Zindy's POV
Ilang araw na rin kaming ganito ni Matty.
Ganito.
Oo...
Ganito.
Sweet sa isa't isa...
Sweet sa isa't isa...
At...
Sweet sa isa't isa.
Ewan ko ba.
Hindi ko ma-describe eh.
Ang alam ko lang...
Sweet kami sa isa't isa.
Fine ang kulit ko.
Masaya lang ako.
Gusto ko kasi yung ganitong feeling.
Madalas nga nakakalimutan ko ng hindi ko kilala kung sino talaga ako... I mean... feeling ko, kung ano ako ngayon, eto talaga ako.
Ilang araw na rin yung nakakaraan simula nung bigla kong naalala yung lalaking yun.
Sino kaya siya?
May boyfriend kaya ako?
Sana wala.
Siguro naman wala.
Pero bakit siya nag-"I love you"?
Hmmm...
Agh! Ang bad ko...
Hindi ko alam.
Ah! Basta masaya ako ngayon.
Tulad ng lagi kong sinasabi...
Bahala na!
"Huy! Ano nanaman yang iniisip mo?" Mula sa likod ko, bigla akong niyakap ni Mateo.
Napangiti ako.
Humarap ako. "Gusto mong malaman?" magkadikit yung mga katawan namin, at yung mga mukha namin sa isa't isa.
"Hindi na kailangan..." sagot niya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Dahil alam kong ako lang naman yang iniisip mo." Sagot niya.
Ano daw?
Ang kapal ah...
Pinisil ko yung ilong niya. "Ang kapaaaaaaaaaaal mo talaga!"
"A-aw!" sigaw niya.
Tinulak ko siya tapos tumakbo ako palabas ng kubo.
Alam kong nakasunod siya at hinahabol ako.
"Wag na wag kang papahabol sa akin..." sigaw niya.
"At bakit naman?" tanong ko.
"Dahil pagsasawaan ko yang mga labi mo!" sigaw niya.
Tumigil ako sa pagtakbo.
Tumigil din siya, mga isang metro ang layo.
"Ba't bigla kang tumigil?" tanong niya.
"Sabi mo kasi pagsasawaan mo yung labi ko pag naabutan mo ko." Sagot ko.
"Aha!" natawa siya. "So gusto mong maabutan kita para mahalikan kita?" dahan dahan siyang lumalapit sa akin.
"Hmmm..." tapos ngumiti ako.
Ayan na...
Malapit na siya sa akin.
Isang hakbang nalang.
"Mukhang naaadik ka na sa mga halik ko ah..." sambit niya.
"Ang kapal mo talaga!"
"Sino ba sa atin ang tumigil sa pagtakbo para lang mahalikan ko?"
Inirapan ko siya.
"Sino?" tanong niya ulit.
"As if... eh todo habol ka nga diyan eh..." sagot ko.
"Aba... aba..."
"Ano? Eh di wala kang masabi?" nilapit ko yung mukha ko sa kanya.
"Tumatapang ka na ah..." sambit niya. "Nagiging pilya ka na..."
Hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi."In love yata ako eh..."
Hinawakan niya rin yung sa akin. "Kanino?" tanong niya ng may kasamang pilyong ngiti.
"Hindi ko alam..." sagot ko.
Actually, hindi ko talaga alam.
Binabagabag pa rin kasi ako nung lalaking yun eh.
Yung lalaking bigla ko nalang naalala pero blurred naman yung itsura.
Bigla siyang lumayo. "Akala ko sa akin..." sambit niya.
"Bakit bigla kang lumayo?" tapos lumapit ako.
"Namiss mo naman agad ako..." sagot niya.
"Baliw!"
Tapos yun.
Walang pasubaling hinatak niya ako at niyakap.
"Mat—
"Belle..." pagkabanggit niya sa pangalan ko, bigla niyang idinikit yung mga labi niya sa mga labi ko.
Napapikit ako.
Hindi ito yung unang beses.
Hindi rin yung pangalawa.
Hindi rin pangatlo.
Pero this time...
Me: "Agh! I hate you!"
Blurred man: "I love you."
Umiwas ako.
Nagulat siya.
Alam kong nagulat siya sa pagtanggi ko.
Ako rin.
Nagulat.
Hindi ko alam.
Bigla nalang nag-flashback sa akin yung lalaki.
Yung misteryosong lalaking yun.
Sino ba kasi siya?
Ginugulo niya yung utak ko.
Yung puso ko.
Hindi ako mapakali.
Hay naku!
"I'm sorry."
Ngumiti siya.
"Halika na...dumidilim na." sambit niya.
"Mat—
Pero tumalikod na siya.
Galit kaya siya?
Humarap siya bigla.
"Ayaw mo pa bang bumalik sa bahay?" tanong niya.
Anong isasagot ko?
"Ayoko..."
"Eh di—
"Dito muna tayo." Pinutol ko yung sasabihin niya.
Kailangan kong makabawi.
Nagtatanong yung expression na nakikita ko sa mga mata niya.
"Gusto kong makita yung paglubog ng araw... kasama ka."
--
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Teen FictionWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...