Mia PovNandito ako ngayon sa may field nakatingin lang ako sa mga bituin sa langit. Ang gaganda talaga nila sana isa na lang ako sa kanila. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan yung mga stars. Masyadong maraming nangyayare sakin nung mga nakaraang araw. Sobrang bilis ng mga pangyayare. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip ko nanaman si Skyler alam kong mali to si Dylan na ang boyfriend ko. Pero sinusubukan ko naman eh. Sinusubukan kong alisin sa isip ko si Skyler pero hindi ko magawa.
Napatingin ako sa paligid. Matagal na din pala simula nung pumasok ako sa school na to. Maraming magagandang nangyare sakin dito pero syempre marami ding mga pangyayare na hindi ko gusto. Pero thankful ako dahil nakilala ko yung mga taong yun dito.
Tumayo na ko at pinagpagan yung pajamas ko sigurado akong hinahanap na ko ni Dylan kaya babalik na ko sa dorm. Sobrang nagulat ako nung tumalikod ako dahil hindi ko inaasahang makita ang dalawang taong to. Napaatras ako.
"D-daddy? K-kuya?" Ewan ko pero bigla akong natakot alam kong matapang na ko pero bakit ganito pagdating sa kanila natatakot ako. Ngumisi si Kuya sakin at naglakad siya palapit sakin.
"W-wag kang lalapit." Tatakbo na sana ko pero mabilis akong nahawakan ni Kuya sa braso ko. Sinubukan kong pumalag pero tangina ang higpit ng hawak niya sakin.
"At san ka pupunta little sis? Hmm hindi mo ba namiss si Kuya? Kasi ako miss na miss kita." Sabi niya pa sabay lapit ng mukha niya sakin pero umiwas ako.
"B-bitawan mo nga ko ano ba." Pilit pa din akong pumapalag sa pagkakahawak niya pero mahigpit talaga yung pagkakahawak niya. Susuntukin ko na sana siya gamit yung isa kong kamay pero hinawakan ako ng magaling kong ama.
"Baby girl wag kana pumalag kung ayaw mong masaktan. Iuuwe kana namin. Matagal kana naming hinahanap alam mo ba yun?" Madiin na sabi niya sakin halata sa tono niya na galit siya.
Tinignan ko sila pareho hindi ko dapat ipakita sa kanila na natatakot ako. Hindi na nila pwedeng gawin sakin yung ginawala nila dati ayoko ng abusuhin pa nila ako. Tumawa ako pilit akong tumawa para maitago ko na natatakot ako.
"Akala niyo ba sasama pa ko sa inyo? Pagkatapos niyo kong babuyin? Hindi ako sasama sa inyo kaya pwede ba bitawan niya ko. " Pagkasabi ko nun ay dinuraan ko sila pareho. Nakita kong sobrang nagalit sila at naramdamn kong mas lalong humigpit yung kapit nila sa braso ko. Pero mas nagulat ako ng sampalin nila ako pareho ng malakas dahilan para maluha ako sa sakit.
"Tanda isaksak mo na nga yan para madala na natin tong babaeng to." Pagkasabi nun ni Kuya may sinaksak si Daddy na injection maya maya pa nawalan na ko ng lakas na pumalag. Para kong nanghina,pakiramdam ko nakalutang ako.
Binuhat na ko ni Kuya na para kong sako at narinig ko pang nagsalita siya. "Gusto mo pa kasing nasasaktan ka."
Tangina hindi ako magalaw gusto kong pumalag pero hindi ako makagalaw parang namanhid yung buong katawan ko. Hindi pwede to hindi ako pwedeng mapunta sa mga hayop na to. Skyler nasan kana ba akala ko ba pro-protektahan mo ko. Nasan kana?
Unti-unti na kong nawawalan ng malay. Pero bago ako mawalan ng malay ay may narinig pa kong sumigaw.
"MIA TANGINA BITAWAN NIYO SIYA" Pilit kong dinilat yung mga mata ko pero malayo siya samin tumatakbo siya pero tumatakbo na din si kuya hanggang sa makasakay na kami ng kotse.
Napabulong na lang ako bago ako mawalan ng malay. S-Skyler "
---
Lance Pov
Napagod pa ko kakatakbo para lang hindi kami mahabol ng gagong yun. Hindi ko kilala kung sino yun pero mukhang concern siya kay Mia dahil sinubukan niya pa talaga kaming habulin kahit nakasakay na kami sa kotse.
Napatingin naman ako kay Mia na kasalukuyan na wala ng malay. Napangisi ako.
"San natin siya dadalhin?" Tanong ko kay tanda.
"Sa hideout natin. Mas maganda kung dun natin siya dadalhin para siguradong hindi tayo masusundan ng kahit na sino."
Oo tama kayo ng nababasa may hideout kami dahil may grupo kami ng matandang to. At siya ang leader ng group na yun. Gumagawa kami ng mga illegal na bagay katulad ng pagpatay at pagnanakaw.
Muli kong tinignan si Mia. Namiss ko tong babaeng to masasabi kong isa siya sa mga masarap na naikama ko. Hinawakan ko yung pisnge niya at ngumiting demonyo. Sorry kana lang Mia pagsisisihan mong nagpakita kapa samin ulit.
---
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
Roman d'amourMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...