xiv | Leandro

8K 211 61
                                    

Mabilis ang aking naging byahe papuntang Maynila. Hindi ako makapaniwalang hindi ko naisip ang paraang iyon upang makasama ko muli si Isabella.

Tila sinisilihan ako sa puwet. Hindi ako mapakali. Ang kulit ng aking dibdib, tibok ng tibok ng sobrang lakas. Sarap pahintuin!

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan siya. Naka-ilang tawag pa ako bago niyang sagutin ang tawag.

"Isabella..."

Tahimik ang kabilang linya. Muli kong binanggit ang pangalan niya. Kay sarap paikutin sa aking dila ang pangalan ng babaeng kinababaliwan ko.

"L-Leandro?"

Bahagyang tumikwas ang gilid ng aking labi nang marinig ko ang gulat sa kanyang boses. Mukhang hindi makapaniwalang tinawagan ko siya. Mukhang abalang abala din siya at hindi niya pa ako nagagawang tawagan simula ng umalis siya.

May gumuhit na kirot sa aking dibdib nang sumingit sa aking isipan na baka nasisiyahan siya sa pananatili dito sa syudad.

"Nasaan ka, mahal ko?" Malambing ko wika, kinalimutan ang bigat na nadarama. Sapat na sa akin na makitang muli si Isabella. Kakalimutan ko na ang pag-iwan niya sa akin. Kakalimutan ko na ang pampabatang nararamdaman ko.

"Nasa apartment, bakit?"

"Saan 'yan?"

Kahit nagtataka ay sinambit niya iyon na mabilis ko namang nakuha. Ibinaba ko na ang tawag at inutos sa driver ko na puntahan ang address na sinabi ko.

Namamawis ang aking palad sa kaba. Para tuloy akong bumalik sa kabataan. Tila ito ang aking unang pagkakataon na manligaw, kahit ang totoo ay ito naman talaga ang una.

Virgin pa ako 'no.

Sa pisikal na aspeto nga lang, dahil sa ispiritwal ay hindi na.

Mariin akong lumunok nang makita ko ang pinaghintuan namin. Maliit lang ang lugar at parang sa iskwater pa naninirahan si Isabella. Delikado at maraming basagulero. Hindi dapat siya dito.

Madaming nakiusyoso sa sasakyan. Sumilip at nagsalamin. Gusto kong umatras ngunit dito tumutuloy si Isabella.

Kinagat ko ang aking labi saka unti-unting lumabas. Tumapak ang aking paa sa maputik na daan. Parang bumalik lang ako sa pagsusundalo.

Ramdam kong nakasunod ang tingin ng iba sa akin. May kusang lumapit sa akin na babae, na parang sinubsob ang mukha sa crayola. Tumikhim ako, "Miss, alam mo ba kung saan nakatira si Isabella?" Todo ngiti naman siyang tumango.

"Ay oo, gwafu! Hatid na kita u want?!" Hinawakan niya ang braso ko sabay pisil. Ngumuso ang namumula niyang bibig at pinikit ang mata niya.

Inalis ko ang paghahawak niya at umiling, "Ituro mo nalang, ako na ang bahala." Pilit ang aking ngiting ginawad sa kanya. Iginiit pa niya ang kanyang gusto ngunit hindi ako nagpatalo.

Yuck.

Wala siyang binatbat kay Isay ko.

Bumungad sa akin ang nanlalaking mata ni Isay. Hinagod ko siya ng tingin, munting nang malaglag ang aking panga sa nakita. Kinuyom ko ang aking kamao at  pumasok sabay isinarado ang pinto.

"Bakit ganyan lang ang suot mo? Paano 'pag nakita ka ng mga lalaki d'yan, pagnasahan ka pa."

Manipis na sando ang kanyang suot at leggings na hapit sa kanya. Bakat na bakat ang sa akin lang dapat. Gusto kong salubungin siya ng halik. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ako nalungkot nang wala siya.

Pero mamaya na.

Mag-uusap muna kami tungkol sa pagiwan niya sa akin, sa pagtira niya sa lugar na ito at sa pagsuot niya ng damit.

"L-Leandro... bakit ka nandito? Paano mo nalamang nandito ako?"

"Iniwan mo ako. Ganoon nalang ba kadali ang lahat?"

"Hindi ko din gustong iwanan ka, mas lalo lang kasi akong mahihirapang umalis kapag sinabi ko sayo."

"Bakit dito ka nakatira?"

"Mas mura renta dito."

"Bakit ganyan suot mo?"

"Mainit, alangan namang magbalot ako dito eh 'no?"

Hinapit ko siya sa baywang at ibinaon ang aking ulo sa kanyang leeg. Dumantay ang aking labi doon na ikinasinghap niya. Sinipsip ko ang kanyang balat. Ramdam ko ang pagbigat ng kanyang hininga at ang pagdantay ng katawan sa akin.

"H-Hindi," tinulak niya ako at gumawa ng distansiya sa pagitan namin. Nagtataka ko siyang tinignan. Pinunasan niya ang balat kung saan sumuong ang aking labi.

"Umalis ka na, Leandro."

Nangunot ang aking noo. "Bakit mo ako pinapaalis? Hindi ka ba natutuwang nandito ako? Matutulungan kita. Mayroon akong sariling bahay dito at kaya kong ibigay sa iyo lahat ng kailangan mo."

Umiling siya at napatutop sa kanyang noo. "Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi pa ba malinaw iyon hanggang ngayon para sa'yo?"

"Ayaw mo ba ako dito? Hindi ka ba natutuwang makita muli ako?"

Saglit na namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Kumalabog ang aking dibdib. Gusto kong malaman ang iniisip niya. Pinagmasdan ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Malalim ang kanyang tingin sa akin.

"Umalis ka na, Leandro."

Bumagsak ang aking balikat sa narinig.

Nagtungo siya sa pinto at binuksan iyon. Nakita ko ang mga nakiki-usyosong mga iskwater sa paligid. Nagngitngit ang aking ngipin sa sobrang inis.

Marahas ko muling sinarado ang pinto at inipit siya. Nagpumiglas siya ngunit pinako ko ang magkabilang kamay niya sa pinto.

"Ano bang problema mo, Isabella? Hindi ka naman ganito ah?" Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nanliit ang aking mata at inilabas ang inis sa marahas kong halik. Hindi niya sinuklian ang aking halik kaya't mas pinagigihan ko pa.

Itinutulak mo ako palayo, ako naman itong mas lalong didikit sayo.

Sinulyapan ko siya ng tingin bago iniwan doon na hinahabol ang kanyang paghinga. Kailangan ko munang pahupain ang inis na nadarama ko. Kailangan kong alisin ang kirot sa aking dibdib bago siya harapin.

Ayaw kong sabay kaming nagtutulakan.

Siya ang tumutulak sa aking palayo, ako naman ang tumutulak sa aking sarili palapit sa kanya.

Walang mangyayaring matino sa amin kung ganoon na lamang ang mangyayari.

Kinabumasan ay namalayan ko na nakatulog ako sa kotse. Buong magdamang kong binantayan ang bahay niya. Nag-aabang na lalabas siya. At sinisiguradong walang manghihimasok at magtatangka ng masama.

Kahit hindi sapat ang tulog at hindi nakapagpapalit pa ng damit ay bumaba muli ako sa kosteng sinasakyan at tinungo ang bahay niya.

Pinihit ko ang seradura. Bumagsak ang aking mata nang umikot iyon at mabilis kong nabuksan.

Hindi man lang nag-iingat ang babaeng iyon!

Magaan ang aking hakbang na tinungo ang kanyang silid. Natanawan ko ang pigura niya na nakahiga sa kama. Sarap na sarap sa tulog.

Paano nalang kung may manloob sa bahay niya? Wala ,an lang siyang kawala rito.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. Gustong gusto ko ng siyang pakasalan. Kung hindi lang siya desisidong mag-aral sa Maynila ay matagal ko na siyang tinali.

"Gising na, mahal ko..."

Kahit anong mangyari, sa akin lang si Isabella.

Sa santong dalasan o paspasan man.





GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon