Skyler Pov
"GAGO KA." Narinig kong sumigaw si Skyler kaya naman binitawan ko na tong matandang to. At haharap na sana ako sa lanya pero bago ako makaharap ay may pumutok na baril.
Nagulat ako dahil nakita ko si Mia na duguan dahil sa tama ng baril. Hinarang niya yung bala na dapat sakin tatama.
"MIA" Napasigaw ako at napayakap sa kanya. Narinig kong humihinga siya ng malalim. Parang pinipilit niyang magising.
"S-Skyler m-mahal k-kita" Narinig kong bulong niya at nawalana na siya ng malay.
"Mia gumising ka shit. Gumising ka Mia please lang." Ginigising ko siya pero wala na talaga siyang malay. Hindi ko malaman yung nararamdamn ko ngayon sobrang natatakot at sobrang nagagalit ako. Natatakot akong baka may mangyareng masama kay Miq. At nagagalit ako sa sarili ko dahil ako nanaman ang dahilan nito.
Napatingin ako kay Lance at nakita kong sakal siya ni Dylan wala na yung hawak niyang baril. Hiniga ko muna si Mia dahil sa itsura ni Daniel alam kong nanghihina na din siya. Tumakbo ako palapit sa kanila at agad kong sinapak ng sobrang lakas si Lance habang sakal siya ni Dylan .
"Hayop ka akala mo papatayin kita agad? HINDI LANCE PAPATAYIN KITA PERO DAHAN DAHAN PARA MARAMDAMN MO YUNG SAKIT NA IPINARAMDAM NIYO KAY MIA ." Pinagsasa-sapak ko siya dahilan para mawalan siya ng malay. Binitawan na siya ni Dylan at napaupo na din si Dylan habang hawak niya yung sugat niya sa tagiliran.
"S-Skyler s-si M-mia i-iligtas m-mo s-siya. H-handa a-akong m-magparaya m-mabuhay l-lang siya. S-Skyler a-alam k-kong m-mahal mo s-siya h-hindi mo lang m-maamin sa sarili mo. " Mahinang sabi sakin ni Dylan halata sa mukha niyang nahihirapan na siya. Kailangan ko na silang madala sa hospital.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at agad na tinawagan yung ibang member ng 5 demons. Agad naman silang pumasok ng building. Sinabi kong dalhin nila si Dylan sa pinakamalapit na hospital. Agad nilang binuhat si Dylan at inilabas ng building na to.
Tinignan ko yung gagong kuya ni Mia .Hindi pa ko tapos sa gagong yan.
"Kayo dalhin niyo yang gago na yan sa hideout natin. Talian niyong mabuti siguraduhin niyong hindi makakatakas yan." Bilin ko sa mga ibang tauhan ng 5 demons kaya naman agad nilang ginawa yung sinabi ko.
Tumakbo ako pabalik kay Miaat agad siyang binuhat. Dinala ko agad siya sa kotse ko at agad na pinatakbo yun. Napapatingin ako sa kanya habang nagd-drive ako ang daming dugo. Sobrang daming dugo yung itsura niya para siyang tinorture. Napahigpit yung hawak ko sa manibela.
"Dapat hinayaan mo na ako ang mabaril Mia.Please wag kang bibitaw kailangan mong magising." Mas binilisan ko pa yung pagd-drive.
Pagakarating na pagkarating ko sa hospital ay agad kong binuhat si Mia papasok sa emergency room. Agad naman kaming inassist ng mga nurse dun. Hawak ko yung kamay ni Mia hanggang sa makarating kami sa loob.
"Sir kami na pong bahala sa kanya. Hanggang dito na lang po kayo." Sabi nung nurse kaya binitawan ko na yung kamay niya at pinasok na siya sa operating room.
Napaupo ako sa upuan at napayuko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyareng masama sa kanya. Nagumpisa ng tumulo yung luha ko. Matagal na simula nung umiyak ako.
Si Mia siya yung babaeng kakaiba kaya mabilis akong nahulog sa kanya. Pero hindi ko matanggap na gusto ko siya dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko pa si Kc. Pero nagkamali ako hindi ko na pala mahal si Kc kung hindi si Mia na ang mahal ko.
Nung mga panahong si Kc ang kasama ko hindi mawala sa isip ko si Mia .Siya lang yung nasa isip ko kahit na si Kc ang kasama ko. Nung malaman ko na boyfriend niya na si Dylan sobrang nagalit ako. Hindi sa kanya pero sa sarili ko kasi narealize ko na siya ang mahal ko at hinayaan kong makuha ng iba ang babaeng mahal na mahal ko.
Pinunasan ko yung luha ko at tumingin sa pinto ng operating room.mia please lumaban ka wag mo kong iiwan hindi ko kaya kapag nawala kapa sakin. Please lumaban ka itatama ko lahat ng maling ginawa ko. Ipaparamdam ko sayo kung gano kita kamahal Ira.
"Babe okay ka lang ba? " Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Kc . Kailangan ko ng tapusin ang kung anong meron samin.
"Kc kailangan nating magusap." Seryosong sabi ko at oinaupo ko siya. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko yung balikat niya.
"Sorry Kc pero hindi na kita mahal. Break na tayo I'm sorry." Nakita kong nalungkot siya sa sinabi ko pero agad din siyang ngumiti na sobrang ikinagulat ko.
"Alam ko. Nung mga panahong magkasama tayo napansin kong hindi mo na ko mahal. Alam mo kung bakit? Kasi yung mga tingin mo sakin nung panahong mahal mo pa ko wala na Skyler eh. Sa iba kana nakatingin ng ganun at hindi na sakin. Alam kong siya ang mahal mo nung dumating ako. Pero hinayaan kong maging tayo dahil gusto kong maramdaman ulit yung pagmamahal at pagaalagang ginawa mo sakin nung maayos pa yung relasyon natin. I'm sorry Skyler kung nagawa kitang lokohin pero alam mo narealize ko nung nawala ka sakin na ikaw takaga ang gusto at mahal ko. Pero huli na ang lahat. Totoo ngang nasa huli ang pagsisisi. " Sinasabi niya yan habang umiiyak siya. Niyakap ko siya para mabawasan man lang yung sakit na nararamdamn niya.
"Sorry kung gago ako. Sorry talaga." Bulong ko sa kanya mas lalong lumakas yung iyak niya. Pinapatahan ko siya dahil pinagtitinginan na kami.
Tumigil na din siya sa pagiyak at agad na pinunasan yung mukha niya. Ngumiti siya sakin pero alam kong nasasaktan pa din siya.
"Kamusta na siya?" Tanong niya kaya agad akong napatingin sa pinto at naalala ko nanaman ang kalagayan ni Mia dahil sakin.
Sasagutin ko na sana siya na hindi ko pa alam ng lumabas yung doctor. Agad akong napatayo at lumapit sa doctor.
"Kamusta na siya? Sabihin mong ayos lang siya." Punonng takot ang boses ko. Sana okay lang si Ira kailangan niyang maging okay.
"Malala ang tama ng pasyente. Natamaan ng bala ang kidney niya dahilan para masira ito. Kailangang mapalitan yung kidney niya para mabuhay siya. We need to find a donor as soon as possible sir."
--
BINABASA MO ANG
The Revenge (COMPLETED)
RomansaMahal ko ang daddy ko pero diko na talaga kaya... Pano sapag Alis ni Mia ay dun nya nahanap ang tunay na mag mamahal sakanya...pano kung nalaman nyang di talaga sya tunay na anak ng papa nya at di talaga sya tunay na kapatid ng kuya nya kaya sya ay...
