Zindy's POV
Nasa likod ako ngayon ni Myco at ni Arvin na nagpapanggap na sobrang depressed, hindi naman ako nakikita ng pamilya dahil malaki naman itong dalawang to.
"Anong problema niyo?" tanong agad ni Ken.
Oh... I missed my dad so much.
Nagtinginan sila, nagsensyasan...
"Eh kasi..." di nila tinuloy yung sasabihin nila dahil wala nalman talaga, sa halip, naghiwalay sila patungo sa dalawang gilid.
"SURPRISE!" sigaw ko.
Napatakip sila ng tenga.
O sige na, nasobrahan na naman yung sigaw ko.
1...2...3...
Walang lumalapit sa akin.
Nagkatinginan sila.
"Oh God!" biglang tumakbo palapit sa akin si Mai. "Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka na?" tanong niya.
"Eh—
"I terribly missed you girl." Dugtong niya pa.
Hindi ko na kailangang magpaliwanag for sure.
Lumapit na rin yung iba para makiyakap, pero si Ace... tulog na tulog pa rin.
Hindi na talaga nagbago.
"Akala ko hindi niyo na ko lalapitan eh. magtatampo na sana ako." Sambit ko nung isa isa na silang umalis sa pagkakayakap sa akin.
"Pwede ba naman yun?" balik-tanong naman ni Arvin. Sabay niyakap nila akong dalawa ni Myco.
"Di mo kasi kami niyakap ng ganun kahigpit kanina eh." sambit ni Myco.
"Selos naman agad kayo?" tanong ni Arjay.
"ANG INGAAAAAAAY!!!" bigla kaming natahimik ng biglang sumigaw si Ace na nagising dahil yata sa kaingayan namin.
Pinanood lang naminsiya habang unti-unti niyang minumulat yung mga mata niya. Ginitna nila ako, sa pwesto kung saan ako yung unang makikita ni Ace.
"Ano bang ikinaii— ZINDY?!" biglang nanlaki yung maliit niyang mata. "Zinds! Ikaw nga!" nang nasigurado niya ng ako nga ang nasa harap niya, dun lang siya tumalon mula sa kinauupuan niya para yakapin ako.
"Sinungitan mo ko." Sinabi ko with matching pouty lips pa nung maghiwalay kami sa pagkakayakap niya.
"Wag ka nang magtampo, parang hindi mo naman ako kilala..." at tingnan mo 'to, siya naman bigla yung nag-pout ng lips.
"O tama na yang pagpapa-cute, di na tayo teenager. Kumain na tayo." Biglang singit ng 'daddy', si Ken.
Habang kumakain kami, di ko mapigilang hindi sila tingnan isa-isa.
Madami ng nagbago.
Five years kaya yun.
Matagal din yun, though parang lumipas lang naman talaga.
Parang pinag-sama sama lang kami sa iisang course five years ago. Sabay sabay kaming nangarap na grumaduate sa course na yun. Pero isang taon lang ang tinagal namin dun, well ako nga, wala pang isang taon dahil nawala ako.
Kung ano man yung course na yun... ah! Basta! Related sa business.
Para bang pinagtagpo-tagpo lang kami para makabuo ng ganitong samahan. Ganito katatag na samahan.
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Teen FictionWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...