xvi | Leandro

7.3K 181 36
                                    

Tinulak niya ako at mabilis na lumayo sa akin nang dumukwang ako upang sakupin ang kanyang labi.

"Hindi pa kita asawa, huwag mo akong halikan."

Sunod sunod ang naging pagsubo niya. Namumula ang kanyang pisngi at halatang nanginginig ang kamay sa tuwing aangat ang kutsara.

"Hinay hinay lang. Hindi kita minamadali, Isay.".

Ngumisi ako. Pinagmasdan ko kung paano siya maginhawaan sa narinig. "Pero pwede namang touch touch, 'di ba?" Gumapang ang kamay ko sa makinis niyang hita.

Nanlalaki ang mata niyang hinawi ang kamay ko. Gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa kanyang reaksiyon. Kahit kailan talaga itong si Isabella. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Ngumiti na lamang ako at sinubuan siya.

Hindi ko na ata kayang umatras pa. Baon na baon na ako. Hindi na maaaring makaahon pa. Imposible...

Kinagabihan, nagpag-usapan namin ni Isay na sa sahig ako matutulog. Pinipilit pa niya akong umuwi nalang kaso hindi ako pumayag.

Hindi ko nanaising iwanan siya at mapahamak. Walang pa namang seguridad ang lugar na ito.

Nagpabaling-baling ako sa matigas na lapag. Kanina pa mahimbing na natutulog si Isay. Gusto kong gapangin siya ngunit baka palayasin niya ako pag nagkataon. Dilit ang aking mata at hinihintay ang aking sarili na kagatin ng pagka-antok...

Suminghap ako nang sumikip bigla ang aking dibdib. Ito na naman... Tuwing sasapit ang dilim ay ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa aking katawan.

Namuo ang pawis sa aking noo. Nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko may nakamasid sa akin ngayon. Bigla akong tinamaan ng matinding kaba.

Mabilis kong inalis ang kumot na nakataklob sa aking katawan at tinungo ang kama ni Isay. Sapo ko ang aking dibdib, at kahit na hirap ako ay narating ko pa rin iyon.

Sa oras na dumantay ang aking kamay sa kanya ay bigla na lamang napawi ang matinding sakit. Kumunot ang aking noo at nanlaki ang mata sa gulat.

"B-Bakit? Paano nangyari i-iyon?"

Napagpasyahan kong tumabi sa kanya. Buong magdamag hindi mapakali ang aking isipan. Puno ng katanungan na hindi ko magawang sagutin.

Ito na ba ang karma?

Ang anting-anting...

Tanging ang Papa ko lang ang makakasagot sa lahat.

Unti unti nang umangat ang araw nang hindi ako tinamaan ng antok. Tumingin ako sa babaeng payapang natutulog sa aking tabi.

Matinding ipinagbabawal ng aking Papa na pakialamanan ang anting anting na pag-aari niya. Delikado iyon at hindi siya sigurado sa magiging bunga sa kung sinuman ang gumamit nito ng hindi niya pag-aari.

Kahit hindi pwede, ginawa ko pa rin... para kay Isabella.

"Papa," bati ko sa kanya sa kabilang linya.

Sa probinsiya, madilim pa ay gising na ang lahat upang magtrabaho at magbinat ng buto. Hindi na ako magugulat kung nasa hapag kainan sila ngayon ni Mama.

"Kamusta naman ang pagbuntot mo kay Isabella?" Humalakhak siya na hindi ko magawang suklian.

"May ipagtatapat ako sayo, Pa."

"Ano iyon? Ikakasal na ba kayo?"

"Hindi... hindi. Tungkol ito sa anting anting."

Kumalabog ang aking dibdib nang biglang nawala ang tawa niya. Bigla itong seryoso. Bumigat ang atmospera sa pagitan naming dalawa.

It's now or never.

Mas magandang malaman ko kung ano ang nangyayari sa akin kaysa itago pa ito mula sa kanya.

"Anong kinalaman mo sa agimat ko?"

Sunod sunod ang paglabas ng salita sa aking bibig. Tila batang nagsusumbong sa kanyang magulang. Kuha ko na ang magiging reaksiyon niya. Magagalit. Siguradong pag sa personal ko ito sasabihin ay baka bugbog sarado ako sa kanya.

Malutong siyang nagmura sa kalagitnaan palang ng aking pagkwento. "Pumunta ka rito, ngayon din Leandro!" Bakas ang tindi ng inis sa kanyang todo. Kinilabutan ako kaagad.

Patay...

Bago pa ako makatugon ay ibinaba na nito ang tawag. Mariin  akong mapalunok. Tumayo na at nag-iwan ng sulat kay Isabella.

Mahal ko,

Aalis muna ako saglit. May kailangan akong asikasuhin. Babalik din ako kaagad, pangako. Wag kang magpapapasok ng kung sinuman sa bahay. Wag kang lalabas ng nakasando at shorts o leggings--babakat ang para sa akin lang. Tawagan ko ako pagnabasa mo ito. Mahal na mahal kita.

Leandro

Ilang oras ang lumipas na muli akong umapak sa aming mansiyon. Dumiretso ako agad sa kinaroroonan ng aking papa. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ang madilim na pigura ng aking Papa sa madilim na silid.

Isinindi ko ang ilaw. Mas nakakadagdag ng kaba ang kadiliman. Baka bigla nalang ako nitong sugurin at ibitin patiwarik. Tumikhim ako upang agawin ang atensiyon niya.

Humarap siya sa akin habang pinaglalaruan ang laman ng kopita sa kanyang kamay. Seryoso ang awra niya at pakiramdam kong mabigat ang pag-uusap na gagawin namin.

Nagtama ang mata namin.

"Ang agimat na gamit ko ay para sa akin lang. Bago makasaiyo iyon ay kailangan mong maghirap." Inisang lagok niya ang alak at lumapit papunta sa akin. Napabato naman ako sa kinatatayuan.

"Ayos lang na gamitin mo ito, ngunit pagkatapos ng lahat ay may kapalit. Alam mo ba kung ano ang pinasok mo, Leandro? Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang tinahak mo?"

Hinawakan niya ang aking pala-pulsuhan at pinakita sa akin.

"Nakikita mo ang marka na unti-unting lumalabas sa balat mo?" Tila napipi ako. Walang salita ang lumalabas sa aking bibig. Tahimik akong napatango at pinagmasdan iyon.

Ngayon ko lang ito napansin.

Pinapalibutan ito ng mga tinik na para bang ito ang ginamit sa ulo ni Hesus. Napunta nga lang sa pulso ko.

"Hindi na maaaring makawala pa sa kung sinong dahilan ng anting anting. Si Isabella ang dahilan kung bakit mo ito ginamit, tama ba?" Tumango muli ako.

"Kung ganoon ay hindi ka na pwedeng magmahal ng iba. Naiintindihan mo ba?"

Kinagat ko ang aking labi.

Hindi ko alam kung magagalak ako sa natanggap na impormasyon. Oo, natutuwa ako na hindi na ako makakalaya pa kay Isabella, ngunit may sumisingit na kaba sa aking dibdib. Sa kalagayan namin ngayon ay hindi ako sigurado.

Wala na akong kawala pa sa kanya, paano naman siya?

"Kung h-hindi ito nasunod?"

Nag-igting aking kanyang panga.

"Ang marka sa pulso mo ay babaon. Sa loob ng tinik na iyan ay may lason. Ito ang kikitil sa iyong buhay. Kaya't hanggang maaga pa, gawin mo na ang lahat."

Nasa syudad siya at maraming mas lamang ang pisikal na itsura sa kanya. Paano nalang kung hindi na ako nito gusto?

Anong nangyayari sa akin?

Mamamatay...

Hindi ko na maaaring pakawalan pa siya.

;

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon