ix | Isabella

12.1K 348 49
                                    

Sa bawat pamilya, walang perpekto. Napag-alaman kong hiwalay na ang kinagisnan kong mga magulang. Pagkagising ko ay iyon kaagad ang binungad sa akin ng akin Itay. Halatang nasaktan siya sa ginawa ni Inay dahil kahit na may pasok siya ay hindi siya pumasok ngayon. Nagawa niyang ipagliban ang trabahong napaka-importante sa kanya.

Dinaluhan ko siya sa pagyakap sa kanya. Hindi ko magawang magsalita dahil may parte sa akin na natuwa dahil nahiwalay na siya kay Inay na masama ang ugali at habol lamang ay pera. Ngunit nangingibabaw ang lungkot dahil nakikita ko ngayong nasasaktan siya.

"Anak, kaarawan bukas ng kapatid mo. Kailangan mong dumalo, nais ka niyang makita matagal na. Talagang hindi lang makahanap ng pagkakataon dahil sunod-sunod ang misyon nila. Mabuti na lamang at binigyan sila ng ilang buwang bakasyon."

Napatigil ako. Makikita ko na ang aking kapatid. Biglang sumikdo ang aking dibdib sa kasiyahan.

"O-Opo... sige, maghahanda ako." Natutuwa kong wika at muli siyang niyakap ng mahihpit.

"Ay teka, sasaglit akong bayan mamaya upang ibili ka ng damit. Gusto kong maging sobrang ganda sa harap ng kapatid mo. Siguradong sabik na sabik siya lalo na ngayon titira ka na sa mansyon."

Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Ayaw ko! Hindi ko magagawang iwanan ang Itay ko. Hindi ko ipagpapalit ang bahay namin sa iskwarter sa mansyon na iyon!

"H-Huh? Bakit ako titira doon?"

"Inaasikaso na ni Don Miranda ang papeles mo upang makuha mo ang pangalan niya."

Pumadyak ako.

"A-Ayaw ko! Itay naman, hindi ako papayag. Iniwan ka na nga ni Inay, hindi ko hahayaang iwanan rin kita. Dito pa rin ako titira. Kakausapin ko ang Don tungkol sa bagay na ito. At saka, kahit pagbali-baliktarin ang mundo, kapatid ko pa rin siya. Magkadugo kami, walang kaso kung hindi kami magka-apelyido."

"Pero anak..." nag-aalinlangan siya, alam ko. Dahil ma-impluwensiyang tao ang Don Miranda, pero kilala siyang mabait. Sigurado namang papayag siya.

"Ayaw ko." matigas ang aking boses at pinal kong wika.

"Sige na nga, kung iyan ang gusto mo." Bumuntong hininga siya. Ginulo niya ang buhok ko. Ngumiti ako at ipinikit ang mata.

Hindi ko ipagpapalit ang aking Itay sa kahit kanino.

"Mahal kita, Isabella. Kahit hindi kita kadugo ay tinuring kita bilang akin. Huwag mo kakalimutan iyan kung sakaling magbago ang isip mo." isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya. 

"Itay naman... mahal na mahal din kita. Hindi mangyayari 'yang bagay na 'yan. Masaya akong kasama ka."

Hindi ko na binalak na ungkatin pa ang ginawa ni Inay. Ayaw kong may makitang lungkot sa kanyang mga mukha.

"Isay, napakaganda mo. Hindi ko aakalaing nagpalaki ako ng isang mala-diyosa." Hindi mapakaling sambit niya. Kita ang pagkagalak sa kanyang ekspresyon. Nagniningning ang mga matang nakatitig sa akin.

"K-Kinakabahan ako, 'tay." Huminga ako ng malalim at may kumawalang nanginginig na buga sa aking bibig.

Inilahad niya ang kanyang palad sa akin, "Hawakan mo ang kamay ko. Humugot ka ng lakas d'yan. Nandito lang ako para sa'yo, Isabella. Pumasok na tayo, baka ang matira nalang sa atin ay buto at mga tinik."

"O-Okay..." Napatingala ako at lumunok nang pumasok na kami sa mansyon. Ngayon lang ako napakasok sa napakagandang lugar na ito. Ito ang pangatlong punta ko rito. Ang una ay kung saan iniwan ako ng aking mahal...

"Oh, Ricardo! Mabuti naman at naisama mo si Isabella. Napakaganda namang batang ito. Dalagang dalaga na. Parang dati lang ay sanggol iyan nang makuha mo."

Napapisil ako sa kamay ni Itay nang salubungin kami ng yakap ng isang lalaki ng may naglalarong ngiti sa mga labi.

Yumuko si Itay tanda ng pagrespeto, "Don Miranda, magandang gabi ho. Gaya ng hinihinging regalo ng anak niyong si Rodrigo, nandirito na ang kanyang kapatid."

Napatingin sa akin ang nasabing Don at humalakhak.

"Maraming salamat. Isabella, kinagagalak kitang makilala. Hindi na tuloy makapaghintay na ilipat ang apelyido sa'yo."

Lumunok ako at nagkawala ng pilit na ngiti.

"U-Uhm, tungkol ho sa bagay na iyan. Maaari bang wag nalang? Nais kong dalhin ang apelyido ng aking Itay. Siya ang nagpalaki sa akin, hindi naman maganda kung iiwan ko nalang siya ng basta lalo na't napamahal siya sa akin."

Tumango tango siya, "Ganoon ba, hija? Tignan natin..."

"Sa ngayon, ipapakilala ko muna sayo ang nakakatanda mong kapatid na si Rodrigo. Alam mo bang noon palang ay nais ka na niyang makita ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataon kaya't nagbigay na lamang ako ng litrato sa kanya upang magsilbing inspirasyon niya sa loob ng akademya."

"Litrato?" takang tanong ko.

"Pasensiya na. Alam kong nagilalas ka pero nakakulong sila sa akedemya noon at hindi sila maaaring lumabas, ngayon naman ay abala sila sa mga misyon. Kaya hindi kayo nagkita kaagad."

"Ah..." maikling sambit ko.

"Alam mo bang napakabait ni Rodrigo, bilang anak, kapatid at sundalo." Aniya ng puno ng kasiyahan. Mukhang proud na proud siya sa aking kapatid.

Nanatili akong tahimik hanggang sa mamataan ko ang isang babae at dalawang lalaki sa hapag kainan. "Darling, mga anak... nandito na ang ating bisita." pagtawag pansin niya sa mga ito.

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Itay. Sunod sunod ang paglagabog sa aking dibdib. Naghuhuramentado ito at hindi na pantay ang aking paghinga. Tila bumagal ang paligid nang tumayo sila at lumapit sa akin.

Nakangiting nagbesa sa akin ang Donya Miranda samantalang ang dalawang lalaki ay nakatingin lamang sa akin.

"Rodrigo, si Isabella..." pinagmasdan ko ang dalawa. Tumama ang aking paningin sa itimang mga mata. Nanlabo ang aking paningin. Humakbang siya papalapit sa akin.

"Isabella, a-ako ang kuya mo..." idinipa niya ang kanyang braso at mukhang pina-uunlakan akong yumakap sa kanyang bisig.

Napabitaw ako kay Itay at sumugod ng yakap papunta sa kanya, "Kuya... K-Kuya ko..." Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at pumalahaw ng iyak.

Ganito pala makayakap ang kapatid mo. Napaka-init sa pakiramdam at kumportable. Lukso ng dugo talaga. Mahigpit ang yakap niya at mukhang wala na akong balak pakawalan pa. Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa tumikhim siya at sinapo ang aking pisngi.

"Ngayon nahahawakan na kita, mas maganda ka sa personal kaysa sa isang litrato. Kamusta ka na, bunso?"

Ngumiti ako, "Eto kuya, natutuwa sa pagkikita natin. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon." Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pingi.

"Maligayang kaarawan, kuya ko..."



malapit ng lumabas muli si leandro, lumabas na rin kayooooooo hahaha

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon