Zindy's POV
"What happened?" tanong ko pagbalik ni Mateo, ang tagal niyang kausap yung pilot ng chopper na sinasakyan namin kanina.
"May paparating daw na bagyo. And we assume that it's not safe to go back in Manila." Sagot niya.
Kinapa ko yung dibdib ko, para kasing imbes na kabahan ako, na-excite pa ko.
"Why are you smiling?" tanong niya.
Dun ako mas kinabahan. "Ha? Ah... eh—
"Yes?"
"I have a smiling face you know." Sagot ko na sinabayan ko pa ng ngiting abot tenga.
"Yes, you have that smile that is contagious." Sagot niya.
Yun lang. hindi ko yun napaghandaan.
"You're blushing." Pang-aasar niya.
"I easily blush." Sagot ko.
"Mukha nga." Sagot niya naman. "I'm sorry I can't tour you around." Dugtong niya.
"No problem. Ang kulit ko din kasi eh, di ko man lang muna inalam kung okay ba yung panahon ngayon and whatever." Sagot ko.
"No, that's not your fault, I am to blame too," sagot niya naman.
"Pag-aagawan pa ba natin yun?" tanong ko.
Tumawa siya. Napangiti na din ako.
Napatitig ako sa kanya.
"Why?" parang bigla akong nagising nung nagtanong siya.
"Nothing. Hmmm... Para kasing nakita na kita dati, I mean before the party and basta, parang matagal na kitang kilala... but of course I'm wrong." Sagot ko.
Matagal siyang hindi nagsalita. Hindi ko mabasa kung ano iniisip niya. "What if you're right?" tanong niya bigla,
"I'm right?" tanong ko din.
"I mean, what if this is not the first time we've met?" tanong niya.
What if?
Hindi ko maintindihan.
He looks serious and seems like he's waiting for an answer.
"Matt, may na-contact na po ako sa Manila." Buti nalang biglang dumating yung piloto.
Tumingin siya sa akin.
Akala ko hinihintay niya pa yung isasagot ko.
"Excuse me," si Mateo, tapos tumalikod na siya.
Siguro naman nakalimutan niya na yung tanong niya.
"Yes, you have that smile that is contagious."
"You're blushing."
Napangiti nanaman ako.
Kasi naman, sa dami dami ng di ko napipigilan, pag ngiti pa tuwing naeexcite ako o kinikil—
Ano? Hindi. Hindi ako kinikilig no.
"Hindi nga!"
"Hindi ano?" nagulat ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Mateo. Nasabi ko pala yung naiisip ko. buti nalang yun lang yung sinabi ko.
Breathe in. Breathe out.
"Wala... Hindi, ahm... Nakausap mo ba si Myco?" tanong ko.
"You did not answer my question Zinderella. Hindi, hindi ko siya nakausap, but I assure you that my secretary would contact him to tell him that it's not safe to go back in Manila tonight." Sagot niya.
"Sana wag sila maging hysterical." Bigla kong naisip yung magiging reaksyon ng mga kambal ko.
"Why?" tanong niya.
"Astraphobia."
"That's so childish."
Hindi ako nakasagot.
"You're cute." Napatingin ako sa kanya.
"You're cute when you pout."
Naramdaman kong nag-blush ako kaya yumuko ako.
Napatingin ako sa kanya.
He's smiling...
"I was just kidding when I said it's childish. Remember the girl I told you at the parking lot? She has that fear. I know how she trembles during storm." nagulat ako sa sinabi niya. I wasn't expecting him to share something like that, again.
"And you were always there?" tanong ko.
"I was." sagot niya.
"What happened?" tanong ko.
"I had to leave her." simple niyang sagot.
"I'm..."
"You're?"
"I'm hungry."
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.
"You're pouting again." Sinabi niya habang nakangiti.
Nagulat ako ng bigla niyang inalis kong coat niya.
Napaatras ako.
"Easy lang. Lalabas muna ko, I'll look for food." Bigla naman akong nahiya sa kanya.
"Don't you have stocks in your chopper?" tanong ko.
"Of course we have, but I guess you have to try the fruits in this island."
"You will not disappoint me, right?" tanong ko.
"Of course not." Sagot niya, tapos lumabas na siya.
Lumabas din ako, pero hindiko na sya nakita, pinuntahan ko yung chopper.
"Good evening mam." Bati nung piloto sa kin.
Nginitian ko siya kuyang piloto. "Good evening. Wag niyo na po ako tawaging mam, Zinderella nalang po, or Zindy."
"Ako yung nagdala kay Mateo dito." Biglang sambit niya.
"Po?" tanong ko.
"Hindi na iba sa'kin si Mateo. His father and I are good friends. Nakita ko yung malaking pagbabago sa kanya mula nung bumalik siya matapos ko siyang ihatid sa islang ito."
"Ano pong ginawa niya dito?" tanong ko.
"He lived here. Alone."
"I heard this is where he fell in love?"
"Oo. Dito nga. He was really hurt."
"Ano pong nangyari?" tanong ko.
"Uncle! Zinderella, Let's eat." Sabay kaming napatingin sa direksyon ni Mateo.
He lived here alone. He fell in love here. He was hurt.
#
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
TeenfikceWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...