Dylan Pov
"Dylan akin lang si Mia handa akong pumatay para sa kanya kaya kung gusto mo pang mabuhay lumayo kana lang." Sabi ni Skyler habang nakatalikod sakin naglakad na siya napangisi na lang ako at muling nagsalita.
"Sorry Skyler pano ba yan handa din akong pumatay para sa kanya eh so i guess magpapatayan tayong dalawa?"
Napansin kong napakuyom siya ng palad at tuluyan ng lumakad paalis. Alam ko namang hindi niya ko kayang saktan lalo na at ilang taon na din kaming nagkakasama. Ganun din naman ako pero hindi ko kayang ipaubaya sa kanya ang unang babaeng minahal ko.
Oo tama kayo ng nababasa si Mia ang kauna unahang babaeng minahal ko. Siya lang at wala ng iba. Kung bakit? Simple lang dahil bata pa lang siya kilala ko na siya pero obviously hindi niya na ko naaalala siguro dahil na din sa ginawa sa kanya ng gago niyang tatay at kuya.
*FLASHBACK*
Naglalakad ako sa park magisa dahil tinakasan ko yung yaya ko mas gusto kong magisa kesa kasama yung yaya ko. Sanay naman na kong magisa eh. Habang naglalakad ay may napansin akong batang babaeng nakaupo sa gilid ng puno kaya nilapitan ko siya. Narinig kong humihikbi siya ibig sabihin nun umiiyak siya. Umupo ako sa tabi niya at tinanong ko siya.
"Bata bat ka umiiyak"
Napatingin siya sakin. Nakita kong puno ng luha yung mukha niya umiiyak lang siya habang nakatingin sakin. Siya ang pinakamagandang batang babae na nakita ko kahit iyak siya ng iyak. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at inabot yun sa kanya.
Kinuha naman niya yun at pinunasan yung luha niya sumingha pa siya sa panyo ko kaya nung ibinabalik na niya eh hindi ko na tinanggap.
"Salamat bata ha." At ngumiti siya ng sobrang tamis sakin kahit na kita sa mga mata niya ang lungkot.
May kinuha ako sa bulsa ko iaang cloud 9 chocolate to na favorite ko kaoag malungkot ako eto ang kinakain ko. Inabit ko yun sa kanya.
"I'm Dylan eto chocolate para hindi kana umiyak anong name mo?"
Kinuha niya yung chocolate sakin at binuksan yun mabilis niyang kinain yun bago siya muling tumingin sakin at ngumiti.
"I'm Mia"
*END OF FLASHBACK*
7 years old pa lang ako nun at sa tingin ko ganun din siya. Yun ang unang beses na nakita ko si Mia. Simula nung araw na yun lagi ko na siyang nakikita sa park at naglalaro kami pero natigil yung pagkikita namin nung nag 9 years old ako. Bigla na lang siyang nawala ilang beses akong bumalik sa park na yun nagbabakasakali akong bumalik siya pero hindi na siya bumalik.
Yun yung unang beses na tumibok yung puso ko para sa isang babae kahit na bata pa ko nun alam kong iba ang tingin ko kay Miya. Yung magaganda niyang ngiti na tumutunaw sakin at yung mga tawa niyang sobrang sarap pakinggan. Ilang taon ko siyang hindi na kita. Kaya sobrang saya ko ng lumipat siya sa school na to kung san ako nagaaral. Nalaman kong siya si Miya nung sumali siya sa 5 demons. Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya na si Miya dahil ganun pa din naman yung mukha niya pero mas gumanda lang siya.
Simula nun lagi na kong nakasunod sa kanya ng hindi niya alam. Sobrang galit ang naramdaman ko sa tatay at kuya niya ng malaman ko yung ginawa nito sa kanya. Muntik ko na ding mapatay si Red dahil sa ginawa nitong panggagago kay Mia. Kung tatanungin niyo kung bakit ko hinayaan na makarelasyon ni Mia si Red sinubukan kong pigilan yung relasyon nila pero nung nakausap ko si Mia nun sinabi niyang mahal na niya si Red sobrang sakit nun para sakin pero wala naman akong magagawa. Kaya nung sinaktan siya ni Red sobrang galit ko sa sarili ko dahil hinayaan kong masaktan ang babaeng mahal ko kaya sabi ko sa sarili ko hindi ko na siya ipapaubaya gusto kong maging akin siya.
Pero eto namang si Skyler umeepal pa. Alam kong gagawin ni Skyler lahat para hindi ako makadikit kay Mia. Sorry siya dahil hinding hindi na ko magpapatalo. Sa kanya man si Mia ngayon sisiguraduhin kong magiging akin din siya. Wala ng kaibi-kaibigan.
Hindi na ko papasok dahil may aasikasuhin pa ko. Napangisi ako at tinawagan ang panlaban ko sa agawan na to.
"Hello" -siya
"Hi so kailan ang balik mo?" -ako
"Soon Dylan . Malapit na malapit na. Kaya pakibalaan na si Skyler ha miss ko na yun." -siya
Mas lalo akong napangisi sa sinabi niya.
"Isurprise mo na lang mas maganda. Sige na ako susundo sayo basta tawagan mo lang ako. Bye and take care"
Binaba ko na yung phone at muli akong napangiti. Marami akong panlaban Skyler sorry kana lang dahil hinding hindi ako magpapatalo sayo. Akin si Mia. Akin lang.
---
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
RomanceMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...
