Mia PovSinubukan kong iwasan si Red pero masyado siyang makulet kung nasan ako magugulat na lang ako nandun na din siya. Pero aaminin kong napapasaya niya ko sa lahat ng effort na ginagawa niya pero hindi pa din maalis sakin na baka saktan niya lang din ako.
Kumakain ako ngayon sa field namin habang nagbabasa ng biglang sumulpot si Red.
"Kumakain kana pala. Sayang naman tong binili ko para sayo." Tinignan ko siya.
"Ano ba yan?"
"Hotdog with bread. " napangiti naman ako dahil alam niya yung paborito ko.
"Akin na nga. " kinuha ko yung hawak niya at sinimulan ko ng kainin . Napansin ko naman na parang tahimik siya .
"May problema ba? Bat parang tahimik ka?" Seryoso siyang tumingin sakin sabay hawak niya sa mga kamay ko.
"Mia mahigit isang buwan na kong nanliligaw sayo uhm hindi naman sa hindi ko kayang magantay pero kasi gustong gusto ko ng gawin sayo yung mga ginagawa ng isang boyfriend. Mahal na kita Ira." Nagulat naman ako sa mga sinabi niya. Napaisip ako mahal ko na ba siya? Kapag nanjan siya napapasaya niya ko. Kapag hindi ko siya nakikita lagi siyang nasa isip ko. Mukhang gusto ko na nga din siya pero takot akong magtiwala sa kanya.
"Red i like you pero natatakot akong sagutin ka. Natatakot akong baka saktan mo lang ako. Isa pa hindi mo pa ko kilala wala ka pang alam sakin."
"Kilala na kita Mia. Kilalang kilala na kita.ikaw yung babaeng simple lang yung babaeng mukhang mataray pero mabait naman talga."
"Hindi yun ang ibig kong sabihin Red. Hayaan mo munang magisip ako. Sige na may pupuntahan pa ko."
Tumayo na ko at iniwan siya dun. Sobrang naguguluhan ako sa dapat kong gawin. Alam ko sa sarili kong mahal ko na siya pero natatakot akong sumugal .
Kailangan ko ng makakausap pero sino bang pwede kong kausapin sa 5 demons. Alam ko na. Si Nigel simula nung niligawan ako ni Red hindi na ko pumapayag na may mangyare samin naintindihan niya naman yun. Sinabi niyang pwede ko siyang ituring ns kaibigan. Naglakad ako papunta sa rooftop kung saan ang tambayan niya.
Pagkaakyat ko sa rooftop ay nakita kong nakahiga si Skylerhabang nakapikit nilapitan ko siya.
"Skyler" dumilat naman siya at umupo.
"Oh Mia bakit?" Umupo ako sa tabi niya.
"Sa tingin mo ba pwede ko ng sagutin si Red?"
"Depende sayo yun Ira. Mahal mo naba?"
"Oo mahal ko na."
"Yun naman pala eh."
Tumingin ako sa kanya. "Pero Skyler alam mo kung anong past ko. Sa tingin mo ba matatanggap niya yun?"
Alam niya yung past ko kwinento ko sa kanya lahat.
"Katulad ng sabi mo past na yun Mia hindi porket ganun ang past mo hindi kana pwedeng mahalin marami kang katangian na kahit sinong lalake mahuhulog sayo. Try to give him a chance na patunayan sayo kung pano mahalin ng totoo. Mukha namang sincere siya. And don't worry once na saktan ka niyan ako makakalaban niyan."
Napangiti naman ako sa sinabi niya niyakap ko siya. "Salamat Skyler."
Tama siya siguro nga eto na yung time para pagbigyan ko yung sarili ko na maging masaya . Bibigyan ko ng chance si Red.
------
Pa vote po please
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
RomansaMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...