Chapter 35

74 1 0
                                    


Mia Pov

"Sana maging masaya ka sa kanya. Sana nga siya yung mahal mo kasi wala ka ng babalikan sakin tandaan mo yan."

Pagkasabi ko niyan ay agad na kong naglakad palayo sa kanya. Nagumpisa nanamang pumatak yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Tangina naman sabi ko.hindi na ko iiyak pa dahil sa lalaki pero bakit ba nasasaktan nanaman ako ngayon. Ang nakakainis pa dahil nanaman sa lalaking importante sakin. Lahat na lang ba ng lalaking importante sa buhay ko sasaktan ako?

Pinunasan ko yung mga luha kong tumutulo huminga ako ng malalim. Hindi dapat ako umiiyak malakas ako eh. Dapat maging malakas ako dahil nagiisa na lang ako.

Naglakad na ko pabalik sa room ko sa dorm wala na kong gana pumasok sa klase ko. Pero bago pa ko marating sa dorm ay nakasalubong ko si Dylan . Ngumiti siya sakin kaya pinilit ko ding ngumiti.

"Mia umiiyak  kaba?" Biglang siyang lumapit sakin at tinitigan ako.

"H-hindi ah. " Pagtatanggi ko. Ayoko ng malaman niya yung nangyare samin ni Skyler . Ayokong magalala pa siya sakin.

"Umiyak ka eh. Sinong nagpaiyak sayo? Si Skyler  ba? Gago talaga yun." Tatakbo na sana siya para sugurin ata si Skyler  pero hinawakan ko yung kamay niya.

"Please hayaan na natin siya. Please Dylan ?" Napayuko ako dahil alam kong naluluha nanaman ako. Nagulat ako ng bigla niya kong hilahin at yakapin ng sobrang higpit.

"Pwede bang ngayon na tayo lumabas Mia? Gusto kitang mapasaya please" Bulong niya sakin habang yakap yakap niya ko.

Gusto ko ding makalimutan yung nangyare ngayon kaya pagbibigyan ko na lang si Dylan .

"Sige." Humiwalay na siya sa yakap at nginitian ako. Hinila niya na ko papunta sa likod ng campus.

"Sa likod tayo dadaan. Bubuhatin kita para makaakyat ka sa gate ha." Tumango na lang ako sa kanya. Ng makarating kami sa likod ng campus ay nakita ko yung gate na hindi naman ganun kataas.

Binuhat ako ni Dylan  para makaakyat ako kaya nakatawid ako sa gate. Siya naman umakyat siya sa gate magisa mukhang sanay na sanay na siya ang galing niya eh.

"Mukhang lagi kang tumarakas ah."

Natawa lang siya sa sinabi ko at inakbayan ako.

"Ganun talaga iyakin. Tara na hapon na hanggang gabi tayo mageenjoy." Ngumiti siya ng sobrang tamis sakin dahilan para mapangiti din ako.

Ezcited na kong mamasyal kasama si Dylan  dahil ngayon na lang ulit ako nakalabas sa school na yun. Matagal tagal na din simula nung makalabas ako sa school na yun.

Nagtaxi kami ni Dylan  papunta sa mall sinabi niyang kakain daw muna kami bago kami magpunta sa huling pupuntahan namin. Tinanong ko kung saan yun pero hindi niya ko sinagot at nginitian niya lang ako.

Nakarating na kami sa mall. Namiss ko magpunta sa ganitong lugar matagal na din simula nung huling punta ko dito eh. Dinala niya ko sa isang restaurant na favorite niya daw parang familiar nga sakin tong restaurant na to eh. Pero hindi ko na maalala kung nagpunta na nga ba ko dito.

"Ako na oorder ng pagkain mo ha. " Tumango na lang ako sa kanya.

Dumating na yung order namin kaya nagumpisa na kaming kumain ni Dylan . Nagkwekwento lang siya ng masasayang nangyare sa kanya nung naghiwalay kami dati nung mga bata pa kami. Natatawa na lang ako sa mga epic na pangyayare sa buhay niya.

"Tapos alam mo ba nung pumasok ako dun sa bagong school ko may mga lalaking nambully sakin. Sa sobrang takot ko nun naihi ako sa pantalon ko."

Bigla naman akong napatawa ng malakas sa sinabi niya. "Hahahahahaha what the hell Dylan HAHAHAHAHA. Laughtrip ka talaga kadiri ka. Hahahaha"

Napatigil ako ng mapansin kong nakatitig na pala siya sakin habang nakangiti siya.

"Ang ganda mo kapag nakangiti. " namula ako sa sinabi niya kaya kumain na lang ulit ako. Narinig kong natawa siya.

"Cute mo mamula. " Inirapan ko na lang siya at kumain na lang ako.

Natapos na kaming kumain nagbayad na si Dylan at agad na niya kong hinila palabas ng mall. Paglabas namin ay madilim na pala ilang oras din pala kaming kumain sa loob. Ang daldal kasi niya eh.

Pero parang may napapansin ako habang palabas kami ng mall. Parang may nakasunod samin pero sa tuwing lilingon naman ako wala naman. Guni guni ko lang siguro yun.

Nagaantay kami ng taxi ngayon ni Dylan sabi niya magugustuhan ko daw yung pupuntahan namin. Tinatanong ko kung saan pero ayaw niya talaga sabihin. Naramdaman ko naman na parang may nagmamasid samin kaya agad akong lumingon may nakita akong lalaking nagtago sa likod ng puno. Pupuntahan ko na sana pero nakapara na pala ng taxi si Dylan  kaya sumakay na kami.

"Dylan napansin mo bang parang may sumusunod satin kanina?"

"Huh? Wala naman ah. Illusion mo lang yan iyakin." Pinisil niya pa yung ilong ko kaya napapoker face na lang ako. Siguro nga Illusion ko lang yun.

Huminto na yung taxi at napatingin ako sa labas nakita ko ang magandang amusement park. So dito pala ko dadalhin ni Dylan  napangiti ako ng malaki dahil isa to sa mga namiss kong puntahan.

Agad akong bumaba ng taxi at ganun din si Dylan . "Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sakin tinignan ko siya at ngumiti ako ng sobrang laki.

"Oo naman. Tara na sakay na tayo sa mga rides bilis bago sila magsara." Hinila ko na siya papasok ng amusement park bumili na siya kg dalawang ticket at nagumpisa na kaming sumakay sa iba't ibang rides na makita namin.

Sobrang saya ko dahil isa to sa namiss kong gawin. Matagal na kasi simula nung makapunta ko sa amusement park. Si mama pa nagdadala sakin nun dito pero nung mawala siya hindi na ko muli pang nakapunta sa gnitong park.

Nasakyan na namin lahat ng rides sobrang saya ko. Pero hinila pa ko ni Dylan sabi niya may huli pa kaming sasakyan. Napatingin ako kung san niya ko dinala at sobrang napangiti talaga ako ng makita kong sa ferris wheel niya ko dinala.

Nakasakay na kami sa ferris wheel. Dalawa lang kaming nakasaky dahil pangdalawa lang naman ata talaga to. Habang umiikot yung ferris wheel ay nakatingin lang ako sa labas pinagmamasdan ko yung magandang tanawin at magagandang ilaw ng mga rides dito sa amusement park. Gabe na kasi kaya mas lalong gumanda.

Napansin kong parang tahimik si Dylan kaya napatingin ako sa kanya at nahuli ko lang naman siyang nakatitig sakin habang nakangiti.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.

"Wala. Ang ganda mo lang talaga kapag masaya ka. Mia  sana napasaya kita." Ngumiti ako sa kanya.

"Sobrang napasaya mo ko salamat Dylan . Thank you kasi nandito ka lagi sa tabi ko. "

Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko at hinawakan niya yung dalawang kamay ko habang nakatitig siya sakin.

"Please Mia i want you to be my girlfriend. Kahit hindi mo pa ko mahal okay lang just please gusto ko lang maramdamn kung pano maging boyfriend mo. Sana pagbigyan mo ko."

Hindi ko alam yung isasagot ko. Ayoko siyang saktan alam kong hindi ko pa nakakalimutan yung nararamdamn ko para kay Skyler . Alam kong alamg niya yun. Pero hindi ba't ang sama ko naman yata kung hindi ko siya pagbibigyan eh si nigel nga pinagbigyan ko.

"P-pero Dylan " Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang magsalita ulit.

"Alam kong may nararamdaman kapa para sa kanya pero tutulungan naman kitang mahalin akoneh. kaya please Mia pagbigyan mo naman ako. "

Ayokong maging unfair sa kanya pero madali lang naman mahalin si Dylan eh sigurado akong mamahalin ko din siya. Sana tama tong maging desisyon ko.

"Sige Dylan  girlfriend mo na ko."

----

Unknown's Pov

Nakatingin lang ako kay Mia at sa lalaking kasama niya habang papasok sila ng school na to.  Napangisi ako dahil alam ko na kung nasan si Mia. Sigurado akong matutuwa ang lalaking yun kapag nalaman niyang alam ko na kung nasan ang babaeng matagal niya ng hinahanap.

---

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon