Chapter 36

69 0 0
                                    



Lance Pov (Kuya ni Mia)

Sumakay na ko ng kotse ko at nagdrive na pabalik sa bahay namin.  Ang tagal naming hinanap ni tanda yang si Mia malapit lang pala samin. At ang masama mukhang may boufriend pa. Sigurado akong matutuwa yung matandang yun sa ibabalita ko pero sigurado din akong magwawala sa galit yun kapag nalaman niyang may kalandian ang baby girl niya. Napangisi na lang ako.

Pinark ko na yung kotse ko at agad na bumaba. Naglakad na ko papasok ng mansyon namin at agad na hinanap si tanda.

"Si tanda?" Tanong ko sa isa sa mga katulong namin.

"Nasa office room niya po sir." Agad kong tinalukuran yung katulong namin at agad na naglakad papunta sa office room ni tanda.

Ng makarating ako sa tapat ng pinto ay agad kong binuksan yun. Tsk.

"Umalis ka muna dito may paguusapan kami." Sabi ko dun sa babaeng kandong ng matandang to habang naghahalikan pa sila. Psh basta talaga may pera kahit matanda pinapatulan na kadiri lang.

Lumabas na yung babae at agad naman akong tinignan ng masama ni tanda.

"Ano bang paguusapan natin? Siguraduhin mong importante yan nabitin ako." Umupo ako sa sofa at humarap sa kanya. Ngumisi ako.

"Sobrang importante nito. Baka pasalamatan mo pa ko pagnalaman mo kung anong balita ko."

"Pwede ba diretsuhin mo na ko ang dami mo pang sinasabi." Sigaw niya sakin habang nakatingin siya sa loptop niya.

"Alam ko na kung nasan si Mia." Agad naman niyang sinara yung loptop niya at napatingin sakin.

"Nasan siya?" Sabi ko na nga ba ganito magiging reaction nito. Pano ba naman miss na miss na niya yung babaeng yun. Kesyo masarap daw sa kama. Kung sa bagay totoo naman.

"Nasa WINDERMILL  University siya. Nagaaral. And guess what may boyfriend na ang baby girl mo kaya ka pala nilayasan eh." Napatayo naman siya sa sinabi konat hinampas ang mesa.

"Tawagan mo yung mga tauhan natin. Gusto kong kunin nila si Mia  sa school na yun." Napangisi ako.

"Hindi ba mas maganda kung tayo mismo ang kukuha sa kanya?"

---

Ira's Pov

Kinabukasan ay nagising na lang ako na nasa room ko na si Dylan. Sinabi niyang sasamahan niya ko dito dahil baka daw may kung anong mangyare sakin. Napailing na lang ako sa kanya dahil ang possessive niya.

Masaya ako dahil kay Dylan . Nagawa niyang iparamdam sakin na importante ako. Nawala sa isip ko yung nangyare samin ni Skyler  kahapon dahil sa kanya kaya hindi ko pinagsisisihang sinagot ko siya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa klase ko. Nakahawak si Dylan sa kamay ko kaya pinagtitinginan kami ng mga studyante. Hays. Ayun pinagbubulungan nanaman nila ako dahil nga nung nakaraan lang si Skyler  ang boyfriend at kahawak ko ngayon naman si Dylan . Pero wala akong pake sa kanila at ganun din naman si Dylan  as long as hindi nila kami ginagalaw.

Napatingin ako sa may pinto ng classroom namin. Sa lahat naman ng makikita sila pa talaga. Naramdaman kong hinigpitan ni Dylan  yung pagkakahawak sa kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Napahinto sa pagtatawanan sila Skyler  at Kc at napatingin samin. Napatingin sila pareho sa kamay naming magkahawak.

"Woah Congrats. Kayo na ba Dylan ? I'm so happy for the both of you."

Ngumiti kami ni Dylan  sa kanya. Napatingin ako kay Skyler  at nakita kong masama siyang nakatingin sakin at lalong lalo na kay Dylan .

"Kc ihahatid na kita sa klase mo. " Inakbayan na ni Skyler  si Kc at naglakad na sila palayo samin. Ganyan nga Skyler maglakad kana palayo kasi ako naguumpisa na kong lumakad palayo sayo para mawala na tong nararamdaman ko para sayo.

---

The Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon