Leandro
Isabella...
Simula nang makita ko ang litrato niya na hawak ni Rod ay naantig na agad ang aking puso sa angking kagandahan niya. Simple lang siyang babae ngunit tila may humahatak sa akin upang mas kilalanin siya ng lubos.
Imposible ang bagay na 'yon sapagkat isa ako sa mga sundalong may misyon na pangalagaan ang mamamayan. Hindi ko nagawa ang aking ninanais na makilala siya.
"Pre, gusto mo sayo nalang 'tong pagkain ko?"
Syempre, kahit na hindi ko siya maaaring masilayan man lang ay ang kapatid niya muna - na kapatid ko na ngayon, susuyuin ko siya at paghihirapang kuhanin ang kayaang loob upang ipagkatiwala ang nakababata niyang kapatid sa akin.
Ilang araw iyon bago niya mapansin, "Anong kailangan mo, Lean? Naninibago ako sayo." Buong pagtatakang tinignan niya ako at tinago ang litrato ni Isabella sa pitaka niya.
Lumunok ako ng mariin at tinibayan ang aking loob. Kilala ko si Rod, mainitin ang ulo niya at seryoso sa lahat ng bagay. Baka bigla na lamang niya akong sugurin pag sinabi ko ang tungkol sa aking pagkakagusto sa kapatid niya.
Naglagay ako ng distansiya. Nako, mahirap na... Ilang taon kong makasama si Rod, kabisado ko na ang mga gagawin niya.
"Gusto ko si Isabella. Pwede ko ba siyang ligawan pagkalabas natin dito?"
Nangunot ang kanyang noo at nag-iba ang awra niya. Kahit hindi niya pa ito nakikita ay umaakto ito bilang kuya niya. Masyadong protective.
Nag-iwas ako ng tingin, hindi ko kinaya ang matalim na titig niya. Kahit na sundalo ako, pinangingilabutan pa rin ako. Ganito pala ang pakiramdam ng nagpapaalam sa kadugo.
"Hindi mo pa siya nakikilala. Pre, kung gusto mo lang ng babaeng matitira, huwag ang kapatid ko. Pwede akong magpatawag ng ilang babae para sayo." Sunod-sunod akong umiling.
"Rodrigo, gusto ko talaga ang kapatid mo. Hindi ko alam, pero tinamaan ata ako..."
Makahulugang tinignan niya ako at ngumisi, "Kung gano'on, paghirapan mo." Bigla akong nilamig sa kanyang sinabi. I know what he's capable of...
"Anong araw na ngayon mate?" Rinig kong tanong ni Rod sa kapwa namin sundalo. Napahinto ako sa pagpasok sa tent. Sinagot nito ang tanong, "Bakit mate? Atat na atat ka yatang matapos na ang misyon natin."
"Oo, malapit na kasi ang kaarawan ng kapatid ko. Sabi ng Papa ay ipapakilala niya ako sa kanya at aampunin kagaya ko."
Ano? Aampunin? Ibig sabihin ay magiging kapatid ko siya! Hindi maaaring mangyari iyon! Kung alam niya iyon, bakit pa niya ako pinapahirapan? Mahigit dalawang linggo na akong sumusunod na parang tuta sa mga utos niya.
Hindi ko mapigilang sumingit na at padabog na ipinatong ang gamit ko sa lamesa. Malutong akong nagmura. Hinarap naman niya ako na parang inaasahang naroon ako at ganoon ang magiging reaksiyon ko.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" Nagkibit balikat lamang siya. Hindi nagbigay ng pahayag sa aking narinig. Umiling ako sa kanya at nakatiim ang aking labi na lumabas muli sa tent.
Hindi ako makapapayag na maging kapatid ko siya. Kung nais ilipat ni Papa ang kanyang apilyedo ay sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyon. Maililipat lamang ang Miranda sa oras na pakasalan niya ako. Ang relasyon namin ay mag-asawa... at hindi magkapatid.
Napakamot ako sa ulo ko. Mali ang gagawin ko ngunit napagpasyahan kong lapitan ang kilala kong makakatulong sa akin.
Ang retiradong sundalo na si Don Miranda - ang aking Papa. Kahapon siya nakarating dito upang bisitahin kami at makausap ang Chief Commander. Ito na ang pagkakataon kong kuhanin ang bagay na iyon sa kanya. Sa ayaw o sa gusto niya...
Kahit na mahigpit na pinagbabawal na hindi maaring lumabas, wala akong pakialam. Kailangan kong pigilan ang plano nilang iyon. Mabilis akong pumuslit, kahit na nahirapan ako sa madaming bantay ay nagawa kong makapasok.
Ngiting tagumapay ang nakapaskil sa akin at mabilis na sinuot iyon sa akin.
Ang agimat...
Sumapit ang kanyang kaarawan. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung nasaan siya at isa pa, napakalayo ng lugar na ito sa baryo namin. Kinagat ko ang aking labi at hinawakan ng mahigpit ang anting anting. Wala namang mawawala kung susubukan ko ang kakayahan nito, 'di ba?
Malakas na kumalabog ang dibdib ko. Kasalukuyang pinagmamasdan ko si Isabella na payapang natutulog. Iba pala pag sa personal mo nakita. Mas nakakahibang. Gumawa ako ng distansiya ngunit unti-unti ay tinutuwid ko rin iyon.
"Maligayang kaarawan..." aking bulong, hindi niya naririnig ang bawat sasabihin ko. Hindi niya ako pwedeng makita at hawakan. Iyon ang pahirap sa aking bahagi.
Hinawi ko ang buhok na nakasabog sa kanyang mukha. Napasinghap ako at hindi mapigilang titigan ang kanyang mukha. Bumaba ang aking tingin sa manipis ngunit mapula niyang labi.
Isang halik lang...
Tikim lang...
Yumukod ako, masuyong sinapo ko ang kanyang panga at inanggulo ito kung saan mas maayos ko siyang mahahalikan. Ipinikit ko ang aking mata at tuluyang sinakop ang kanyang labi.
Sa una'y patikim tikim lang... ngunit hindi ako nakuntento. Gusto ko pa ng higit pa roon. Naghangad ako na maging akin siya... at hindi ako nabigo.
Dahil ngayon, hindi na si Rodrigo ang sinusuyo ko... si Isabella na. Wala ng kinalaman ang agimat sa aking panligaw. Gamit ko ang aking buong puso sa kanya.
"Hindi na kita matiis! Sige na nga, pakasalan mo na ako! Swerte ko. Yummy and juicy ka!" Idinipa niya ang kamay at itinapon ang sarili sa akin.
Humalakhak ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Mahal kita, Isabella. Mahal na mahal."
"Hindi ka na multo ngayon. Buntisin mo na ako?" Napa-iling ako. Kahit kailan talaga itong si Isabella! "Isay, hindi ako multo. Invicible iyon, invicible."
"Okay, okay... Buntisin mo na ako ngayon!" Pinaibabawan niya ako at hinabol ang labi ko. Tumatawang umiwas ako, "Hindi pwede. Nandito ang kuya mo, oh. Sabik na sabik ka naman sa akin!"
Namula siya at mabagal na nilingon si Rodrigo na nakangiwi sa amin at iiling-iling.
"Pagamit nga ng agimat mo. Ngayon na! Gusto ko ng maglaho." ibinaon niya ang ulo sa leeg ko at impit na tumili. Humalakhak na lamang ako at hinaplos ang buhok niya.
Hindi ko na iiwan si Isabella. Ngayon kahaharapin ko ang parusa sa paggamit ng agimat na ipinagbabawal ni Papa.
Hinahabol ako ng karma ngayon...
75votes and 50 comments. Keri niyo? Kay leandro na 'to! Hahahaha
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?