Chapter 26

129 1 0
                                    



Mia Pov

Sobrang nagulat ako sinabi niya kaya napatitig lang ako sa kanya at hindi nakapagsalita. Tumayo ako at lumayo sa kanya para umiwas dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"H-hindi p-pwede. Ayoko Skyler ." Yan ang mga salitang lumabas sa bibig ko hindi ko alam pero parang gusto kong bawiin yung sinabi ko at pumayag sa gusto niya. Pero natatakot ako ayokong tuluyang mahulog sa kanya. Kapag pumayag ako sa gusto niya mhihirapan akong pigilan tong nararamdaman ko.

Nagulat ako dahil hinila ako ni Skyler  paharap sa kanya at tinitigan nanaman ako sinubukan kong umiwas pero hinawakan nuya ko sa dalawang pisnge ko.

"Hindi tanong yun para tanggihan mo. Yun ang gusto ko kaya girlfriend na kita simula ngayon naiintindihan mo?"

Skyler  hindi mo kasi naiintindihan eh ayokong maging girlfriend mo ayokong mapalapit sayo dahil ayokong mahulog sayo."

Ngumiti lang siya sakin ng sobrang tamis. Tangina ang weird niya ngayon hindi ito yung Nigel na nakilala ko fuck parang mas nakakatakot siya kapag ganito yung ngiti niya.

"Pinigilan ko ding mahulog pero nahulog na ko kaya girlfriend na kita kung mahulog ka man wag kang magalala sasaluhin naman kita."

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya anong ibig niyang sabihin na nahulog na siya sakin. Hindi impossible ang isang Skyler  Lorenze Voltage  mahuhulog sa isang katulad ko? Hindi mahirap paniwalaan yun.

Wala na din akong nasabi dahil kahit naman anong tanggi ko yung gusto niya pa rin naman ang masusunod. Ano namang laban ko sa kanya diba? Inirapan ko na lang siya.

"Oo na tsk wala naman akong magagawa eh" Natawa siya at bigla niya kong niyakap.

"Wala ka talagang magagawa. Simula ngayon ayoko ng may makikitang kausap kang ibang lalake. Akin kana Mia akin ka lang lagi mong tatandaan yan."

Ewan ko pero napangiti na lang ako sa sinabi niya at niyakap ko na din siya. Siguro hindi naman masama kung pagbibigyan ko yung kagustuhan niya susubukan kong hindi mahulog sa kanya pero sana kayanin ko. Sa mga kinikilos ngayon ng lalaking to mukhang mahihirapan ako.

"One more thing hindi kana papasok ng nakanerd outfit  gusto kong makita nila kung sino ka at kung gano ka kaganda. Ayoko ng makitang inaapi ka nila dahil baka makapatay na ko Mia . Kaya wag kana magdisguise ako na ang bahala sayo."

Tatanggi pa sana ako dahil ayokong ipakita sa iba kung sino ako ayoko dahil sigurado akong pagkakaguluhan ako ng mga lalake hindi naman sa pagmamayabang pero sexy talaga ako at may maamong mukha. Ayokong plastikin nila ko dahil sa itsura ko kaya mas gusto kong maging nerd. Pero bago pa ko makatanggi ay nagsalita nanaman siya.

"Wag ka ng pumalag dahil kahit anong sabihin mo yun na ang gusto ko kaya yun na ang gagawin mo. Sigurado akong maraming lalapit na lalaki sayo kaya iwasan mo sila dahil alam mo na kung anong mangyayare kaoag kinausap ka nila."

Sobrang possessive naman ng lalaking to. Napatango na lang ako dahil wala naman nga kasi akong laban sa kanya. Aish.

"Sigurado kaba dito Skyler ?"

Humiwalay siya sa yakap at muli akong tinitigan sa mata.

"Sigurado ako Mia kaya hayaan mo na lang ako pwede? Eto ang gusto ko ang maging akin ka kaya wag ka ng maraming tanong. At isa pa wag kang magalala hindi ko man maipapangako na hindi kita masasaktan pero pipilitin kong iwasan na saktan ka. Ako ang bahala sayo kung sino mang manakit sayo handa kong patayin Mia."

---

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon