Chapter 17

109 1 0
                                    

Mia Pov

Malapit na. Malapit na kaming matapos sa mga taong kasama sa palabas na yun apat na araw na kaming nagpaparusa. Yung iba ay sinubukan ng tumakas pero hindi sila nakatakas. Mas malala ang nangyayare sa kanila kapag nahuhuli sila ng mga alagad namin. Bawal silang lumabas ng school na to dahil nasa rules yun ng school. At katulad nga ng sabi ko pumirma yung mga magulang nila ng kasunduan nung inenroll sila dito. Kaya kahit anong sumbong nila hindi sila kakampihan ng admins ng school nato. Lalo pa at anak si Nigel ng may ari ng school na to.

Pinaayos ko na sa 5 demons yung mga gagamitin ko para kila Red at Liza. Maswerte sila dahil bumili pa kami ng mga bagong gamit para sa kanila. May ginawa din akong special na imbensyon para sa kanila. Para sa kanilang dalawa lang. Sisiguraduhin ko talagang pagsisisihan nilang nabuhay pa sila . Pero wag silang magalala hindi ko sila papatayin . Mas malala nga lang yung mangyayare sa kanila.

Naglalakad ako sa hallway ng school nakanerd outfit pa din ako. Nakakarinig ako ng bulungan sa kanila . Simula ng umpisahan yung pagpaparusa sa mga taong kasama sa play ay pinagdududahan na ko ng mga studyante dito. Natatakot na din silang lumapit sakin.

Napatingin ako ng makita kong makakasalubong ko sina Red at Liza. Pinigilan ko yung sarili kong ilabas yung tunay na ako.

"Hoy nerd ikaw siguro may kagagawan kung bat nagkakagulo dito no? Hindi mo ba tanggap na ginamit ka lang ni Red para mapasagot ako." Ngumisi siya habang nakatingin sakin sobra yung kapit niya sa braso ni Red . Hindi porket nerd ako hindi na ko sasagot sa babaeng to. Ubos na pasensya ko.

Tinignan ko si Red. Ngumiti ako.

"Alam mo Liza tanungin mo kaya yang boyfriend mo kung gano siya nasarapan sakin. Narinig mo naman siguro sa voice record na siya mismo ang nagyaya ng round 2" nakita kong nagulat yung mga taong nakapaligid samin hindi siguro nila inaasahang magsasalita ako ng ganun. Nerd ako eh.

"You bitch" nagulat ako dahil sinampal niya ko napahawak ako sa pisnge ko. Pinigilan kong ilabas yung galit ko dahil hindi pa ito yung araw para makilala nila kung sino talaga ako.

Tumalikod na lang ako sa kanila naglakad na ko palayo ng bigla siyang sumigaw.

"Malanding Nerd. " napakuyom na lang ako.

Hindi pa to yung araw Red at Liza. Antayin niyo lang na matapos ako sa mga kasama niyo.  Ihuhuli ko kayong dalawa. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyong binangga niyo kong dalawa.

---

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon