Fb acc: Layerdine WP
Fb group: Layerdine'sHalang ang utak kong pumasok kinabukasan. Akala ko pa naman ay may oras pa para makapagpaalam sa kanya o ihatid man lang. Akala ko pa naman may maayos kaming pagkakahiwalay ng landas.
Nag-MOMOL pa naman kami kagabi.
Hindi pala maganda ang umaalis ng walang paalam kagaya ng ginawa ko.
Ganito nalang ba lagi?
Para kaming nagbabatuhan lang ng ganti. Sumulpot siya at iniwan ako ng pagkatagal tagal, tapos ako naman umalis ng walang paalam at kung hindi pa niya ako tutuntunin ay wala akong balak magpakita sa kanya.
Ngayon naman, nanatili siya ngunit piniling umalis muli... ng mas matagal.
Kahit na gaano ako kabangag ay pinilit ko pa rin na pumasok sa araw araw. Gusto kong magtapos, hindi dapat ako magpaapekto. Alam ko namang babalikan niya ako.
May kasiguraduhan na kami, lalo na sa kanyang kalagayan.
Wala na talaga kaming kawala sa isa't-isa.
"Isabella babes! Nasaan na ang gwardya mo? Mukhang hindi na unaaligid. Pwede naman bang ako ang pumalit?" ngingisi ngising wika ni Paleo nang harangan ako pauwi.
Tapos na ang training namin at iilan nalang ang nasa loob ng dressing room ng girls. Bigla siyang pumasok at pineste na naman ang araw ko.
Pailalim kong tinignan siya ng matalim hanggang sa mamuti ang mata ko pero mukhang matibay ang kupal sa mukha niya. Hindi niya ako pinansin.
"Hindi mo ako padadaanin?" umiling siya at pina-flex pa ang maskels niya.
Tse! Mas yummy sayo si Leandro ko!
Huminga ako ng malalim nang unti-unti siyang lumapit sa akin at i-corner ako sa pagitan ng locker.
"Liligawan kita," akmang magsasalita na ako nang sakupin ng magaspang niyang palad ang bibig ko. "Bawal umangal..." nakakaloko niyang wika.
Kinindatan niya ako bago lumabas.
Taas baba naman ang dibdib ko sa sobrang inis. Ang kapal kapal ng mukha! Bwisit! Lagot siya sa akin sa oras na maka-tyempo ako na tuhurin ang iniingatan niyang kayamanan. Hindi na siya kailanman magkaka-anak!
O mas maganda kung hindi na titirik pa!
"Itay!"
Nabuhayan ako nang sagutin ang tawag niya. Kumagat ang dilim nang mag-ring ang phone ko at tuwang tuwa nga ako nang malaman kong ang itay ko pala ang tumatawag.
"Nakitawag lang ako anak kasi nabalitaan ko kay Pareng Flavio na bumalik si Leandro sa probinsiya upang dumulig sa mga sundalong nasumita noong may sumugod sa pinagtataguan nila. Kaya ngayon, kinakailangan siya doon." bigla namang bumagsak ang balikat ko sa narinig.
Isina-walang bahala ko nalang iyon at iniba ang usapan, "Sinong Flavio, 'tay?"
"Si Don Miranda," humalakhak diya at dama doon ang gaan. Na oara bang hindi siya iniwan ni Inay. Mukhang maka-usad na sa buhay ang aking minamahal na ama.
"Mukhang nagiging matalik na kayong magkaibigan Itay, natutuwa aking malaman ang bagay na iyan.""Oo naman, Isay. Ang babait talaga ng pamilya nila lalo na ang kapatid mo. Alam mo bang humahakot siya ngayon ng mga medalya. Ang sipag at talino ni Rodrigo." like brother, like sister daw.
Kung pwede lang sana...
"Parang gusto ko na tuloy bumalik diyan 'tay." bumuntong hininga ako at napahiga sa papag ko.
"Kamusta ka na d'yan? Mag-isa ka lang, baka kung anong mangyari sa'yo. Mag-iingat ka lalo na't iba ang ugali ng mga tao sa syudad. Marami kang makakasalamuhang balahura riyan kaya sana huwag kang magpapa-impluwensiya..."
"Itay naman, maayos naman ako dito. Nag-aaral akong mabuti para sa inyo. At saka tungkol kay Leandro-" sahlit akong napahinto. Iniba ko nga ang usapan pero hindi talaga mapigilan ng bunganga ko na sambitin ang pangalan niya.
Suminghap ako at hindi mapigilang humikbi sa sobrang bigat ng nadarama, "Shh..."
"Okay lang 'yan anak. Babalik naman siya, ipagdasal nalang natin na ligtas siya sa kinaroroonan niya ngayon."
"Itay, tatlong taon... Kaya ko ba? Kaya ba namin?"
Wala akong napagsabihan ng nararamdaman ko kahit kanino. Wala...
Kaya naman ngayon talagang sumabog na ako sa haeapan ng aking itay. Para akong batang umiiyak.
"Isabella, umiibig ka na. Sana alam mo na sa pagmamahalan ay kailangan ng tibay ng loob at tiwala. Pinanghihinaan ka pa ba ng loob gayong mahal niyo ang isa't isa?"
Walang kibing umiling ako ng sunid sunod.
"Ang h-hirap lang... Maraming baka at paano kung na tumatakbo sa aking isipan. Hindi mapigilan, hindi ko kayang patigilin."
"Isipin mo lang ang kapakanan ninyong dalawa. Ginawa ni Leandro mo iyon para tulungan ang mga kapwa sundalo niya doon sa kinakaharap nila ngayon, ginawa niyo iyon dahil mahal niya ang trabaho niya. At ikaw... nag-aaral diyan kasi nais ming makapagtapos at umahon sa kahirapan, hindi ba?"
Pinunasan ko ang nagraragasang luha sa aking mata at suminghot.
"Mabilis lang ang paglipas ng panahin, hindi mo mamamalayan na nasa piling mo na muli siya. Mabilis lang ang pagtakbo ng lahat, kaya sana habang nandiyan ka at scholar sa paaralan... gawin mo ang lahat ng makakaya mo."
"Tutukan mo muna ang pag-aaral. Magsunog ka ng kilay at tapusin mo ang kursong ninanais mo. Huwag mo munang intindihin ang pagmamahal, Isay. Bata ka pa..."
"At darating iyan sa itinakdang panahon. Darating iyan matapos ng tatlong taon."
Gusting gusto ko talagang naririnig ang payo ng aking itay. Siya ang nagtutulak sa akin sa matuwid na buhay, siya ang nag-ahon sa akin sa burak... ngayon putik nalang.
Pwe.
Pero seryoso, ako naman ngayon ang tutulong sa kanya.
"Ako naman ngayon, Itay. Ako naman ang magpapakahirap upang matumabasan ang ginawa mong pagsakripisyo ng lahat sa akin. Ako ang tatayong sandalan mo ngayong nanghihina ka na. Ako ang magiging haligi ng tahanan natin. Ako na isang ampon lang na itinuring mong tunay na anak. Ako ang magmamahal sayo ng lubusan at susuklian ko ang ibinigay mo sa akin lahat... Mahal na mahal kita... "
Natahimik ang ingay sa kabilang linya.
"Nandyan ka pa ho ba?"
"M-Mahal na mahal din kita, anak..." garalgal ang kanyang boses, halatang ngumangawa ang itay ko.
Ngumiti ako at muling napaluha. Natutuwa ako na muling makausap ang aking itay. Sa pagka-usap ko sa kanya, susundin ko ang payo niya.
Aral muna, landi later...
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?