Chapter 1.28 - Gambling Hearts

507 9 4
                                    


Mateo's POV

Tulog na tulog na si Belle. Siguro sobrang napagod siya.

Ang haba nga naman ng araw na 'to, masyadong madaming nangyari.

Nag-walk out siya, biglang nagbago yung panahon...

At hinalikan ko siya.

Napahawak ako sa mga labi ko.

Nararamdaman ko pa rin ang mga labi niyang nakadikit sa mga labi ko.

Sana hanggang dito lang muna ang pansasamantala ko sa kanya.

Bakit kaya...

Bakit kaya tinugon niya yung mga halik ko?

Hindi kaya't—

Eh paano kung hindi?

Malamang hindi.

'wag ka ng umasa Mateo, walang patutunguhan yangkung anong espesyal na nararamdaman mo para sa kanya.

Hindi mo siya kilala.

At siya...

Hindi niya rin kilala ang sarili niya.

Parang sinusugal ko ang puso ko.

Hindi ko alam kung anong porsyento ako mananalo...

O baka naman umpisa palang...

Talo na ako.

Hindi ko alam.

Ang gulo.

Lalaban ba ko?

Tuluyan ko na ba talagang isusugal yung puso ko?

Napatingin ako sa bintanang kawayan, di ko alam kung may iba bang tawag dun, basta bintana.

Umaga na pala.

Unti unti ng lumiliwanag.

Di na ko nakatulog.

Nagbihis na ko.

Wala na kaming pagkain.

Kailangan kong makahanap ng maaaring makain naming dalawa.

Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya para magpaalam.

Pero mas pinili kong hindi nalang, mukhang pagod na pagod nga siya.

Hindi pa tuluyang sumisikat yung araw.

Hindi ko alam,

Hindi ko alam kung bakit dito ako sa kakahuyan dumiretso.

Hindi ko to ginagawa no'n pag ganitong oras dahil alam kong madilim sa lugar na ito dahil natatakpan ng puno ang liwanag na dalang araw.

Nakapagtataka pero pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad.

Bahala na talaga.

Malayo layo na rin ako, alam ko, pero hindi ako naliligaw.

May sense of direction ako.

Mula sa kubo, dire-dretso lang ang ginawa kong paglalakad.

Sa wakas, may nakita akong punong hitik sa bunga, agad akong kumuha ng ilan. Hindi ko alam kung anong bunga ito, ang alam ko lang, makakain ito.

Maglalakad na sana ako pabalik sa kubo namin ng bigla akong napatingin sa gawing kanan ko. Parang may liwanag.

Nilapitan ko iyon.

May lagusan...

Pumasok ako doon.

Kinakabahan ako, pero tinuloy tuloy ko pa rin ang paglakad. Gusto kong malaman kung ano ang matatagpuan ko dito.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon