Arvin's POV
Two weeks na, parang ang bagal ng oras, pakiramdam ko ang tagal ng nawawala ni Zindy. Ayoko namang ipakita sa lahat lalong lalo na kay' Myco kung ga'no ako kalungkot. Ganito pala ang pakiramdam ng malayo sa taong importante sa'yo. Oo, importante sakin si Zindy. Importante naman saming lahat si Zindy.
*flashback*
"let me guess..." napatingin ako kung sinong nagsalita.
"...wala kang payong?" nkangiting sabi nung babaeng katabi ko.
"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko.
"Who do you think? Eh sa'yo lang naman ako nakatingin, right?" nkangiti pa ring sagot niya. Anong klaseng babae ba 'to at ngiting ngiti? Tanong ko sa sarili ko.
"hmmm..." npansin niya atang natulala ako sa kanya.
"ah...eh... Ou eh, pwede bang..." Di ko na natapos sasabihin ko kasi hinila niya na ko at pinasukob sa payong niya bago ulit siya nagsalita,
"Ang bagal mo naman kasi sumagot, kanina pa bumubusina yung driver ko..." nakangiti siyang humarap skin, bago pa ko nakasagot nagsalita nanaman siya "may sasakyan ka ba? San ka ba nakatira? Ihahatid nalang kita?" nakatingin lang siya sa akin,
"Ha? Ah! May sasakyan aq miss"
"Oh, ok. San ba naka-park? There! That's my driver, handsome no? Haha! Ipapahatid na kita!"
"Naku miss, 'wag na ok lang, salamat!"
"Huh? Are you sure? Pero mas mababasa ka ng ulan,"
"Zinderella..." sabi nung driver niya, driver pero ba't walang galang, napaisip ako. Sumakay na siya.
"Are you sure di ka na sasabay?" tanong niya ulit, ang kulit,
"Yeah, thank you miss..."
"Zinderella." nakangiting sabi niya.
"Shall we?" tanong nung asungot niyang driver, kasabay no'n pagtango niya at nakangiting nagwave ng kamay sakin. "bye!"
Bago pa ko nakasagot, nakaalis na sila, 'di man lang ako nakapagpakilala. Napalingon ulit ako sa kanya bago ko pa narealize na naiwan niya pala yung payong niya.
*end of flashback*
Naalala ko nanaman yung unang pagkikita namin, di pa namin alam no'n na magkasama kami sa iisang block kaya nung sabay kaming dumating sa klase, nagkagulatan pa kami. Hayy Zinds... Nasa'n ka na ba kasi?
Mateo's POV
"Hmmm...hmmm" teka, tama ba tong nririnig ko? U-umuungol siya?
"N-nasan ako? Anong ginagawa ko dit- agh!" nagmulat na siya ng mga mata ng dahan dahan, malamang, nasisilaw siguro siya.
"Miss? Miss? Anong masakit? Ahm.. Eh..." natataranta ako, ano ba 'to!
"Huh? S-sino ka? Anong... Sino a-ako?"
"Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan sa'yo? Sino ka?" naiinis na ko ah, aba't sakin pa nagtanong kung sino siya...
Teka, baka naman...
"H-hin-hindi ko... a- alam..." sagot niya. Iyak na siya ng iyak. I don't know what to do now.
"A-anong hindi mo alam?" tanong ko. Medyo mahinahon na ako, pero kinakabahan pa rin ako, ngayon lang ako nkaramdam ng ganito sa isang babaeng umiiyak, eh sanay nanaman akong makakita ng mga babaeng sa harap ko pa umiiyak.
"A-ng sakit ng ulo ko...sino a-ko? Sino ka? N-nsan ako? Anong l-ugar to?" ang dami naman nitong tanong, eh kahit nga ako di ko alam kung nasaan ba ako. Pareho na kaming nagpapanic.
"M-miss look, don't panic ok?" aba't tumingin lang siya sa akin, teka, ang ganda ng mga mata niya, parang kumikinang...erase erase Mateo!
--
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Novela JuvenilWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...