Chapter 34

75 1 2
                                        



Skyler  Pov

Nandito kami ngayon sa field ni Kc. Naghaharutan habang kumakain kami ng lunch. Ewan ko pero masaya ako dahil kay Kc pero parang may kulang eh. Hindi ako ganun kasaya pero hindi ko talaga malamam kung ano ba ang kulang. Napapasaya naman ako ni Kc sa totoo nga niyan napansin kong ang laki ng pinagbago niya. Mas sweet na siya ngayon at hindi na siya maarte hindi tulad nung dati. Pero minahal ko pa din siya nun.

"Babe say ahh" Sabi ni Kc sabay tapat sakin nung kutsara kinain ko naman yun at ngumiti sa kanya.

Bigla niya kong hinalikan pero mabilis lang at ngumiti sakin. Isang linggo na simula nung bumalik siya at maging kami alam kong maraming nagbago dahil dun. Mas naging pala ngiti na ko at hindi na ko ganun kasungit. Pero may isang tao akong iniiwasan. Si Mia.

Hindi ko alam pero nung makita ko sila nun ni Dylan  na magkayakap habang nakangiti pa siya may sakit at galit akong naramdaman. Unang una bakit mukhang masaya siya sa yakap ni Dylan ? Pangalawa parang wala lang sa kanya yung pinagsamahan namin. Kaya pinabahaan ko na lang siya hindi na kami masyadong naguusap at napapnsin kong si Dylan ang lagi niyang kasama.

Natigil naman ako sa pagiisip ng bigla kong yakapin ni Kc at bumulong siya sakin.

"Mahal na mahal kita Skyler ." Napangiti ako ng marinig ko yun sasabihin ko na din sana na mahal na mahal ko din siya ng matanaw ko si Mia at Dylan  sa may tabi ng puno na magkayakap.

Nakita pa ko ni Mia na nakatingin sa kanila kaya agad akong umiwas ng tingin at humiwalay sa yakap ni Kc. Tumayo na ko.

"Tara na baka malate ka sa klase mo." Ewan ko pero bigla kong nabadtrip ng makita ko silang magkayakap. Fuck ano bang nangyayare sakin. Aish.

Inayos ni Kc yung mga gamit niya at tumayo na din tinignan niya ko na parang nagtataka.

"May problema ba babe? Bat parang nabadtrip ka?"

"Ah wala nawala lang ako sa mood. Tara na" Inakbayam ko na siya at naglakad na kami papunta sa klase niya. Ihahatid ko lang siya tas hindi ako papasok sa klase ko. Pupunta ko sa tambayan ko sa rooftop dun ako pumupunta pag sobrang naiinis ako.

"See you later babe i love you" Paalam ni Kc sabay halik sa pisnge ko. Pumasok na siya sa classroom niya kaya naglakad na ko paakyat sa rooftop.

Umupo ako sa gilid kung san kita ko ang buong campus. Napabuntong hininga ako hindi ko talaga alam kung bakit ako naiinis kapag nakikita ko sila ni Dylan . Siguro dahil nga nagkagusto si Kc sa kanya. Kahit papaano may pinagsamahan kami ni Mia at ayokong mapunta siya kay Dylan .

Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko at laking gulat ko ng makita ko si Mia. Pero nakaramdam ako ng galit sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Masungit na tanong ko.

"Bakit ikaw lang ba pwedeng pumunta dito?" Aba kahit kailan talaga tong babaeng to.

"Anong meron sa inyo ni Dylan ?" Napatingin naman siya dahil sa tanong ko at tinaasan ako ng.kilay.

"Ano namang pake mo?" Napakuyom ako ng palad ng sagutin niya ko ng ganun ang ayoko sa lahat yung sinasagot ako ng ganyan.

Tumayo ako at agad na hinila patayo si Mia sinandal ko siya sa pader at tinitigan sa mata.

"Kapag tinatanong kita sumagot ka ng maayos. Anong meron sa inyo ni Dylan ?" Nakita kong natakot siya sa inasta ko pero agad ding nawala yun at napalitan ng pagkainis yung ekspresyon niya.

"Ano bang pake mo kung anong meron samin? Baka nakakalimutan mo Skyler ikaw ang unang lumayo sating dalawa. Simula nung dumating yang Kc na yan ni hindi mo na nga ko magawang kausapin. " Mas lalo akong nainis sa isinagot niya sakin. Napadiin yung hawak ko sa balikat niya.

"Wag na wag mong papatulan si Dylan  gago yun masasaktan ka lang." Natawa siya sa sinabi ko pero yung tawa na parang may sakit siyang nararamdaman.

"Eh yung lalaki ngang nagsabing hindi ako sasaktan sinaktan na ko eh. Alam mo Skyler ang gago mo eh ang gago gago mo. Bakit mo ba ko ginawang girlfriend mo? Para maging libangan mo? Kasi wala pa yung babaeng mahal mo? Ngayon na nanjan na iniwan mo na lang ako basta hindi mo man lang inisip yung nararamdamn ko Skyler . SINUBUKAN KO NAMANG PIGILAN TONG TANGINANG NARARAMDAMN KO PARA SAYO PERO BWISET KA KASI LAPIT KA NG LAPIT LUMALAYO NA NGA KO. " Napabitaw ako sa pagkakahawak sa balikat niya at nakita kong napayuko siya. Nagulat ako sa mga sinabi niya.

Napakuyom nanaman ako ng palad. Hindi siya pwedeng mahulog sakin hindi pwede. Ayokong masaktan siya ng dahil sakin. Pero mukhang nasaktan ko na siya. Kaialngan ko ng tapusin to baka sakaling matauhan siya sa nararamdamn niya para sakin.

"Mia hindi kita mahal oo gusto kitang protektahan pero hindi kita mahal. Si Kc ang mahal ko kaya kita ginawang girlfriend ko dahil gusto kong makalimutan mo yung sakit na pinaramdam sayo ni Red. Alisin mo yang nararamdamn mo para sakin Ira pero wag mong itutuon kay Dylan yan dahil sasaktan ka lang ng gagong yun."

Nakita kong pinunasan niya yung luha niya habang nakayuko siya. Tangina ayokong nakikita siya umiiyak at ang masama dahil pa sakin.

"Wala kang karapatang turuan ako kung sino ang pagtutuunan ko ng nararamdaman ko. Wag kang magalala mawawala din tong nararamdaman ko para sayo at kapag nangyare yun sisiguraduhin kong hindi na kita mahal Skyler . " Tumalikod na siya sakin at naglakad na palabas pero nung nasa pinto na siya ay nagsalita pa siya.

"Sana maging masaya ka sa kanya. Sana nga siya yung mahal mo kasi wala ka ng babalikan sakin tandaan mo yan."

---

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon