Chapter 1.35 - You, Me, Just Us

515 9 2
                                    


Zindy's POV

"Hindi ka pa ba papasok? malapit ng dumilim o..." tanong niya sa akin, sino pa ba? Eh dalawa lang naman kami sa islang 'to.

"..." hindi ako nakasagot, nag-flashback kasi sa akin yung sinabi niya kanina kung bakit ayaw niya pang bumalik dito. Kaninang umaga pa yun eh.

"Iniisip mo pa rin ba yung sinabi ko kanina?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya.

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Sorry..." he apologized.

"Hindi ako galit."  Matipid kong sagot.

"Eh ba't ayaw mo pang pumasok?" tanong niya.

"You know what... marami na akong naaalala." Napayuko ako. Ba't nasabi ko 'to?

"Naalala mo ba bigla na... na... na may boyfriend kang naiwan kaya nagkakaganyan ka?" tanong niya.

Oo.

Posibleng meron.

Pero hindi ko sinabi sa kanya yun.

I mean—

Hindi ko sasabihin sa kanya yun.

Ayoko siyang maging malungkot.

"Excluding that thing..." matipid kong sagot.

Hindi siya nagsalita.

Tiningnan ko siya.

Blangko yung expression ng mukha niya.

Wala akong makitang feelings.

"I—

Magsasalita sana ako pero bigla nanamang sumakit yung ulo ko.

Ganito ba talaga dapat?

*sudden flashback*

"Happy18th Birthday Anak. Happy Birthday Zinderella." Sabay na bati ng mom and dad ko.

Umiiyak na niyakap ko sila.

Nakasuot ako ng yellow na gown.

"Ang dami mo talagang pakulo mom." Naiiyak kong sabi.

----

"Ahhhh! Sir what's happening?" tanong ko sa piloto. Naramdaman kong hindi normal yung takbo ng chopper.

"The engine suddenly stopped." Sagot niya.

"What?!" tanong ko. "Nothing will happen right?" tanong ko.

"I don't know maam." Calm na sagot niya.

"Please... do something. I don't want to end my life here." Umiiyak na sagot ko.

Aw!

Ah-

"I love you mom...dad..." nasabi ko nalang nung unti unti na akong lumubog sa tubig.

*end of flashback*

"Belle! What's happening? Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Mateo.

Parang bigla akong nagising.

"Anong nangyari?" tanong niya. "May masakit ba? Teka—

"O-okay lang ako." Sagot ko.

Pero hindi.

Hindi ako ok.

Nag-flashback sa akin yung pagbagsak nung sinasakyan kong chopper.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon