Special chapter 45

84 1 0
                                    

Mia Pov

"Skyler ano bang pakulo to? Bat kailangan nakablind fold pa ko?" Pano ba naman kasi pagkatapos naming ikasal ni Skyler agad niya kong binuhat at tinakbo palabas ng simbahan. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa parents niya.

At ngayon nga eto ako nakablind fold sabi kiya may surprise daw siya sakin. Kaya kailangang may takip pa yung mata ko. Buong biyahe eh nakatakip lang yung mata ko kaya medyo naiirita ko.

"Easy ka lang wifey. Eto na nakapark na ko. Bababa na tayo." Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng kotse. Siguro bumaba na siya. Bumukas ulit yung pinto at naramdamn kong hinawakan niya ko sa kamay ko.

"Aalalayan kita ha. Yumuko ka para hindi ka mauntog." Sinunod ko yung sinabi niya nakahawak lang din ako sa kamay niya hanggang sa makababa kami ng sasakyan.

"Kapag to hindi ko talaga nagustuhan Skyler Swear sasapakin talaga kita." Narinig ko namang natawa siya sa sinabi ko at agad akong inakbayan. Hinalikan niya ko sa pisnge at bumulong.

"Kapag nagustuhan mo iaadvance ko na yung honeymoon natin ha." Ewan ko pero biglang naginit yung mukha ko sa sinabi niya. Natawa nanaman siya kaya hinampas ko siya.

"Tara na nga wifey." Nakaakbay siya sakin at inaalalayan ako sa paglalakad. Pano nga kasi wala akong makita dahil nakablind fold ako. Hindi ko din alam kung nasan kami.

Hanggang sa huminto na siya at inalis na niya yung pagkakaakbay niya sakin. Naramdamn kong naglakad siya papunta sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"Ready?" Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya at naramdamn kong tinatanggal na niya yung blindfold ko. Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isang bahay. Nasa isang malaking bahay kami. Napatingin ako sa paligid. Ang ganda sobrang ganda. Humarap ako kay Skyler .

"Don't tell me satin to?" Nakita ko namang ngumiti siya ng malapad at tumango sakin. Napangiti na din ako ng malapad at agad akong tumakbo palapit sa kanya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Thank you Skyler . Kung alam mo lang kung gano ako kasaya ngayon. Pangarap ko nung bata ako na magkaroon ng bahay kasama ang lalaking mapapangasawa ko. At eto na nga. " Humiwalay siya sa yakap at tinitigan ako sa mata habang nakangiti.

"Yes Misis Voltage bahay natin to. At sa bahay na to dito tayo bubuo ng masayang pamilya. Dito tayo magkakaanak, siguro mga 20 okay na?" Tanong niya sabay tawa. Nataws na lang din ako sa sinabi niya at hinampas ko siya.

"20 talaga? Sa tingin mo ba kaya ko yun? Edi sobrang laspag na ko nun." Ngumuso pa ko pagkasabi ko niyan. Tinawanan niya lang ako at mabilis niya kong hinalikan sa labi ko dahilan para mapangiti ako.

"I love you wifey. Sorry kung umiyak ka ng dahil sakin sa loob ng isang taon. Pero atleast nandito na ko ngayon sa harap mo at kasal na tayo." Ngumiti siya ng sobrang tamis sakin. Yung ngiti niyang hinding hindi ko makakalimutan.

"I love you so much hubby." Hinawakan niya yung dalawang pisnge ko at tinitigan niya ako habang nakangiti siya sakin. Unti-unit niyang nilapit yung mukha niya sakin dahilan para mapapikit ako. Naramdamn ko yung labi niyang dumikit sa labi ko and we kiss passionately. Pinakamasarap na halik sa lahat dahil punong puno ng pagmamahal.

Humiwalay na siya at ngumisi sakin. Mukhang alam ko na kung anong iniisip ng asawa ko.

"So pano ba yan binyagan na natin tong bahay wifey. Umpisahan na natin ang pagbuo sa una nating anak?"

------------
Pa vote po

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon