xxi | Isabella

5.6K 144 27
                                    

"Nandito ba si Isabella?"

Inilibot niya ang kanyang paningin at biglang nanliit ang mata nang makita ako.

Anong ginagawa niya dito?

Humagod ang init sa aking katawan nang pagtuunan niya ng pagsin ang aking suot. Parang galit na koala na nakatingin doon. Parang gustong punitin at lurayin.

"Sasali ako."

Pumasok siya at umiwas ng tingin sa akin.

Syet na maglagket!

Napanganga ako nang makita kong maghubad sa harapan naming lahat ni Leandro.

Ano bang balak ng lalaking ito?

Ibinabandera pa niya ang namimintog niyang maskels! Buti sana kung ako lang nakakakita pero hindi! Hindi!

Langya naman oh.

Malay ko ba kung may bading dito sa mga swimmers at isa pa, haler may babae rin dito!

Matalim akong tumitig sa mga babaeng nakanganga sa paghubad ni Leandro at hindi sinasadyang tinulak ang isa sa pool para malipat ang atensiyon nila.

"Hala! Okay ka lang? Sorry, hindi ko sinasadya."

Akmang sisinghal na siya nang maglakad papalapit sa amin ang makasalanang nilalang.

Swiper no swiping!

Kailangan niyang lumayo sa pwesto namin, now na! Baka masunggaban ko pa siya sa harap ng mga tao dito.

"Let me help her."

Putangines!

Tama ba ang pagkakarinig ko? Baka naman nalagyan ng tubig ang tainga ko.

Narinig ko ang buntong hininga ng iba at impit na tili ng babaeng nasa likod ko. Samantalang pabebe namang kumapit sa maskuladong braso ni Leandro ang babae.

Akin lang siya!

Kulang nalang sungalngalin ko si Leandro nang makita kong inilapag niya ang babae at hinawi ang buhok nito.

Tila nandilim ang buong paligid. Ginawaran pa niya ang malanding dikya na iyon ng makapanlaglag panty na ngiti. Mabilis akong lumapit sa kanya at marahas siyang tinulak sa pool at tumalikod na.

Hindi siya makakaapak sa pamamamahay ko simula ngayon!

Tahimik ang buong biyahe pabalik sa bahay ko. Hindi siya nagtangkang kausapin ako dahil halata sa awra ko.

Lakas nalang ng apog niya.

Hindi ko na hinayaang pagbuksan niya ako ng pinto.  Dali dali akong bumaba ay padabog na sinarado ang pinto ng kotse. Medyo nakunsensiya pa ako dahil nakita ko ang hiyaw niya sa gulat.

Tse!

Bahala siya sa buhay niya!

Ininaksi ko nalang ang konsensiya ko at walang lingon na pumasok sa loob ng bahay sabay kandado.

LQ muna kami.

Halos namanhid ang kamay ni Leandro sa kakakatok sa pinto kanina pa pero hindk ko talaga siya pinagbuksan. Pagbayaran muna niya ang pagdampi ng dulo ng daliri niya sa babaeng higad na iyon.

Hindi naman ako makatulog. Nagpabaling baling ako sa kama. Hay nako,  hindi na ako nasanay ng wala siya sa aking tabi.

Paano pa kaya kung naging kami na?

Kinabukasan, pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko ang makintab niyang sasakyan sa may kalsada.

Buti hindi na-carnap. 

Pinwersa kong lagpasan iyon at hindi pinansin ang pagtawag sa akin ni Leandro.
"Isabella!"

Hinigit niya ako paharap at niyakap ng mahigpit. Nagkunyari naman akong nagpumiglas sa bisig niya at tinignan siya ng matalim.

Sinuklian niya ako ng masuyong halik sa noo at niyakap muli.

"Sorry na... Hindi ko na-kontrol ang sarili ko lalo na't halos lahat nang naroon ay puro lalaki. Kinain na naman ako ng selos. Sorry na,  Isabella."

Hinagod niya ang leeg ko.

Kinilabutan ako men.

Mesherep!

"Bati na ba tayo?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako gamit ang mapupungay niyang mata.

Jusko po...

Ang hirap magpakipot, parang susuko na ata ako.

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon