Chapter 23

211 1 0
                                    



Skyler Pov

"hinding hindi na kita sasaktan. Hindi na ko papayag na saktan kaoa ng kahit sino."

Sabi ko kay Mia habang yakap ko siya. Tinitigan ko yung maamo niyang mukha mukhang nakatulog na siya. Hinawakan ko yung pisnge niya na namumula pa sa mga sampal ko. Napabuntong hininga naman ako.

Nung nakita ko siyang umiiyak nung sinaktan siya ng gagong si Red parang gustong gusto ko ng patayin yung lalaking yun pero pinigilan ko yung sarili ko dahil alam kong gustong makita ni Mia na nahihirapan ang gagong lalaking yun. Kaya pinabayaan ko siyang parusahan yung lalaking yun at yung babaeng gumago sa kanya.

Ewan ko pero hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko kay Mia gusto ko nasa tabi ko lang siya at ayokong nakikita siyang umiiyak. Gusto ko siyang alagaan at protektahan sa abot ng makakaya ko. Kaya nung oras na ipinahiya siya ng babaeng yun sobrang galit ang naramdaman ko.

Simula nung makilala ko siya sobrang humanga ako sa lakas ng loob niya nagawa niyang lagpasan lahat ng problemang pinagdaanan niya. Kaya simula nung mapasama siya samin gustong gusto ko siyang protektahan.

Hibdi ko masasabibg mahal ko na siya dahil hibdi na ko marunong magmahal simula nung iwan ako ng malanding babae na yun. Dahil sa babae na yun naging ganito ako. Playboy, kinakama lahat ng babaeng gugustuhin ko. Dahil din sa babaeng yun kaya nabuo ang 5 demons. Kaya nagpaparusa kami ng mga istudyanteng walang respeto at bastos. Nagalit ako sa mundo dahil sa babaeng yun.

Ayoko na siyang isipin. Muli kong tinitigan si Mia .Ang amo ng mukha niya yung perpektong ilong niya. Yung labi niyang mapupula. Ayoko naman talagang saktan siya pero hiniling niya eh. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko kaya nagawa ko siyang saktan. Pero huli na to hinding hindi na ko papayag na may manakit pa sa kanya.

Dahil kapag nakikita ko siyang umiiyak nakikita ko yung sarili ko sa kanya nung panahong iniwan ako ng babaeng unang minahal ko. Iba si Mia iba siya sa mga babaeng nakilala ko kaya siguro ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi to pwede dahil ayokong masaktan siya. Ayoko ng saktan pa siya.

" Mia gagawin ko lahat para hindi kana masaktan. Proprotektahan kita. Handa akong pumatay para sayo." Bulong ko sa kanya sabay halik sa noo niya.

--

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon