Chapter 27

115 2 0
                                        




Mia Pov

Kinabukasan ay napagusapan na namin ni Skyler  na kaya ko ng pumasok. Pumayag naman na siya long sleeve naman yung uniform ko kaya matatakpan yung mga pasa ko. Kasalukuyan akong nagsusuot ng skirt ko nakabra lang ako ng biglang may pumasok sa pinto at bago pa ko makaharap ay niyakap na niya ko mula sa likod at pinatong niya yung baba niya sa balikat ko.

"Hmm bango ng girlfriend ko. Kaya mo naba talaga?" Bulong niya sakin habang nararamdaman kong inaamoy niya yung leeg ko. Namumula naman ako sa ginagawa niya.

"O-oo k-kaya ko na uhm alisin mo muna yung yakap mo isusuot ko na tong blouse ko."

Mas lalo akong kinilabutan ng himasin niya yung tiyan ko. Fuck ano bang ginagawa sakin ng lalaking tao bakit biglang naging ganito yung epekto niya sakin. Arggg.

"Hmm bakit nauutal ang girlfriend ko. Don't tell me tinatamaan ka" Tangina nung pagkakabulong niya sakin nagtayuan yung balahibo ko sa sobrang husky what the fuck.

Inalis ko na yung pagkakayakap niya sakin at magbibihis na sana ko ng bigla niya kong hilahin paharap sa kanya dahilan para makita ko nanaman ang mga ngiti niyang ayaw kong makita dahil nahuhulog ako sa kanya sa ngiti niyang yan.

"Oh bat namumula ka? Hahahaha magbihis kana nga malalate na tayo" Sabi niya sabay halik sa ilong ko at tumalikod na sakin. Napapoker face na lang ako at nagbihis na.

Ang lakas na talaga ng epekto niya sakin hindi na tama to. Hays. Skyler  naman lumayo ka nga sakin kapag ako hindi nakapagpigil Argggg.

"Tara na nga ang aga aga iniinis mo na ko tsk." Nauna na kong lumakad sa kanya palabas pero bago pa ko makalabas ng pinto ay hinawakan niya na yung kamay ko at sinabayan ako sa paglalakad. Dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Bakit mo ko hawak? Bitaw nga Skyler  pinagtitinginan na tayo oh." Pano ba naman pagkalabas namin ng kwarto pinagtitinginan na kami ng mga studyante una hindi nila siguro ako kilala dahil hindi ako nakadisguise pangalawa kaholding hands ko lang naman ang anak ng may ari ng school na to.

"Wala akong pake." Yan lang ang sinabi niya kaya napasimangot na lang ako at naglakad na kami papunta sa building kung nasan ang classroom ko at sa pagkakaalam ko hindi dito ang building kung nasan ang room ni Skyler  sa kabila yung room niya eh. Kaya muli ko siyang tinignan.

"Kaya ko ng pumasok sa room ko pumasok kana sa room mo. Sa kabila ka diba?"

"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo pwede ba Mia manahimik kana lang jan." At muli napasimangot na lang ako dahil wala naman nga kasi akong laban sa kanya. Psh

Naririnig kong nagbubulungan yung mga studyante yung iba nagtataka kung sino ako yung iba naman ang sama ng tingin sakin siguro dahil gusto nila tong si Nigel. Psh as if naman natatakot ako sa kanila hindi nila ko kilala.

Sa wakas nakarating na din kami sa room ko. Bago pumasok ay binitawan ko na yung kamay ni Skyler  pero bago pa ko makatalikod sa kanya para pumasok sa room ko eh bigla niya kong hinila paharap sa kanya at biglang hinalikan niya ko ng mabilis dahilan para matuon samin lahat ng attention ng mga studyante. At ang mas nakakagulat pa alam niyo kung ano? Sumigaw lang naman siya sa loob ng classroom ko.

"AKO SI SKYLER  SIGURO NAMAN KILALA NIYO KO. ETO SI MIA  RODRIGUEZ OO SIYA YUNG NERD ALAM KONG MAGANDA SIYA PERO ETO ANG TATANDAAN NIYO GIRLFRIEND KO ANG BABAENG TO. KAYA KAYONG MGA LALAKE NA BALAK SIYANG LAPITAN BINABALAAN KO KAYO. AT KAYONG MGA BABAE NAMAN NA BALAK SIYANG AWAYIN WAG NIYO NG SUBUKAN NAIINTINDIHAN  NIYO?"

Halatang gulat na gulat yung mga kaklase ko pero tumango na lang sila dahil sibrang nakakatakot talaga Skyler . Humarap na siya sakin at bigla na lang siyang naging maamo at nginitian ako.

"Papasok na ko babe wag kang aalis dito mamayang break niyo pupuntahan kita." Bago pa ko makapagsalita ay naglakad na siya palayo sakin.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa classroom ko tahimik lang yung mga kaklase ko habang nakatingin sakin. Nagbubulungan lang sila pero wala akong pake kaya hindi ko sila pinapansin.

Wala pa yung teacher namin kaya nagheadset na muna ako pero hindi ko nilakasan para marinig ko pa din yung mga usapan sa classroom. Inalis ko yung isang headset ko ng tumunog yung speaker sa loob ng classroom namin dun maririnig kapag may special announcement ang school.

"STUDENTS OF HIGHFORD I'M SKYLER  LORENZE  VOLTAGE ANG ANAK NG MAY ARI NG SCHOOL NA TO. GUSTO KO LANG IPAALAM SA INYONG LAHAT NA GIRLFRIEND KO NA SI MIA RODRIGUEZ. YES SI MIA RODRIGUEZ YUNG NERD PERO HINDI TALAGA SIYA NERD. NGAYONG HINDI NA SIYA NERD ALAM KONG MARAMING NAGAGANDAHAN AT NAIINSECURE SA KANYA KAYA KAYONG MGA LALAKI KAYO WAG NIYO NG TANGKAING KAUSAPIN O LAPITAN SI MIA  DAHIL AKO ANG MAKAKALABAN NIYO. AKIN LANG SIYA TANDAAN NIYO YAN. AT KAYONG MGA BABAE NAMAN SUBUKAN NIYONG AWAYIN O PAGCHISMISAN MAN LANG ANG GIRLFRIEND KO HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATALSIKIN KAYO SA SCHOOL NA TO. SO YUN LANG SANA NAGKAKAINTINDIHAN TAYONG LAHAT. UULITIN KO GIRLFRIEND KO SI MIA RODRIGUEZ AKIN LANG SIYA."

Napafacepalm na lang ako.

--

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon