Skyler Pov
Putangina. Yan na lang ang mga salitang nasa isip ko ngayon ng makita ko kung sino yung babaeng nasa harap ko.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?" Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon pero halo halong emosyon. Naiinis ako,nagagalit ako at ang pinakaayaw ko sa lahat nasasaktan ako.
"Come on Skyler i know you miss me. Right honey?"
What the fuck. Hindi hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko kinalimutan ko na siya. Pinilit kong alisin yung pagmamahal ko sa kanya hindi ako pwedeng magpadala sa nga ngiti niyang yan.
Humarap siya sakin at hinawakan ako sa pisnge nginitian niya ko. Yung ngiti niyang nagpainlove sakin yung ngiti niyang sobrang minahal ko. At yung ngiti niyang namiss ko.
Napailing ako sa iniisip ko at agad na hinawakan yung dalawang kamay niya pilit ko siyang tinitigan na parang wala siya sakin.
"Kc enough. Don't you dare touch me again, understand?"
Marahas kong binitawan yung kamay niya at tatalikod na sana sa kanya ng bigla niya kong hilahin paharap sa kanya at agad akong hinalikan.
Putangina hindi pwede eto ang kahinaan ko etong halik niya na kahit ayokong tugunan nagagawa kong tugunan sa sobrang lambot ng mga labi niya. Namiss ko to. Namiss ko tong mga halik niyang to. Hindi ko namalayan na hinahalikan ko na din siya hindi ko kayang pigilan ang sarili ko akala ko nakalimutan ko na si Kc hindi pa pala.
Napahinto kami sa paghahalikan ni Kc ng biglang tumawa si Dylan at nakita kong nakaakbay na siya kay Mia.
"So pano ba yan? Magkakabalikan na kayo dahil mahal niyo naman ang isa't isa diba Skyler?So akin na si Mia ha."
Nginisian lang ako ni Dylan napatingin ako kay Mia. Nakita kong parang malungkot siya at nakayuko lang lalapitan ko na sana siya pero bigla kong hinawakan ni Kc sa braso.
"So Mia right? Kung ano mang meron sa inyo ni Skyler wala na yun kalimutan mo na okay? Bumalik na kasi ang babaeng tanging minahal niya at ako yun. " Sabi ni Kc kay Mia habang nakakapit siya sa braso ko gusto kong umangal pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam naguguluhan ako mahal ko pa si Kc at alam kong mas mahal ko si Kc kesa kay Mia hindi ko naman siya mahal eh. Hindi nga ba? Ewan.
Tumingin samin si Mia at ngumiti to na parang wala lang sa kanya ang nangyayare. Ewan ko pero parang may kumirot sa puso ko. Ano pa nga bang aasahan ko syempre matutuwa pa yan dahil wala ng didikit pa sa kanya.
"Congrats Skyler and Kc. Oo naman fake lang naman yung relasyon namin niyan ni Skyler . Ewan ko ba jan pinilit lang naman ako niyan. Osige na may klase pa ko. " Inalis niya yung pagkakaakbay ni Dylan sa kanya at tumalikod na samin.
Ngumisi nanaman si Dylan sakin at bago niya sundan si Mia ay nagsalita pa siya na naging dahilan ng pagkuyom ng palad ko.
"Skyler tandaan mo kaoag naging akin na siya. Wala ka ng mahahabol pa. Congrats sa inyo lovers." Tumalikod na din siya at hinabol si Ira na naglalakad na palayo.
May kung ano sa loob ko na gusto silang habulin pero hindi ko magawa dahil nakakapit si Kc sakin. Hindi ko din alam kung ano tong nararamdaman ko naguguluhan ako.
"Babe so kamusta? Namiss kita ng sobra."
Napatingin ako kay Kc dapat galit ako sa babaeng to eh. Pero bakit ganun isang halik niya lang nawala lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanya.
Ayoko ng bitawan pa si Kc dahil gusto ko skin lang siya. Siya ang unang babaeng minahal ko siya lang. Pero bakit ganito yung nararamdamn ko para kay Mia ayoko siyang mapunta kay Dylan .
Siguro dahil si Dylan din ang dahilan kung bat nagkahiwalay kami ni Kc. Nahuli ko silang naghahalikan nun. Grabe galit ko kay Dylan nun pero pinaliwanag niya na si Kc ang unang humalik. Umamin si Kc kaya nakipagbreak ako sa kanya kahit na mahal ko siya. Ayokong mapunta si Mia kay Dylan kahit kanino wag lang kay Dylan .
---
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
RomanceMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...
