Zindy's POV
Hindi ako makatulog.
Peste naman kasing lalaki yun eh! Nagpakita pa!
Sa lahat ng iniwan ko dito sa Pilipinas, siya ang hindi nagpapigil na bisitahin ako o yung mom and dad ko sa States.
Bakit niya nga naman pala ko bibisitahin diba?
Pero nakakainis talaga siya.
Lagi nalang nang-iinis.
At eto naman ako... inis na inis.
>__________<
*flashback*
"Iain!!!!!!" pagtatawag ko sa kanya nung nakita kong may kausap siyang babae. 12 years old palang ako, siya naman 18 na.
Hindi niya ako pinansin.
"Iain!!!!!!" sigaw ko ulit.
Umalis na yung babaeng kausap niya bago siya lumapit siya sa akin.
"Bakit ba tawag ka ng tawag?" inis na inis na tanong niya sa akin.
"Eh kasi... kasi wala akong kausap." Sagot ko. Nararamdaman kong tutulo na yung luha ko anytime.
"Alam mo ba kung sino yung kausap ko?!" lalong tumaas yung boses niya.
Oo. Kilala ko yun.
Yun yung bago naming kapitbahay na lagi niyang tinitingnan.
Pero imbes na sagutin ko yung tanong niya, yumuko nalang ako.
Tatalikod na sana ako pero bigla niyang hinila yung kamay ko.
Ngumiti siya. "Halika nga dito. Ano bang gusto mong pag-usapan? O gawin?"
Ngumiti din ako. Yung pinaka-cute kong ngiti.
*end of flashback*
12 years old palang ako nung una kong maramdamang may gusto na ako sa kanya. Too early to say na inlove. Pero parang ganun na din yun.
Alam ko, selos yung naramdaman ko nung kausap niya yung babaeng yon. Napakaganda niya. Simple lang siya. Hindi niya kailangang mag-make up para lang mapansin ng kahit na sino... ni Iain.
Kung hindi ko lang gusto si Iain... baka kinaibigan ko siya, baka naging 'ate' ko siya.
Mabait kasi siya.
Mabait din naman ako... kaso insecure.
Eh pa'no nga ba naman niya magugustuhan ang isang tulad ko na batang bata pa.
Eh ang tingin niya nga lang sa akin ay nakababatang kapatid.
Good thing. Malakas ako sa kanya.
Kaya lang hindi pala forever na ganun.
Magbabago't magbabago siya.
Habang tumatagal...
Unti-unti kong nararamdaman na lumalayo siya sa akin.
Unti-unting nagkakaroon ng pader sa pagitan namin.
Hanggang sa mag-16 ako.
Hanggang sa hindi ko na kinaya.
*flashback*
"Hi." Matipid kong bati. Nakaupo siya nun sa may duyan sa likod ng bahay namin, ginawa niya yun nung bata pa ako.
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Novela JuvenilWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...