong niya na may halong pagbibiro ang tono.

"I'm sorry."

"Sorry for what? I was just joking. don't take it seriously."

"Kung di dahil sakin di ka masusugatan ng ganyan, kung di ka umali-

"Ssssh..." pinigilan niya ko sa pagsasalita. "Umalis ako para maghanap ng makakain, hindi dahil sa naging takbo ng usapan natin, don't feel bad." Nakangiti niyang paliwanag. "Pumunta nalang tayo sa pinuntahan natin kahapon, malapit na yun dito, dun nalang muna tayo."

Inalalayan ko siyang makatayo at pumunta kami do'n.

Nakita ko yung balsa. Bigla kong naalala yung pagkakahulog ko sa tubig kahapon. Sumakit nanaman yung ulo ko.

"Ok ka lang?" nagulat ako at na-out-of-balance ako kaya nahulog kami sa buhangin.napapatong ako sa kanya.

"I'm sorry..." tatayo na sana ako pero pinigilan niya ko.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong niya.

"Nothing." Sagot ko. Tatayo na sana ulit ako pero pinigilan niya pa rin ako.

"I doubt that..."

"Sumakit lang bigla yung ulo ko, pero okay na ko, you don't have to worry." ngumiti ako.

"May naalala ka ba?" tanong niya.

"Nothing." Tumayo na ko,this time, hinayaan niya na ako.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon