xviii | Leandro

6.4K 143 21
                                    

Itinago ko sa aking likuran ang aking kamay at umiwas ng tingin. Nakita ko ang pag-ikot ng kanyang mata.

"Mahal ko... sorry na." Mahina ang aking boses na nagsumamo. Tinantiya ko siya, baka biglang sumabog. Hinarap ko siya sa akin ngunit nagmatigas siya.

Niyakap ko siya at ipinatong ang ulo sa kanyang balikat. "Ang hirap kasing pigilan ng selos."

Nilingon niya ako. Sumimangot ang kanyang mukha. Hindi niya nagustuhan ang narinig.

"Bakit ka naman magseselos? Wala namang dahilan para maramdaman mo iyon. Mabuti sana kung may kras ako, pero wala naman 'di ba? Ikaw lang, Leandro. Itatak mo iyan sa kokote mo."

Bumitiw ako, bagsak ang balikat kong umupo sa kahoy na upuan.

Namalayan ko naman siyang umupo sa tabi ko.

"Daig mo pa ang insekyorang babae." Sinulyapan ko siya. Sumilip ang ngiti sa kanyang labi.

"Hindi porke't lalaki ako ay kailangan ko ng magmatigas. Bukas ako sa nararamdaman ko. Sana naman ay hindi mo ito nakita bilang kahinaan."

Humalakhak siya at pinalo ako sa balikat.

"Bading," tudyo niya sa akin.

Nawala ang bigat sa aking dibdib nang marinig ko ang mapaglarong tono na lumabas sa kanyang bibig.

"Pinaramdam ko na sayo ang kakayahan ko sa kama. Kung maka-ungol ka sa pangalan ko at makabuka ng wagas, saka mo ako sasabihan ng bading? Huh, Isay 'wag ako, iba nalang."

Nanlaki ang mata niya. Namula at mukhang apektado sa sinabi ko. Sapul na sapul.

"Bastos mo!"

Ngumisi ako at kinindatan siya, "Nasarapan ka naman."

Kinabukasan, sinundan ng aking mata ang maya't maya niyang pagbalik sa loob ng silid at dito sa sala.

"Simula na ng trabaho ko!"

Mabilis ang bawat kilos niya at natataranta. Kanina pa ganoon ang ayos niya at wala namang nagbabago. Mga babae nga naman. Hindi pa nakuntento sa itsura.

"Nakausap ko ang manager noong nag-apply ako, ang sabi niya sa hapon ang shift ko. Kusinera lang ako doon pero sapat na ang sahod ko sa pamumuhay. Kaya ko namang paglasyahin iyon."

Kusinera lang pala.

Kung tinanggap niya ang alok ko, instant milyonaryo agad siya sa akin. Pero dahil mahal ko siya, pinagbigyan ko ang ninanais niya.

"Oh, tara hatid na kita."

Napaawang ang bibig ko nang ituro niya ang lugar ng pagttrabahuan niya.

"Restaubar?!"

"Oo, bakit?" Taka siyang tumingin.

Biglang may nagtutulak sa akin na buhayin ang kotse at ipihit ang manibela pabalik sa bahay niya. Gusto kong iposas nalang siya sa kama at hindi na pakawalan pa.

"Hanggang anong oras matatapos ang shift mo?"

"Alas kwatro hanggang alas dose. Bakit?"

Mariin akong napapikit.

Ang hirap naman ng hindi kontrolado ang mga pangyayari. Hindi laging naaayon sa aking gusto.

"Wala!" Yamot kong wika.

"Ano na naman bang problema, Leandro? Ang inis na naman ng ulo mo. Para ewan. Daig pa ang babaeng nireregla."

Matalim ko siyang tinignan. Hinapit ko ang batok niya at sinakop ang labi. Gulat siya sa aking ginawa kaya't tinulak niya ako at tinutop ang kanyang bibig.

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon