Pumalakpak si Don upang makuha ang atensyon namin. "Tara na't kumain, masamang pinaghihintay ang grasya. Nagdadala ito ng malas."
Napalayo ako ng isang hakbang sa kapatid ko at nahihiyang ngumiti sa kanya. Napakamot siya sa kanyang batok at umiling. Inakbayan niya ako at ginaya sa isang upuan. Mahina akong nagpasalamat sa kanya, nag-aalala ko namang tinignan ang Itay ko.
Ngumiti siya at tumango. Nagsimula na kaming kumain matapos magdasal. Kasalukuyan akong pinaglalagyan ng kanin ng kuya ko. Abalang abala sa pag-asikaso sa akin.
Hindi nakaligtas sa akin ang ngiti na ginawad sa akin ng mag-asawang Miranda.
"Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Rodrigo." Malumanay na sambit ni Donya Miranda, "Mas magiging masaya siya kung makikita ka niya madalas. Bakit hindi ka tumira na lamang dito?"
"Matutuwa po akong masama madalas ang kuya ko," lumingon ako kay Itay na malungkot na nakangiti sa akin. Napa-iling ako. Siguro iniisip niyang matapos kong makilala ang kapatid ko at ang mabait na mga Miranda ay iiwan ko na siya. Ngumiti ako sa kanya, "Ngunit hindi ko magagawang iwanan ang Itay ko."
Nalungkot ang Donya Miranda at nanahimik.
"Kaya kong palitan ang apelyido mo sa ibang paraan," napatigil ako sa aking pagsubo at sa unang pagkakataon ay nagtama ang paningin namin ng isang binata sa aking harapan.
Hindi ko namalayang nagsalita na pala ang kanina pang tahimik na anak ni Don Miranda. 'Ni hindi ko nagawang pagmasdan siya kanina. Nakalimutan ko ngang nariyan siya dahil sa pagiging okupado ko sa aking kapatid.
Sumandal siya sa upuan at ngumisi. Pasimple akong tumingin sa braso niyang nag-flex ang maskels. Ulalam... Bumaba ang aking tingin sa kanyang katawan na natatakpan ng fit na black na shirt. Imbes na ang una kong kilatisin ang mukha niya ay nauna na kaagad ang kanyang mala-macheteng katawan.
"Ano naman ang naisip mo, Lean?"
Unti-unting tumaas ang aking namata. Nasundan ko kung paano niya hagurin ang kanyang labi gamit ang dila niya. Kinagat niya ito. Walanjo naman! Inaakit ba ako nito?
"Pakasalan mo ako..." nanlalaki ang aking mata nang makasalubong ko ang kanyang abong mata. Nakatitig ito ng malalim sa akin. Suminghap ako at hinawakan ang aking tuhod na nangatog. Parang hinihigop niya ang kaluluwa ko!
Bago pa ako ma-hipnotismo ng kanyang mga mata na humuhukay sa aking kabuuan ay umapila na ako, "A-Ano?! Bata pa ako 'no!"
Nagkibit siya ng kanyang balikat na parang napakasimple lang ng paraan niya. "Aayaw ka pa? Ako na nga ang nag-aalok ng kasal sa'yo." Nanliit ang aking mata at napatayo.
"Arogante!" Humingi ako ng mabilis na paumanhin sa kanila at naglakad na paalis. Nakakapang-init naman ng ulo ang lalaking iyon! Wapakels ako kahit gwapo siya, ang pangit naman ng ugali. At bakit niya ako aalukin ng kasal? Parang napakaliit na bagay lamang 'non sa kanya!
Namalayan ko ang aking sarili na dinadala ng mga paa ko papunta sa lugar kung saan ako iniwan ni Leandro. Humiga ako sa damuhan, dama ko na tumutusok ito sa aking balat kahit na may dahil ngunit hindi ko pinansin.
"Leandro... nakita ko na ang kapatid ko, ikaw kaya kailan ko muling makikita?"
"Ngayon..." lumingon ako kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Nanliit ang aking mata, "Bakit mo ako sinundan?!" Asik ko sa kanya at akmang babalik na sa mansiyon nang higitin niya ako at yakapin mula sa aking likod.
Napabato ako sa aking kinatatayuan. Ngayon lang ang muli may lumapit sa akin na lalaki. Nakakapanibago... Ang init ng singaw ng kanyang katawan ay tumatama sa akin dahil sa lapit ng kanyang katawan. Ang kaninang tinitignan ko lamang kanina ay nakapaloob na ako sa kanyang bisig. Ang maskels sa kanyang katawan, ang matitigas at perpektong pagkahulma ng kanyang katawan.
Winaksi ko ang isipang iyon at nagpumiglas.
"Lumayo ka nga! FC mo naman, kala mo type kita? Ulewl! May Leandro na ako 'no." Humalukipkip ako at tiningala siya. Sa tikas niya ay nakukubabawan niya ako. Mabuti nalang ay hindi ako nasindak sa kanyang kakisigan, maging ang kanyang gwapong mukha.
Humalakhak siya, "Pakasalan mo ako Isabella."
"Gago ka ba? Ayaw ko nga! Hindi naman kita mahal para pakasalan."
"Ano nalang iyong gabing sinabi mong mahal mo ako nang ako'y mamaalam?"
"Kailan?"
Hinapit niya ako at hinawi ang aking buhok at ibinaon ang mukha niya sa aking leeg. Napahugot ako ng malalim na hininga sa gulat. Tila may dumaloy na libo libong kuryente sa akin katawan nang dumantay ang kanyang namamasang labi sa akin.
Hindi ako nakakibo sa sobrang pagkagulat. Nadagdagan pa ang panlalabo ng aking mata maging ang pagkabingi ko.
Napadaing ako nang lumapat ang kanyang dila sa akin at gumuhit ng mga letra. Kumalaboy ang aking dibdib. Bawat pulso sa aking katawan ay nararamdaman kong tumibok. Tila lalabas sa aking dibdib ng puso kong nagwawala.
Mahal din kita
Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang leeg. Humigpit ang hawak niya sa aking baywang at mas lalong napagdikit ang nag-aapoy naming katawan.
"L-Leandro...?"
Lumakbay ang kanyang halik paitaas, nangilid ang luha sa aking mga mata nang sakupin niya ang aking halik. Pamilyar ang pakiramdam na ito. Napaka-pamilyar... "Ako nga, Isabella." Nagtama ang hindi pantay naming paghinga nang putulin niya ang halik.
Sinapo niya ang aking pisngi at masuyong tinitigan ako, "Pakasalan mo ako..."
Buong lakas ko siyang itinulak at sinampal. "Ang kapal ng mukha mo! Matapos mo akong iwanan ng gan'on nalang ay sa tingin mo papayag akong magpakasal sayo?! Isang kaluluwa ang Leandro ko at hindi isang a-aroganteng kagaya mo!"
"May dahilan kaya ako umalis. Nandito na nga ako, hindi ba? Fresh and alive... Ito ang minimitihi mo, ang makita ako." Pumaywang siya, saglit akong natigilan at pinagmasdan ang postura niyang pang-modelo. Hindi ako makapaniwalang siya ang Leandro na iniiyakan ko.
Para sa babaeng simpleng kagaya ko, nakakagulat na ang lalaking kagaya ni Leandro ay may oras upang maka-usap ang kagaya ko.
"At anong dahilan mo? Nawala ba ang powers mo kaya hindi ka na nagpakita o may ibang babae kang nakita kaya iniwan mo ako! O talagang nagsawa ka nalang sa akin."
Bumuntong hininga siya at napakamot sa ulo niya. "Nawala ang anting-anting ko, okay? Mabuti nalang, bago mawala ang lagalag kong tulog na kaluluwa ay nakapagpaalam na ako sayo."
Pinagloloko ba ako nito? Uso pala ang anting anting sa panahon ng mga teknolohiya. Kung sabagay, hindi iyon imposible dahil nakapiling ko si Leandro dahil doon.
"Marami ka pang ipapaliwanag sa akin. Hindi mo alam kung ano ang dinanas ko. Galit pa rin ako sayo."
Matalim ko siyang tinignan. Pilit na tinatago ang galak. Galit ako sa kanya. Iniwan niya ako. Humingi muna siya ng patawad sa akin.
"Pakasalan mo ako, Isabella. Pakasalan mo ako..." umirap ako at humalukipkip. "Hindi mo ba maintindihan ang salitang galit ako sayo? Hindi kita pakakasalan hangga't hindi ako nalilinawan sa nangyari. Ipakita mo sa akin na gusto mo ako."
"Patawarin mo na ako, pakiusap..." nansusumamo ang kanyang mata at hinawakan ang palad ko.
Umirap ako at inilayo ang sarili sa kanya. "Paghirapan mo," kagaya ng paghihirap ko ng iwanan mo ako...
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?