Fb acc: Layerdine WP
Fb group: Layerdine's"Puking ina mong babae ka! Bat ngayon ka lang nagpakita?"
Sumalpok ang ang kamay niya sa batok ko at nilapit sa kanya para yakapin ng mahigpit, "Sino ang makalaglag panty na kasama mo? Naiihi ako sa tingin niya!" humagikgik siyang bulong at pinagpapalo pa ako.
Lumingon ako kay Paleo na inililibot ang tingin sa buong paligid. Ang paminta namang nobyo ni Serene ay tahimik lang at pinaglalaruan ang pagkain niya.
"Mag-uusap lang kaming dalawa ng kaibigan ko. Dito ka muna, kausapin mo si Kards ni Serene. Saglit lang 'to," ngumiti si Paleo at tumango.
Maiiwan ang dalawa.
Isang bakla... at nambabakla.
Mukhang hindi magandang desisyon iyon lalo na't nobya ng isa ang kaibigan ko. Kawawa naman kung nagkatuluyan sila, pagnagkataon... gyera ang aabutin nilang dalawa.
Naging hudyat naman iyon para yakagin ko si Serene sa kanyang silid.
Pagsarado palang ng pinto ay dinulog ko na siya ng mahigpit na yakap.
Kailangan ko ng kaibigan ngayon, kailangan kong ilabas ang mga itinatago kong nararamdaman sa loob ng dalawang taon.
"B-Bakit ka umiiyak?!" taranta niyang tanong.
Hindi ako kumibo.
Mukhang naramdaman naman niya na wala akong balak magsalita kaya't sinuklian nalang niya ng pag-aalo ang aking kalungkutan.
Dinaluhan niya ako sa kapaghatian...
Sisinghot singhot akong lumayo sa kanya at pinunasan ang natuyong luha sa aking pisngi.
"Naaalala mo 'yong multong binanggit ko sa'yo dati?" nangunot ang noo niya. Pumitik siya habang pilit inaalala ang sinabi ko.
"Ah! Iyong araw na nababaliw ka na?" sinamaan ko siya ng tingin pero hindi matago sa aking mata ang lungkot.
"Isasama kita ngayon sa kanya..." kahit sa labas lang ng mansiyon.
Wala akong pakialam kung palayasin man ako ng mga sundalo o ang alipores ng pamilyang Miranda. Hindi nila ako kayang itaboy ng ganoon nalang. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ang may kasalanan kung bakit wala na siya.
Kasi kahit anong pilit kong kalimutan ang kagaya niyang pasulpot sulpot lang na parang kabuti... ay hindi ko magawa.
Bakit?
Kasi putangina, mahal ko nga siya!
Wala silang karapatan na diktahan ako lalong lalo na ang nararamdaman ko. Kung sabihin man nilang hindi ko mahal si Leandro at nagloko kaya sa nawala, papatunayan ko sa kanilang mali sila ng pinaparatang.
Hinila ko siya palabas. Nadatnan naman namin ang dalawa na nag-uusap at mukhang...
"Hoy! Kayo ngang dalawa d'yan. Tumayo na kayo. Sasamahan niyo kami!"
Tarantang napapahid si Paleo sa suot niyang pantalon at alangang ngumiti kay Serene na nakatitig lang sa kanya. Halatang may nangyaring kakaiba.
Kung sabagay, ngayon lang nakakita ng tiga-syudad ang malandutay kong kaibigan.
Mariin kong tinignan si Paleo.
Subukan niya lang na agawan ng baklang nobyo si Serene, mapuputulan ko siya ng pangpuhunan niya sa buhay!
"T-Teka naman, girl! Paano tayo napunta sa harapan ng mansiyon ng mga Miranda! Trespassing tayo. Hindi pwede! Baka bombahin agad tayo ng tatay at mga anak niyang sundalo!"
Mukhang walang kaalam-alam si Serene...
Patagilid ko siyang sinulyapan, "Kapatid ko ang isa sa kanila."
Narinig ko naman ang nakakairitang tila sabay yugyog sa aking katawan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Akala ko pa naman kaibigan kita! Ayaw ko na sa'yo!" halos magwala na siya sa harapan ko.
"Hindi ka nagtanong, at isa pa matagal tayong hindi nagkita. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sayo lahat sa oras na maayos ito."
Mabilis kong inalis ang kamay niya sa akin at lumabas na mula sa kotse.
"Hindi mo ba kami isasama?" ngumiti ako ng mapakla at umiling.
"Sinama ko lang kayo dito para sa suporta at kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Maraming salamat," pabagsak kong isinarado ang pinto at dali-daling binagtas papasok ang mansiyon.
"Mahabagin!" napataas ang kamay ni Donya Miranda sa ere nang makita niya ako.
Batid sa kanyang itsura ang puyat at pagod. Wala siyang kahit anong koloreteng nakadikit sa kanya. Simple lamang ang kanyang kasuotan. Parang hindi Donya ang datingan.
Maputla rin ang kanyang labi.
Mukha hindi niya masyadong naaalagaan ang kanyang sarili.
"Anong ginagawa mo sa pamamahay kong babae ka?!" singhal niya. Mariin kong lumunok at humakbang palapit sa kanya, "Huwag mong matangkang lumapit sa akin, Isay!"
Humawak siya sa paso at iniumang sa akin. Mukhang may balak pang ibato sa mukha ko ang malaki at mamahalin niya pag-aari. Pero kailangan kong tatagan ang aking sarili.
"Nasaan si Leandro? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita, Donya Miranda."
Mariin kong kinuyom ang aking kamao. Inilibot ko ang buong paningin sa walang buhay nilang mansiyon. Nagbabaka sakaling lumitaw bigla si Leandro kagaya ng dati.
"Wala na siya!" nanlaki ang mata ko. Napasinghap nang tumama sa aking paanan ang pira-pirasong paso. Malakas ang pagkakatama 'non sa tiles kaya't tumalbog iyon at tumama sa akin.
Hinawakan ko ang napuruhan. Malapit iyon sa aking leeg.
"At dahil iyon sa kagagawan mo," taas baba ang kanyang dibdib sa galit.
Hindi ako nakakibo nang mapasalampak siya sa sahig at doon humagulgol. "Kasalanan mo ang l-lahat..."
Lakas ng loob at tiwala sa sarili ang hindi maaaring mawaglit sa akin lalo na sa sitwasyon kong ito.
"Paano ko naman kasalanan kung siya lang ang lalaki sa aking buhay?"
Itinaas ko ang aking kamay at pinakita sa kanya ang singsing na kailanman ay hindi ko inalis, "Ang singsing na ito ang tanda upang isumpa naming dalawa ang pagmamahalan namin. Kahit hindi sa harapan ng Diyos, batid naming dalawa ang kasigiraduhan sa pagsasamahan namin."
"Hindi ko magagawang saktan si Leandro..." umiling siya sa akin wika na para bang hindi siya makapaniwala sa akin.
Napahilamos siya sa kanyang mukha at matalim ang titig na iginawad sa akin.
"Isa pa... hindi totoong patay na si Leandro. Nakasisigurado ako sa bagay na iyon," kinagat ko ng mariin ang aking labi at pinahid ang dugo na tumulo sa aking leeg. Ramdam ko ang hapdi pero hindi ko ininda.
"Makitid ba ang kokote mo? Hindi ka ba nakakaintindi? Ang sabi ko wala na siya! Wala na si Leandro!"
Inalis ko ang singsing sa akin at muling pinakita sa kanya ang aking daliri, "Sa totoo lang, ngayon ko lang napagtanto ang bagay na ito n halos sumugod agad ako papunta sa probinsiya para malaman ang kalagayan niya."
"A-Ano 'yan?"
"Isang marka, ang simbolo na kami lamang ang para sa isa't-isa."
Votes and comments are highly appreciated! ☜☆☞(´∀`)♡
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?