Mia Pov"Dylan pumayag ako sa bagay na to dahil nakiusap ka sakin. Pero kapag hindi kana pinilit ng mommy mong ipakasal sa babaeng hindi mo naman mahal gusto kong ipawalang bisa mo agad tong kasal natin."
Sabi ko kay Dylan habang nakatingin ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa bahay nila at nandito ako sa isa sa mga kwarto dito. Nakaayos na ko dahil ikakasal kami ni Dylan.Oo tama kayong nababasa ikakasal kami ni Dylan pero hindi dahil mahal namin ang isa't isa kung hindi dahil kailangan kong magpakasal sa kanya para matakasan niya ang pangungulit ng mommy niya sa kanya na ipakasal siya sa gusto nitong babae.
"Oo Mia alam ko namang hindi mo ko mahal. Kahit gusto kong maging totoo tong kasal natin dahil mahal kita hindi kita pipilitin. Kung san ka masaya masaya na din ako." Ngumiti siya sakin. Nginitian ko na lang din siya.
Nagpaalam na siyang magaayos dahil ilang oras na lang ay ikakasal na kami. Naiwan na ulit akong magisa dito sa kwarto. Muli akong tumingin sa salamin habang inaantay ko yung wedding gown ko.
Isang taon na simula nung mawala sakin ang lalaking mahal na mahal ko. Pero hanggang ngayon hindi pa din mawala yung sakit dahil iniwan niya ko. Kung buhay pa sana siya edi sana siya ang papakasalan ko ngayon. Skyler sana masaya kana kung nasan ka man. Sobrang miss na miss na kita.
Tumingala ako para pigilan ang mga luha kong gusto nanaman pumatak. Sa isang taon na lumipas walang araw na hindi ko naiisip si Skyler . Sobrang sakit dahil kahit sa huling pagkakataon man lang hindi ko siya nakita dahil sa ibang bansa siya dinala ng parents niya at dun siya ipinalibing.
"Ma'am eto na po yung wedding gown niyo." Naputol ang pagiisip ko ng magsalit yung nagaayos sakin ngayon. Tumayo na ko para isuot yung wedding dress.
Pagka suot ko ay agad akong tumingin sa salamin at napangiti ng malungkot ng maalala ko nanaman si Skyler . Kung buhay pa sana siya, siya ang lalaking gusto kong makita sa altar at siya lang ang lalaking gusto kong pakasalan. Pero hindi na mangyayare yun dahil wala na siya.
Huminga ako ng malalim at pilit inalis sa isip ko si Skyler ayokong biguin si Dylan. Kailangan magmukha akong masaya sa harap ng pamilya niya para hindi mahalata ng mga ito na nagpapanggap lang kami.
--
Nandito na ko ngayon sa harap ng simbahan nakatayo ako sa malaking pinto ng simbahan na to. Naririnig ko yung tugtog sa loob naguumpisa na sigurong maglakad yung mga bisita.
Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Pano kung mahalata ng pamilya ni Dylan na hindi ako masaya sa kasal na to. Pinilit kong alisin sa isip ko lahat ng nagpapakaba sakin dahil ayokong biguin si Dylan . Huminga ako ng malalim at ngumit ako ng matamis kasabay nun ang pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan.
Nakatingin lahat ng tao sakin habang naglalakad ako papasok. Lahat sila nginingitian ako kaya habang naglalakad ako ay nginingitian ko din sila. Humarap ako para tignan si Dylan pero bakit hindi si Dylan ang nakikita ko. Si Skyler.
Pumikit ako dahil baka namamalikmata lang ako at muling kong binuksan yung mga mata ko. Muli akong tumingin sa kinakatayuan ng groom. Si Skyler talaga ang nakikita ko pero impossible patay na si Skyler bakit siya ang nakikita ko. Hanggang sa makalapit ako sa lalakin nakatayo sa harap ngumiti siya ng sobrang tamis sakin. Yung ngiti na yun. Yun yung ngiti na sobrang namimiss ko yung ngiting dahilan kung bakit minsan akong naging masaya. Yung mga ngiti ni Skyler .
"Ang ganda naman ng future wife ko. Namiss mo ba ko?" Sabi niya pagkalapit niya sakin at hinawakan niya panyung kamay ko. Hinawakan ko yung mukha niya at pulit ulit akong pumikit at dumilat pero si Skyler pa din talaga ang nakikita ko.
"Kurutin mo nga ako nananaginip ata ako." Sabi ko pero natawa lang siya sakin. Kinurot niya ako sa pisnge at naramdamn ko yung sakit.
Nagumpisa ng pumatak yung mga luha ko. Totoo siya. Totoo si Skyler hindi ako nananaginip buhay siya at hindi siya patay.
"Shhhh wag ka ng umiyak. Ayoko ng makita kang umiiyak dahil sakin Mia." Niyakap niya ko ng sobrang higpit kaya naman mas lalong napalakas yung iyak ko. Pinaghahampas ko yung likod niya.
"Nakakainis ka akala ko patay kana. Isang taon kitang iniyakan kasi akala ko wala kana. " Humiwalay siya sa yakap at hinawakan yung mga kamay ko. Hinawakan niya yung pisnge ko at pinunasan yung mga luha ko.
"Buhay ako Mia. Hindi ako pinabayaan ng parents ko. Naghanap sila ng pwedeng magdonate sakin ng kidney kaya na buhay ako. Natagalan nga lang kaya isang taon akong nawala pero eto ako ngayon nasa harap mo at nasa harap ng maraming tao. Papakasalan kita ngayon dahil mahal na mahal kita Mia. Kaya sana pumayag kang magpakasal sakin kahit na marami akong maling nagawa sayo. Kahit na pinaiyak kita at sinaktan kita. Ira ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Hindi ako nagdalawang isip na isakripisyo yung buhay ko para sayo dahil mahal na mahal kita Mia. " Sabi niya habang nakatitig siya sa mga mata ko dahilan para mapaluha ako sa sobrang saya dahil nandito na sa harap ko ngayon ang lalaking mahal na mahal ko.
"Papakasalan kita ngayon Skyler dahil mahal na mahal din kita." Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao. Nawala sa isip ko na marami nga palang tao dito sa simbahan.
Hinila na ko ni Skyler papunta sa harap ng pari at nagsimula na kaming ikasal. Nakangiti lang ako habang nagsasalita yung pari. Sobrang saya ko dahil ikinakasal ako ngayon sa lalaking mahal ko.
Nasa part na isusuot na ni Skyler sakin yung singsing. Hinawakan niya yung kamay ko at tintigan ako sa mga mata ko.
"I promise to love you forever and always. Mia Rodriguez kahit anong mangyare sating dalawa pangako hinding hindi kita iiwan dahil ikaw lang ang babaeng mahal na mahal ko. Alam kong marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan pero alam kong kaya nating lagpasan yun basta magkasama tayong dalawa. I love you so much Mia. " At isinuot na niya yung singsing.
Kinuha ko na yung singsing na isusuot ko sa kanya at tinitigan ko din siya sa mga mata niya. Ngumiti ako kahit may pumapatak na luha sa mga mata ko. Hinawakan ko yung kamay niya.
"I also promise that I will love you always and forever Skyler . Skyler ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Ikaw yung lalaking naging dahilan kung bakit buo pa din ako hanggang ngayon. Sa kabila ng lahat ng nangyare sakin tinanggap mo pa din ako tinulungan mo kong ayusin yung buhay ko Skyler . Nagawa mo pang isakripisyo yung buhay mo para lang mabuhay ako. Alam mo hindi ko alam kung pano ko masusuklian yung mga ginawa mo sakin pero pangako Skyler mamahalin kita higit pa sa pagmamahal mo sakin. I love you so much Skyler Lorenze Voltage." Sinuot ko na yung singsing at nakita kong ngumiti siya. Nginitian ko din siya at pinunasan yung luha ko.
Muli kaming humarap kay father. May sinabi pa siya at ang huli niyang sinabi ang sobrang nagpasaya sakin.
"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE."
Humarap ako kay Skyler at nakangiti siya sakin habang nakatitig siya sa mga mata ko. "You're now officially my wife Mia Rodriguez Voltage ." At dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sakin. Napapikit ako at naramdamn ko ang labi niyang dumikit sa labi ko.
Eto ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang maikasal sa taong sobrang mahal ko. Marami mang nangyare sakin na hindi maganda gumawa pa din ng paraan ang dyos para maging maayos ang lahat.
Matuto lang tayong lumaban. Hindi mawawala sa buhay ang mga pagsubok na humahamon sa lakas natin. Kung hanggang san tayo tatagal o kung kaya ba nating lagpasan. Masasabi kong dapat maging handa tayo at matutong lumaban upang mabuhay.
"I love you my wife."
"I love you more my husband."
----
THE END. :) Thank you sa pagbabasa ninyo sa story ko na to. Pasensya na hindi ko na kung anong nangyayare sa isang kasal. Hahahaha. So ayun thank you sa pagsupport sa story na to. mahal ko kayo.
Pa vote po please
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
RomanceMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...