Chapter 43

68 1 0
                                    



Mia Pov

Binuksan ko yung mga mata ko, puro puti yung nakikita ko. Nasa langit naba ako? Patay na ko? Yan ang mga tanong sa isip ko pero agad ding nawala yun ng makita ko si Dylan na nakayuko sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Buhay pa ko.

"D-Dylan ." Tawag ko sa kanya at ginalaw ko yung kamay ko para magising siya. Agad naman siyang napatingin sakin at hinawakan yung mukha ko.

"Gising kana Mia. Shit gising kana teka tatawagin ko yung mga doctor." Napansin kong nakahawak siya sa tagiliran niya. Dahil dun ay agad kong naalala ang lahat ng nangyare. Nasaksak siya dahil sakin. Si Skyler muntik ng mabaril dahil sakin buti na lang nakaya kong tumayo nung mga oras na yun kaya ako yung nabaril ni Lance .

Hinawakan ko yung kamay ni Dylan na hindi nakahawak sa sugat niya. Ngayon ko lang din napansin na nakahospital dress din siya.

"O-okay lang ako. U-umupo kana jan baka mapano pa yung sugat mo. S-si S-Skyler ?" Nakita ko namang napayuko siya ng itanong ko si Skyler . Bigla akong kinabahan sa inasta ni Dylan.Pero bakit? Ako ang nabaril at hindi si Skyler alam kong okay lang siya.

"S-sagutin m-mo ko Dylan . N-nasan s-si Skyler ?" Tumingin na sakin si Dylan at nakita kong may pumatak na luha mula sa mga mata niya. Agad niyang pinunasan yun. Natatakot na ko sa sasabihin niya hindi ko gusto yung inaasta niya.

"S-sabihin m-mo nasan siya? O-okay lang siya diba? Ako yung nabaril prinotektahan ko siya kaya alam kong okay lang siya. Nasan siya?" Hinawakan ng mahigpit ni Dylan yung kamay ko at tinignan ako.

"W-wala na siya M-mia Nagulat ako sa sinabi niya. Panong wala? Hindi ko maintindihan.

"A-ano bang s-sinasabi mo? A-anong w-wala?" Pinilit kong umupo pero nakaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko kaya napahawak ako dun.

"Bubuka yung tahi mo wag ka munang gumalaw please lang." Tahi? Bakit may tahi ako sa tagiliran ano ba talagang nangyayare.

"P-please s-sabihin mo nasan si Skyler ?" Sa ngayon yan ang gusto kong malaman kung nasan si Skyler .

"M-mia w-wala na siya. P-patay na s-si Skyler ." Napanganga ako sa sinabi niya pinilit kong umupo kahit masakit yung tahi ko at humarap ako sa kanya.

"Anong patay? Hindi magandang biro yan Dylan . sorry pero alam kong ikaw ang boyfriend ko pero Dylan si Skyler siya ang mahal ko kaya please sabihin mong hindi totoo yang sinasabi mo." Nagumpisa nanamng tumulo yung mga luha kong hindi na ata nauubos.

Hinawakan ako ni Dylan sa balikat at tinitigan ako. Puno ng sakit yung mga titig niya sakin at naguumpisa na ding mamasa yung mga mata niya.

"Mia alam kong siya ang mahal mo. Handa naman akong magparaya eh. Pero yung gagong yun inisip niya yung kapakanan natin Mia. Nangailangan ako ng kidney dahil natamaan ng kutsilyo yung kidney ko dahil sa ginawang pagsaksak sakin ng tatay mo. Handa na kong mamatay Mia pero yung gagong si Nigel binigay niya sakin yung kidney niya. " Nagumpisa na ding umiyak si Daniel habang sinasabi niya yan. Napaupo siya sa kama ko at muling nagsalita.

"Pagkagising ko tumawag sakin si Tita Kit mama ni Skyler . Sinabi niyang patay na si Skyler . Naguluhan ako nung una dahil alam kong wala siyang tama. Pinaliwanag niya sakin lahat Mia. Binigay ni Skyler ang dalawang kidney niya. Yung isa para sakin at yung isa para sayo." Sabi niya sabay tingin sakin. Mas lalong napalakas yung iyak ko ng marinig ko yung sinabi ni Dylan .

"H-hindi. Bakit niya ginawa yun dapat hinayaan niya na lang akong mamatay." Wala na kong nagawa kung hindi ang umiyak. Hindi ko lubos maisip na handa si Skyler na isakripisyo ang sarili niyang buhay para sakin at kay Dylan .

Niyakap ako ni Dylan at wala akong nagawa kung hindi yakapin siya pabalik. Mas lalo akong napaiyak. Ang sakit sobrang sakit para kong binagsakan ng buong mundo sa mga narinig at nalaman ko. Mas masakit pa to ng malaman kong hindi ako tunay na anak ng demonyong yun.

Parang nawalan na ko ng silbi sa mundong to. Yung lalaking mahal ko sinakripisyo yung sarili niyang buhay para lang mabuhay ako. Skyler bakit mo ginawa yun niligtas kita para hindi ka mapahamak pero ako pa din pala ang dahilan ng ikakapahamak mo.

Humiwalay na si Dylan sa yakap at agad akong hinawakan sa pisnge. Pinunasan niya yung mga luha ko at tinitigan ako.

"I-I'm sorry mia Kung hindi dahil sakin dapat buhay pa siya. Sorry. May binigay sakin yung nurse pinapabigay daw ni Skyler bago ang operation, para sayo." Inabot niya sakin yung cd na pinapaabot ni Skyler . Napaluha nanaman ako.

Sinabi ko kay Dylan na isalang yung cd dahil may tv at dvd naman dito sa room ko sa hospital. Sinalang niya yun at agad naming nakita si Skyler na nakaupo sa isang upuan habang nakangiti.

"Hi Mia. Alam kong kapag pinanood mo to wala na ko. Gusto ko lang sabihin sayo na wag mong sisisihin ang sarili mo kung bakit wala na ko. Ganun din ang sabihin mo kay Dylan . Ginawa ko yun dahil mahalaga kayo parehas sakin. Isasakripisyo ko ang buhay ko para sa mga importanteng tao sakin kaya hindi kiyo kasalanan kung wala na ko." Ngumiti pa siya habang sinasabi niya yan sa video. Napaluha na lang ako habang pinapanood ko siya. Yang ngiti niys mamimiss ko yan.

"Mia alam kong gago ako. Gago ako dahil hinayaan kong mawala sakin ang babaeng mahal na mahal ko. Oo Mia tama ka ng narinig mahal kita. Mahal na mahal kita. Nung una akala ko wala lang yung nararamdamn ko para sayo pero nung tumagal na hindi ko alam na sobrang nahulog na pala ako sayo. Iba ka kasing babae ka eh. Ibang iba ka. Sayang lang hindi na natin maipagpapatuloy yung pagmamahalan nating dalawa. " Naluha na siya at agad niya namang pinunasan yun. Napalakas nanaman yung iyak ko ng makita ko yung luhang pumatak sa mga mata niya

"Gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo Mia. Ayusin at buoin mo ulit yung mga nasira sayo. Wala ng mangugulo sayo dahil sinigurado kong bago ako mamatay patay na din yung mga demonyong sumira sa buhay mo. Mahal na mahal kita Mia sorry sa lahat ng maling nagawa ko sayo. Wag mong papabayaan ang sarili mo gusto kong maging masaya ka kahit wala na ko. I love you so much Mia Rodriguez, Goodbye."

------------
Pa vote po please

--

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon