Mia Pov
Nakatingin lang ako kila Skyler at sa babaeng kasama niya. Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita sa school na to. Tinignan ko siya maganda siya perfect ang katawan. Don't tell me.
"Come on Skyler i know you miss me. Right honey?" So siya yung girlfriend ni Skyler . Ay teka diba ako yung girlfriend? What the fuck Mia ano bang iniisip mo hindi siya seryoso sayo.
"Kc enough. Don't you dare touch me again,understand?"
So Kc pala ang name niya. Ewan ko pero medyo nakaramdam ako ng saya ng makita kong may galit sa mga mata niya. Lalapitan ko na sana sila pero napahinto ako ng biglang hatakin ni Kc si Skyler at hinalikan ito sa harapan namin. Napatanga na lang ako sa kanila gusto kong itulak siya ni Skyler pero hindi eh. Nakita ko pang nagrespond siya sa halik ni Kc. May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Hindi pwede to tangina kasi ni Skyler eh lapit ng lapit lumalayo na nga ako. Wala na nahulog na ko at mukhang sa maling tao nanaman.
Natauhan ako ng biglang magsalita si Dylan na nanonood lang din sa kanila.
"So pano ba yan? Magkakabalikan na kayo dahil mahal niyo naman ang isa't isa diba Skyler ? So akin na si Mia ha."
Hindi ko namalayan na nakaakbay na pala sakin si Dylan hindi ko na yun tinanggal at napayuko ako dahil alam kong halata sa mukha kong nasasaktan ako.
"So Mia right? Kung ano mang meron sa inyo ni Skyler wala na yun kalimutan mo na okay? Bumalik na kasi ang babaeng tanging minahal niya at ako yun"
Ng marinig ko yun alam kong mali tong inaasta ko hindi dapat ako maging ganito dahil una pa lang sinabi ko na sa sarili kong hindi na ko mahuhulog pa. Tumingin ako sa kanila at nginitian ko sila na parang walang nangyare.
"Congrats Skyler and Kc. Oo naman fake lang naman yung relasyon namin niya ni Skyler . Ewan ko ba jan pinilit lang naman ako niyan. Osige may klase pa ko. " Inaalis ko muna yung pagkakaakbay ni Dylan sakin at tumalikod na sa kanila.
Ayokong magpaapekto sa nararamdaman ko pinangako ko sa sariling kong hindi na ko iiyak kg dahil sa lalaki. Putangina kasi talaga ni Skyler eh pilit akong lumalayo para hindi na ko mahulog pero lapit pa din siya ng lapit. Yan tuloy nahulog na ko. Kung kailan naman nahulog ako atsaka naman dumating yung babaeng yun. Hays.
"Mia." Napatingin ako kay Dylan na kasabay ko na pa lang naglalakad. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga si Kc.
"Dylan pwede ba kong magtanong?" Tumango lang siya. Huminga muna ko ng malalim at nagtanong.
"So ex ni Skyler si Kc diba? Bat sila nagkahiwalay?"
Napatingin sakin si Dylan at nginitian ako. "Dahil sakin Mia nagkagusto kasi sakin si Kc nahuli kami ni Skyler na naghahalikan pero si Kc ang unang humalik kaya ayun."
Kung ganun malandi pala yung babaeng yun. Kailangan kong protektahan si Skyler sa babaeng yun baka mamaya lokohin niya nanaman si Skyler . Subukan niya lang ako makakalaban niya.
Nagulat ako ng huminto si Dylan at agad na humarap sakin kinuha niya yung mga kamay ko at tinitigan ako. Yung mga tingin niya may iba.
"Mia gusto kita ay mali Mahal na kita mahal na mahal. Please hayaan mo kong ligawan ka. Kasi kahit tumanggi ka liligawan pa din kita."
Nagulat ako sa sinabi ni Dylan. Nakatitig lang ako sa kanya ano daw? Mahal niya daw ako? Wth hindi pwede yun wala akong nararamdaman para sa kanya si Skyler na ang gusto ko.
"Pero Dylan hi----" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya kong yakapin ng mahigpit ewan ko pero kusang gumalaw yung mga kamay ko at niyakap ko siya pabalik.
"Iyakin. Ako to si Superman mo." Bulong niya habang nakayakap siya sakin. Siya si superman? Hindi ko alam pero bigla kong napangiti. Pero nawala din yun ng parang makita ko si Nigel na nakatingin samin.
----
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
RomanceMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...
