Chapter 33

75 1 0
                                    


Mia Pov

Isang linggo na yung nakalipas simula nung maghiwalay kami ni Skyler kung totoo mang naging kami nga. Sa isang linggo na yun pinagmamasdan ko sila sa malayo tinitignan ko kasi kung lolokohin nung babaeng yun si Skyler . Pero mukhang hindi kasi sa tuwing nakikita ko sila mukhang lagi silang masaya. Atsaka yung mga ngiti at tawa ni Skyler kapag kasama niya ang babaeng yun halata mong mahal nila at masaya sila sa isa't isa.

Katulad na lang ngayon nandito ako ngayon sa tambayan ko dito sa field yung sa tabi ng puno. Nakikita ko mula dito si Kc at Skyler  na naghaharutan habang nagsusubuan pa ng lunch nila. Napabuntong hininga na lang ako at kinain na lang din yu g pagkain ko.

Simula nung dumating yung Kc na yun hindi na nagpaparusa ang 5 demons. Wala na din naman kasing masyadong pasaway kung meron man simpleng kaso na lang. Malaki din pinagbago ni Skyler  nung dumating si Kc simula kasi nung dumating si Kc lagi na siyang nakangiti. Pero ang nakakalungkot hindi na niya ko masyadong kinakausap o pinapansin. Siguro dahil ayaw nung babaeng yun. Kaya hinayaan ko na lang siya tutal mukhang masaya naman siya.

Aaminin ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama may kung ano akong nararamdaman sa puso ko. Siguro dahil naging malapit na din sakin si Skyler  at dahil nga nahulog na ko sa kanya. Pero sa isang linggo na yun pinilit kong kalimutan na tong nararamdaman ko para sa kanya. Umalis na din siya sa room ko sa dorm sinabi niyang sasamahan niya daw si Kc sa room nito kaya pinabayaan ko na lang.

"Iyakin" Nagulat ako at napatingin kay Dylan. Ewan ko ba pero napangiti ako.

"Tse hindi na ko iyakin wag mo na kong tawaging ganyan." Natawa lang siya sa sinabi ko at kinuha yung pagkain ko at sumubo siya dun.

"Eh sa gusto ko eh. Say ah iyakin" Nagulat ako ng itapat niya sa bibig ko yung kutsara kinain ko na lang yun at nginitian siya.

Simula nung malaman kong si Dylan  yung batang naging kaibigan ko noon mas naging malapit kaming dalawa. Parang naging siya nga si Skyler  dahil sobrang clingy niya sakin. Pinaninindigan niya talaga yung sinabi niyang liligawan niya ko.

"Oo nga pala may dala ko para sayo." Sabi niya sabay kuha sa bag niya ng isang balot ng cloud 9. Napangiti naman ako ng malapad.

"Thank you superman." Ngumiti siya sakin pagkasabi ko nun.

Sobrang natuwa ako ng malaman kong si Dylan yung batang nagbigay sakin ng panyo at cloud 9 dati. Kaya nga naging favorite ko yun eh. Siya lang yung naging kaibigan ko nung bata ako kahit papaano naging masaya ako dahil sa kanya.

Ayokong saktan si Dylan  lalo na ng malaman kong siya si Superman. Kaya gusto kong suklian yung pagmamahal niya pero hindi ko magawa dahil alam ko na sa sarili kong may nararamdaman ako para kay Skyler . Pero susubukan kong mahalin si Dylan  at kapag nangyare yun sisiguraduhin kong wala na kong kahit na ano pang nararamdaman para kay Skyler .

"Uhm Mia? " Napatingin ako kay Dylan .

"Bakit?"

"Pwede kaba this saturday? Uhm yayayain sana kitang lumabas." Seryosong sabi niya. Pero ang alam ko bawal lumabas ng school ah.

"Diba bawal lumabas?" Nginitian niya lang ako.

"Ako ang bahala. Please?" Nagpacute pa siya sakin. Natawa na lang ako sa itsura niya. Siguro namam hindi masama kung papayag ako.

"Sure. Yun lang pala eh." Narinig kong napayes pa siya at sobrang laki ng ngiti niya.

Niyakap niya ko ng mahigpit at bumulong siya ng thank you. Niyakap ko na lang din siya at muli akong napatingin kung nasaan sila Skyler .  Ewan ko pero parang nakatingin siya samin pero agad din siyang umiwas. Guni guni ko lang siguro yun. Masaya na sila Mia dapat lang na maging masaya ka din.

--

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon