Zindy's POV
"San ka pupunta Matty?" tanong ko kay Mateo, nakita ko kasi siyang nagbibihis.
O diba? Close na kami. Hahaha! Matty na tawag ko sa kanya.
*flashback*
"What's your name again?" tanong ko.
"What?! You don't remember my name? Baka naman sakit mo na talaga ang makakalimutin..." sagot niya. Akala ko nagbibiro lang siya, pero pagtingin ko sa kanya, di man lang siya ngumingiti.
"Ang bilis mo naman magalit." Tapos nag-pout ung lips ko. Ewan ko, parang di ko naman sinasadya yun.
"I'm not mad." Matipid niyang sagot.
"Ano na nga kasi?" pangungulit ko.
Tumingin lang ulit siya, ayaw niya pa rin atang sabihin kung ano.
Ano nga ba kasi yun? Nakalimutan ko talaga eh, I'm not joking around...
Ilang minute din yung lumipas, ah!
"Alam ko na name mo, I remember na." tumingin siya bigla sakin. Seryoso pa rin yung itsura niya.
"What?" tanong niya.
"Hmmm... Mattias!" tinitigan niya ko ng masama. "What's wrong?" tanong ko. Sasagot n asana siya pero inunahan ko na siya. "Ah... I see... You hate your name that's why...
hmmm... I'll call you Matty... cute." Nakangiti kong sabi. Pero ang seryoso pa rin ng mukha niya. What's his problem?!
"I'm neither Matty nor Mattias!"
Magsasalita na sana ako, but this time naunahan niya ko.
"I'm Mateo." Tapos tumayo na siya at naglakad palayo.
"Matty!" pagtawag ko sa kanya. Di siya humarap."Matty!"tinawag ko ulit siya at humarap sakin.
"Now what?!" sigaw niya.
"Humarap ka?! If you're not Matty, you won't look back but you did..." magsasalita n asana ulit siya pero di ko na siya pinasingit. "So I'm calling you Matty."
Hindi na siya sumagot. Sa halip, umalis na siya.
*end of flashback*
"Hey Matty! San ka pupunta?" aba't tingnan mo 'to at tiningnan lang ako. Eh sa'n ba naman kasi siyapupunta at kailangan ganun pa ang bihis niya eh wala naman yatang ibang mapupuntahan dito.
"Hey- pinutol niya na yung sasabihin ko at nagsalita na siya.
"I'll look for food." Pagkasabi niya no'n ay lumabas na kagad siya. Look for food?! San naman kaya yun maghahanap ng pagkain. Hayy...
Ayoko pa naman ng nag-iisa ditto sa cute niyang bahay. Napapaisip lang kasi ako tungkol sa sarili ko. Hindi ko na rin alam kung ga'no katagal na ako dito. Hanggang ngayon, wala pa rin akong natatandaan kahit isang bagay man lang tungkol sa buhay ko.
Para akong bagong panganak, na pagmulat ko, dun palang nagsimula ang buhay ko. Ang pinagkaiba lang, I'm years ahead from a baby. Yun lang.
May pamilya kaya ako? Kapatid? Mga kaibigan... hinahanap kaya nila ako? Nag-aalala kaya sila sakin?
Bakit ditto pa sa lugar na 'to ako napapunta...
Sa lugar kung saan malayo sa mga marahil nakakakilala sa kin...
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Teen FictionWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...