Skyler PovNakangiti lang ako habang naglalakad papunta sa classroom ko sigurado akong pulang pula na si Mia sa ginawa kong pagaannounce. Napailing na lang ako habang natatawa pa.
Nagulat ako ng may biglang umakbay sakin dahilan para mapatingin ako at nakita ko lang naman si Dylan .
"Pre mukhang good mood ka ah ngayon lang kitang nakita na naglalakad ng nakangiti at tumatawa pa. Baliw kana? " Napapoker face ako at agad ko siyang binatukan.
"Hindi. Masaya lang ako." Inalis ko yung pagkakaakbay niya at tumuloy na sa paglalakad ko papunta sa hideout namin dahil bigla kong tinamad pumasok. Hinabol ako ni Dylan at muli siyang nagtanong.
"Narinig ko yung inannounce mo. Seryoso kaba sa kanya?" Seryosong tanong niya kaya napahinto ako at humarap sa kanya.
"Wala kana dun. " Tumalikod na ko sa kanya at naglakad na pero napahinto ako sa sinabi niya.
"Kung hindi ka seryoso sa kanya ako na lang ang seseryoso kay Miya .Skyler gusto ko si Mia ay mali mahal ko na siya."
Dahil sa narinig ko ay agad akong bumalik sa harap niya at mabilis kong hinawakan yung suot niyang polo. Tinitigan ko siya ng masama.
"Anong sinasabi mong mahal mo si Mia .Kailan kapa natutong magmahal? Playboy ka Dylan wag mong isama si Mia sa collections mo." Imbes na matakot ay nginisian niya lang ako ano pa bang inaasahan ko eh isa siya sa 5 demons. Shit
"Hindi porket playboy hindi na marunong magmahal o magseryoso. Ikaw nga playboy ka pero bakit parang tinamaan kana din? Sad to say Skyler hindi lang ikaw ang tinamaan ako din."
Hindi ko alam pero sobrang galit ang naramdaman ko sa mga sinabi niya kaya binitawan ko na siya at tumalikod na ko sa kanya bago ko pa siya masapak dahil kahit papano kaibigan ko pa din naman siya.
"Dylan akin lang si Mia handa akong pumatay para sa kanya kaya kung gusto mo pang mabuhay lumayo kana lang." Sabi ko bago tuluyang maglakad pero mukhang hindi magpapatalo ang gago nagsalita nanaman siya.
"Sorry Skyler pano ba yan handa din akong pumatay para sa kanya eh so i guess magpapatayan tayong dalawa?"
Napakuyom ako ng palad at nagpatuloy na sa paglalakad dahil kung baka hinarap ko pa siya eh hindi ko na mapigilan yung sarili ko na mapatay yung gagong yun.
Bakit ba naman sa dami ng babae sa school na to bakit yung babaeng gusto ko pa ang nagustuhan ng gagong yun. Arggg nakakainis naman mukhang magkakaroon pa ko ng matinding kalaban sa puso ni Mia. Hindi ko kayang patayin si Dylan dahil ilang taon na din kaming magkasama. Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang pagkainis.
--
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
RomantikMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...