Chapter29

90 1 0
                                    


Mia Pov

Isang linggo na kong ginugulo ni Skyler  oo ginugulo pano ba naman ayaw na yatang humiwalay sakin. Nagpalipat pa siya ng section at ginaya ang course ko para lang maging kaklase ko siya. Nung tinanong ko naman kung bakit niya ginwa yun eh eto lang naman ang sagot niya sakin.

"Kasi gusto ko may gagong gustong lumapit sayo binabantayan lang kita." -_-

Ganyan. Ewan ko kung anong meron sa lalaking to at bigla na lang akong niyayang maging girlfriend niya at ayaw pang humiwalay sakin. Tinanong ko naman siya kung mahal niya ba ko. Hindi naman daw ginagawa niya lang daw to para protektahan ako. Nung sinabi niya yun parang may kirot akong naramdaman sa puso ko pero hinayaan ko na lang. Impossible naman talagang mahalin ako ng lalaking to.

Tungkol naman sa mga studyante ng WINDERMILL  masasabi kong malaki ang pinagbago ng iba sa kanila kahit na halata naman na gusto nilang gumawa ng kalokohan ay hindi na nila magawa siguro dahil sa nakita nilang nangyare kila Red at Liza. Natakot na siguro sila wala na din kasing masyadong pinaparusahan ang 5 demons. Simula nung iannounce ni Skyler  na kami mas lalong walang lumapit sakin at mas naging masama ang tingin sakin ng mga babae dito. Pero hindi ko na lang pinapansin as long as hindi nila ko ginagalaw.

Si Red at Liza? Ayun ang sabi nasa ospital pa din daw at nagpapagaling. Hindi pa din sila pumapasok pero buti na yun dahil ayoko pang makita ang dalawang yun. Sinubukang idemanda ng pamilya nila ang school na to pero natalo ang pamilya nila dahil nga may pinirmahan silang kasulatan na pwedeng disiplinahin ng school na to ang mga anak nila sa kahit na anong paraan.

Kasalukuyan akong nandito sa field ng school wala masyadong tao dahil walang naglalaro. Nasa gilid lang ako ng puno nakahiga habang nagh-headset tinakasan ko kasi si Skyler . Sigurado akong nagtransform na yun sa pagiging monster niya sa kakahanap sakin. Napangiti na lang ako. Gusto ko muna kasing magisa gusto kong magisip. Kung bakit ganito na ang epekto sakin ni Nigel hindi ko talaga maintindihan ayokong maramdaman to dahil natatakot akong masaktan at sigurado akong hinding hindi ako magugustuhan ng lalaking yun.

Pumikit muna ako at muling nagisip habang nakikinig ng music. Proud ako sa sarili ko dahil nagawa kong ipagpatuloy ang buhay ko sa kabila ng nangyare sakin at dahil yun sa 5 demons. Specifically dahil kay Skyler . Napadilat ako ng maramdaman kong may nakatitig sakin at hindi nga ko nagkakamali inalis ko yung headset sa tenga ko. Nilayo ko yung mukha niya sa mukha ko dahil ang lapit niya naoangiti lang siya. Umupo ako at hinarap siya.

"Baliw ka Dylan  bakit mo naman ako tinititigan?"

"Ang amo ng mukha mo eh." Nginitian niya ko.

Eto pa ang isang gumugulo sa isip ko si Dylan  naging clingy din siya sakin kahit na paulit ulit siyang pinapalayo sakin ni Skyler  kapag nakikita niya kami. Ewan ko pero may iba din kay Dylan eh parang kilala ko siya kung kumilos kasi siya parang kilalang kilala niya ko. One time nga binigyan niya ko ng cloud 9 at sinabi niyang alam niya na favorite ko yun at tama siya favorite ko talaga yun.

"Loko so wala kang klase? Pano mo nalaman na nandito ako?" Natawa lang siya at sumandal din sa puno sa tabi ko.

"Naguunahan kami ni Skyler  na mahanap ka. Alam kong mahilig kang humiga sa tabi ng mga puno kaya dito kita hinanap." Nagtaka nanaman ako pano niya naman nalaman yun hindi ko na talaga alam iisipin ko.

"Teka nga bakit alam mo yun? Sino kaba talaga Dylan?" Tumingin siya sakin at nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at nginitian ako. Magsasalita na sana siya pero may biglang humila sa kanya patayo. Lagot patay na.

"AT SINONG MAY SABI SAYO NA PWEDE MONG ILAPIT YANG MUKHA MO SA GIRLFRIEND KO HA DYLAN "

Madiin na sigaw ni Skyler  kay Dylan  at hinawakan ito sa kwelyo niya. Napatayo na din ako.

"Nauna ko siyang mahanap pano ba yan? Mas kilala ko siya kesa sayo Skyler ." Mapangasar na sabi ni Dylan habang nakangiti pa.

Sasapakin na sana ni Skyler  si Dylan  pero pinigilan ko siya hinawakan ko yung kamay niya at pilit ko silang pinaghiwalay.

"Ano ba tama na nga yan." Bakit ba nagaaway sila eh ang alam ko magkaibigan tong dalawang to. Tae ano bang nangyayare. Imbes na tumigil ay hinawakan ako ni Skyler  at nilayo sa kanila.

"Wag kang mangielam." Madiin niyang sabi at muling tinignan si Dylan  na parang gustong gusto na niyang sapakin to. Nagtitigan sila.

"Dylan  matagal na kitang kasama kaya hindi ko magagawang patayin ka. Wag si Mia Dylan ." Ano ba talagang nangyayare.

"Sorry Skyler  pero hindi ako magpapatalo sayo."

Nakita kong nanlisik ang mata ni Skyler sa sinabi ni Dylan  susugod na sana siya at pipigilan ko na sana pero bago pa siya makasugod ay may babaeng pumagitna sa kanila at nginitian sila pareho

"Woah woah. Nagaaway nanaman kayo? And what a coincidence dahil nanaman sa babae"

Sino siya?

---

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon