Karamihan sa kwento ko malayo sa kabihasnan. Pinapaalala ko lang kung sakaling may mangbatikos. LOL
"Isabella! Nasaan ka na bang bata ka?" Malakas na bulyaw.sa akin ni inay sa kabilang linya. Sumenyas ako sa mamang albularyo na itigil muna ang ginagawa niyang orasyon. Tumalikod ako at ngumiwi nang marinig ang sunod-sunod nitong talak sa akin.
"A-Ano... pauwi na rin ako, inay. May sinasagutan lang akong sangkaterbang assignment."
"At sinong niloko mong bata ka?!"
"'Nay naman... parang imposibleng magsipag ako sa pag-aaral ah."
"Imposible talaga!"
"Pauwi na ako promise. On the way na ako. Tumatawid na ako sa ilog."
"Pag ikaw 'di nagpakita sa mansyon ng mga Miranda ay malalagot ka sa akin!"
Nako po! Paano na ako niyan? Siguradong lalapirutin niya na naman ang tainga ko at sersermunan ako!
Humarap ako sa mamang albularyo nakapikit at nagsasalita ng lengwaheng di ko maintindihan sa sobrang bilis, "Manong okay na. Pero pwede bang pakibilisan? Bubungangaan na naman ako 'nay ko."
"Pera muna, ineng."
Ay halatang mukhang pera, oh!
"Magkano po?"
"Singkwenta."
Mabilis kong inabot ang barya sa kanya at hinanda na ang aking sarili.
"Ipikit mo ang mga mata mo," mabilis ko namang sinunod iyon pero syempre sumilip pa rin ako. Baka kung anong gawin niya sa akin. Chaka pa naman itsura nito si manong.
Bigla niya akong pinaypayan ng dahon ng saging at nagsimulang umikot sa harapan ko na parang sinasaniban.
Teka, ganito ba talaga ang mga albularyo?
"Arururu! Brrr! Brrr!" ilang sandali pa niyang ginawa iyon bago hinihingal na umupo sa harapan ko. "Ole, ole, ole..."
"Pwede mo ng idilat ang mata mo..."
"Ano pong nakita niyo?"
Nilahad niya ang pera niya at ngumiti ng malaki, pinapakita ang naninilaw niyang ngipin na may mga tartar pa. Kaderder! "Magbigay ka ng biente bago ko sabihin sayo."
Langya! Baka pinagttripan lang ako nito!
Bumuntong hininga ako at binigay na ang hinihingi niya. Malakas naman siyang humalakhak at tinuro ako. "Hija, nababaliw ka lang."
Malakas akong napamura at dinuro siya, "Niloloko mo ba ako?! Seventy na ang naibigay ko sayo, namemera ka lang pala!" Nanliliit ang mata kong nilapitan siya at sinipa sa kanyang kahinaan. Napa-igik siya at napaluhod sa lupa.
Mabilis kong kinuha ang pera ko sa kamay niya at pinatama ang kamao ko sa kulubot niyang mukha. Mabilis akong lumisan sa lugar na iyon.
Nauto ako 'don ah!
Napatingin ako sa bulok kong cellphone, tumatawag si Inay. Sinagot ko ang tawag at inunahan na siya, "Ayan na papunta na. Naglalakad na nga oh..." pagod kong sabi at bumuntong hininga.
Mabuti nalang at binawi ko.ang pera ko doon sa walanghiyang matandang iyon. Ginoyo ako!
"Wag ka na palang dumiretso dito. Umuwi ka ng bahay at mag-ayos ka!" Rinig ko ang impit na pagtili ni Inay. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka.
"Anong meron?"
"Yung anak ni Don Miranda ay ang gwagwapo, anak! Kaya magpaganda ka! Baka mabingwit mo pa ang isa sa kanila!" Mariin akong napalunok.
Ayaw ko nga!
Lalaki lang 'yan! Katawan lang habol niyan sayo! Walang forever!
"Ayaw ko nga! Bata pa ako. Isa pa, binubugaw niyo ba ako?!"
"Talagang galit na galit ka sa mga lalaki eh 'no? Pagbigyan mo na ako, kahit ngayon lang. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay ganoon ang ginagawa kagaya ng dati mong nob--"
Walang pasabing binabaan ko siya ng tawag at galit na napahilamos sa mukha.
Bakit kailangan pang ipaalala sa akin?!
Nanginginig ang kamao ko at sunod-sunod na umiling. Huwag kang maapektuhan, Isay. Bata ka pa 'non kaya wala ka pa sa tamang pag-iisip...
Mabilis akong hinakbang ang aking mga paa hanggang sa tuluyan na akong tumakbo. Sa bawat pagtama ng hangin sa akin ay hinihiling ko na sana matuyo ang mga luha sa aking mata...
"Mga walanghiyang lalaki! Gago nila! Liligawan nila ang mga babae para ikama! Tangines!" Huminto ako sa pagtakbo at nagpapadyak sa lupa sa galit. Nagngingitngit ako sa inis, namalayan ko nalang ang sarili kong nakarating na pala sa batis kung saan madalas akong naglalagi.
Inalis ko lahat ng saplot sa akin katawan at lumublob na kaagad sa tubig. Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang lamig. Maaaring makatulong ito para palamigin ang aking ulo... at pahilumin ang sugatang puso.
Pumikit ako at inalala ang aking nakaraan kung saan ginamit lang ako ng aking nobyo.
"Mahal kita..."
"Kung mahal mo ako, patunayan mo..."
Iyon nalang lagi ang salita ng mga lalaki para makuha ang gusto nila sa'yo. Paiibigin ka nila hanggang sa kuhanin nila ang importante sayo.
Tumagal ang relasyon namin ng ganoon. Simula ng ibigay ko sa kanya ang gusto niya ay iyon nalang ang nagsilbing pundasyon nito.
"Roy, pagod ako... next time nalang." Sabi ko nang gumapang ang kamay niya sa aking dibdib.
Tumigil siya at padabog na tumayo, "Hindi mo na ako mahal 'no?!"
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Mahal kita... mahal na mahal, pero pagod kasi ako ngayon sana maintibdihan mo."
Malakas siyang nagmura, "Bahala ka sa buhay mo!"
Hindi ko lang naibigay ang gusto niya ay napag-alaman kong naghanap siya ng iba sa akin. Sinuyo ko siya kahit na ganoon ang ginawa niya sa akin... hanggang sa umabot sa puntong pangahasan niya ako.
"B-Bitiwan mo ako!" ramdam ko ang marahas niyang paghalik sa aking leeg. Pinunit niya ang aking damit at madiing pinisil ang aking dibdib.
"Ito ang gusto mo, di ba? Pakipot ka pa!" sinampal niya ako at kahit anong sigaw ko ay walang nakarinig sa akin.
Alam iyon ng aking mga magulang. Hindi ko alam kung nananadya si Inay dahil madalas niyang binabanggit ang pangyayaring iyon sa akin. Imbes pang magalit siya at natuwa pa. Ang itay ko naman ay tahimik lang at di iyong binabanggit.
Ang gusto ko sana ay hindi na iyon pag-usapan pa... pero dahil nariyan ang 'nay ko na mukhang walang pakialam sa nangyari sa akin ay hindi ko magawa.
Si Roy...
Wala na siya dito sa baryo dahil may trabaho na siya sa maynila. Natutuwa akong nangyari iyon dahil hindi ko na.siya makikita pa. Sinusumpa ko ang lalaking iyon.
Biglang nagsitayuan ang maliliit kong buhok sa batok nang makaramdam ng lamig. Napadilat ang aking mata at nilibot ang paningin, "S-Sino 'yan?!"
Napaigtad ako nang muli kong maramdaman ang init sa aking katawan at tila may nagmamasid sa akin. Napuno ng kaba sa aking dibdib.
Imposible may maligaw dito sa lugar na ito! Ako lang ang nakakalam nito... o di kaya'y kinulam na ako ng albularyo?
;
Merry Christmas guys! 😘
- Hansel
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?