Chapter 2.13 - Mateo's POV

23 1 0
                                    


Mateo's POV

It's been five long years.

Hanggang ngayon,umaasa pa rin ako.

Umaasa na minahal talaga ako ni Belle.

Umaasa na sa islang yon, walang ibang nangungusap kundi ang mga puso namin.

I thought, when I left her in the hospital, I already ended up what happened between us.

I was wrong.

Aaminin ko, naduwag ako.

Why not?

*flashback*

"Belle... please gumising ka na... or at least... talk. Kahit pa pangalan niya pa. and if you did, papalayain na kita sa islang ito. Ilalabas kita, ibabalik kita sa dati mong buhay."

Hindi pa rin siya nagsasalita.

Hindi siya gumagalaw.

Pero alam kong buhay pa siya, hindi ako pwedeng magkamali. Nararamdaman ko pa ang tibok ng puso niya.

Lalabas na sana ako ng kubo ng bigla siyang nagsalita.

"Iain..."

*end of flashback*

Masakit.

Akala ko madali ko lang matatanggap yung sinabi ng doctor. Pero hindi pala yun ganun kadali.

*flashback*

Hawak-hawak ko yung dalawang kamay niya.

Belle, please wake up.

I love you.

Mahal na mahal na mahal na mahal kita.

Ayokong mawala ka sa akin.

Belle—

Bigla siyang gumalaw.

Unti-unti niyang minulat yung mga mata niya.

"Belle!"

"Nasaan ako?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako, pero nagsalita nanaman siya.

"Who—who are you?"

*End of flashback*

Wala akong ibang masisi kung hindi yung sarili ko.

Dapat umpisa pa lang, simula pa lang ng malaman ko yung daan palabas ng isla na yun, o simula pa lang nung nakita kong dumating ung mga rescuers sa isla ibinalik ko na siya kung saan talaga siya nararapat.

Pero kung ginawa ko kaya yun, naging masaya ako?

Nagbago kaya ako?

Naabot ko kaya itong kinatatayuan ko ngayon?

*Flashback*

"Finally! You're back son." Nagulat ako ng makita kosi Papa na nag-aabang pala sa sala.

Pero mas nagulat ako sa sunod kong ginawa.

Niyakap ko siya at di ko na napigilan yung mga luhang pinipilit kong itago.

Tin-ap niya ko sa likod.

Alam kong alam niya lahat ng nangyari sa akin sa islang yun hanggang sa ospital.

Hindi ko na pinairal yung pride ko, pagkadating na pagkadating ko sa ospital, siya agad ang tinawagan ko.

"How's the girl?" tanong niya.

Hindi ako agad nakapagsalita. Sa halip na magsalita pa ulit, sinamahan niya ako papunta sa dining area. Para akong bata na sumusunod lang sa kanya.

"You better eat first." Tumango lang ako bago umupo para sumubo ng ilan. Bigla rin naman akong nagutom, narealize kong ilang araw din pala akong hindi kumakain.

Napatingin ako kay Papa.

Dati tuwing tinitingnan ko siya, naasar lang ako pero parang biglang nangbago. Parang ang gusto ko lang gawin eh kausapin siya. Bigla ko rin naalala lahat at kung gano katama yung ginawa niya.

"You want to talk about it?" tanong niya.

"Ah... I guess." Sagot ko. wala naman akong ibang makakausap tungkol dito kundi siya eh.

Bumalik kami sa sala.

"How's your stay at the island?" tanong niya.

"That's something you don't need to ask I guess." Sagot ko.

"Then tell me what I ought to know."

"I love her." Sambit ko. tiningnan ko muna yung reaksyon niya bago ako nagpatuloy. He looks serious. "But I'm not good for her." Dugtong ko.

"Impossible." Matipid niyang sagot.

"Possible. She's too young and seems to be a very responsible person... unlike me." pagtataliwas ko sa kanya.

"That's true." Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya. "But you are now." Tapos ngumiti ulit siya.

Naramdam kong pumatak nanaman yung luha ko. agad ko yun pinunasan.

"It's okay to cry son."

"You're acting like a good father there." Sambit ko.

Natawa siya. "And you're acting like a good son." Natawa na din ako. bigla niya kong niyakap. "Are you sure you'll leave her that way?" tanong niya.

Napaisip ako bigla.

Am I letting her go? Even with the fact that she used to love me before she lost her memory with me?

"I'm not letting her go..."

Napangiti nanaman siya. "Then why you came back?" tanong niya.

"I have to. I have to be the person you wanted me to be. I have to be responsible enough when the right time comes that I have to fight for her." Sagot ko. hindi ko siya mapaglalaban kung wala naman akong mapapatunayan sa mga magulang niya. Kung wala kong mapapatunayan sa mga kaibigan niya... at sa kung sino mang Iain yun.

"That's the best thing you got to do before anything else, son. Don't worry, I like her... for you." Sagot niya.

"Thanks Pa."

*end of flashback*

#

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon