Chapter 14

122 1 0
                                    



Mia Pov

Kinabukusan ay naghanda ako dahil sabi ni Red kagabe may surprise pa daw siya sakin ngayon. Sa may court daw ako pumunta ewan ko ang alam ko may laban siya ngayon eh. Yung team nila may laban.

Kinuha ko na yung mga gamit ko at naglakad na palabas ng kwarto ko. Naglakad ako sa hallway papunta sa court simula nung maging kami ni Red sinubukan kong maging mabait kapag may paparusahan ang 5 demons hindi na muna ako sumasali sinasabi ko na sila na lang muna ang bahala. Wala na ding nangyayare samin ni Skyler. Dahil ayokong lokohin si Red.

Narinig ko yung mga hiyawan ng mga tao sa loob ng cover  court namin. Pumasok na ko at nakita kong halos lahat ng studyante ay nandito ngayon. Umupo ako sa bandang unahan at nakita ko si Dylan isa sa mga member ng 5 demons nakita niya ko kaya tumabi siya sakin.

"Hi Mia." Nginitian ko siya

"Hello Dylan."

"Ibang klase talaga tama mo kay Red ." Napatawa na lang ako sa dinabi niya tama naman kasi talaga siya.

May nagsalita kaya tumahimik yung mga studyante si Liza leader ng cheerdance sa school nato.

"Students may parang live show muna kaming ipapanood sa inyo bago tayo magumpisa. Hope you all enjoy" ewan ko pero nakita ko siyang tumingin kung nasan ako at ngumisi ewan ko lang kung ako yung nginisian niya pero bigla kong kinabahan.

Nagsimula na yung parang play na sinasabi niya. Nung una ay wala akong pake pero nung nasa gitna na yung nililigawan na nung boy yung babae parang kami ni Red yung inaacting nila. Napatingin na din sakin si Dylan dahil alam niyan ganun ang ginawang panliligaw sakin ni Red.

Hanggang sa sinagot na nung babae yung lalake hindi ako pwedeng magkamali kami ni Red yung inaacting nila. bigla naman akong kinabahan sa susunod na mangyayare.

"Mia sinong nakauna?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yung voice record na nagp-play ngayon sa buong cover court.

"Uhm. Wag mo ng alamin Red."

"Tell me. You can trust me Mia. Walang magbabago kahit ano man yang sabihin mo.  Mahal kita at hindi na mababago yun."

Nakatuon lang ako sa pakikinig para kong naestatwa sa kinauupuan ko nakita kong tumayo si Dylan at sumigaw.

"ITIGIL NIYO YAN. PATAYIN NIYO NA YAN. PUTANGINA"

Wala na ko sa sarili hindi ko na alam yung gagawin ko.

"Sigurado ka? Walang magbabago? Hindi mo ko iiwan?"

"Hinding hindi kita iiwan Mia."

Narinig kong sumisigaw na din si Skyler.

"TANGINA NIYO ITIGIL NIYO NA YAN."

Gusto ko ng umalis sa lugar na to pero hindi ako makatayo para kong nanigas sa kinauupuan ko.

"Ang daddy ko Red. Siya ang nakauna sakin. Silang dalawa ng kuya ko. Minolestya nila ako Red inuto nila ako para gawin ko lahat ng gusto nila. Pinagmukha nila akong tanga. Niloko nila at sinaktan nila ko Red. Sinaktan at pinaglaruan ako ng sarili kong ama at ng sarili kong kuya."

Hindi pwede to. Nagsimula ng magunahan sa pagpatak yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Naririnig ko yung mga bulungan nila.

"Hinding hindi magbabago yung pagmamahal ko sayo Mia. Mahal na mahal kita. Round two tayo babe?"

Nagsalita ulit si Liza. "Mia Rodriguez napakatanga mo para maniwala na mahal ka ni Red. Haha niligawan ka niya para mapasagot niya ko. Poor you masyado kang assuming . Nerd ka dapat matalino ka pero tatanga tanga ka."

Nakita kong naghalikan sila ni Red. Hindi ko na kaya yung mga narinig at nakikita ko tumayo ako at tumakbo palabas ng court. Patuloy lang sa pagtulo yung mga luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

---

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon