xxii | Isabella

5.2K 135 32
                                    

Siyam na kabanata nalang ang nalalabi...

"Sugar daddy mo 'yon? Gwapo ah! Hindi halatang may edad na."

Biglang nagpanting ang tainga ko sa narinig. May sugar daddy bang nasa biente anyos na at binata pa? Buti sana kung kwarenta na, wala pa naman!

Wala siyang karapatang laitin ang bebe ko!
Tahimik na humarap ako sa kanya at lumapit. Aba eh kung makapanlait akala mo 'ke gwapo ng mukha! Ang bata bata mukha namamng tsonggo!

Walang sali-salitang tinuhod ko ang kayamanan ng niyang buong lakas.

"Pasalamat ka iyan lang ang ginawa ko sa'yo. Umayos kang bisugo ka at pag hindi kita natantiya malalagot ka sa akin."

Syempre, angas angasan naman ang lola mo. Hindi ko nalang alam kung may balak siyang maghiganti sa akin! Tiyak na mauubos ang angas na dinadala ko.

Tumalikod ako at umalis na doon, tapos na ang training ko at oras na upang masilayan ang sintang burikit...

Dalawang linggo na matapos ko siyang makita muli. Hindi na siya nagparamdam sa akin. Hindi ko na ring siya nakikitang nag-aabang tapat ng gutay-gutay kong bahay.

Nasaan ka na ba?

Kanina pa ako nag-iisa at hinihintay na dumating siya. Nais kong masilayan ang makisig niyang awra at maaliwalas na mukha.

Hindi kaya napasobra ako sa pagiging malupit sa kanya?

Mariin akong umiling.

Hindi!

Nababagay lang sa kanya 'yon.

Iligtas daw ba yung hipon na naglunud-lunuran. Hipon nga eh! Tatanga tanga naman kasi ito si Leandro, alam naman nasa loob siya ng training pool namin tapos may malulunod ba doon?

Halos nagkanda-lukot na ang mukha ko sa paghihintay sa kanya ngunit 'ni anino niya hindi ko talaga makita.

Bumuntong hininga naman ako at napagpasyahang pumasok nalang kaysa hintayin ko siya.

Mabubulok lang ako sa kanya.

"Marunong ka mag-butterfly stroke?" napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko habang nagi-stretching.

"Konti lang, bakit?"

"I can stroke you," sumilay ang nakakaloko niyang ngisi at kinindatan ako.

"Sino ka ba? Gusto mo ba ma-stroke ngayon na? Bayagan kita riyan eh!" Pinanlakihan ko siya nang mata pero mukhang wala ito naging epekto. Mas lalong lumapad ang ngisi niya at naging mapangahas ang galaw niya.

Hinapit niya ako sa baywang at huli na nang malaman kong sabay kaming tumama sa tubig.

Hindi ko magawang makapaghigop pa ng hangin kaya todo kapit ako sa punyetang lalaking ito.

Ayaw ko pang mamatay, ano!

"Ano bang problema mo?!" Malakas kong kinalabog ang likod niya nang makaahon ako.

Dinig na dinig naman sa buong lugar ang halakhak niya.

Bwisit!

Si Leandro lang ang pwedeng magturo 'non! Si Leandro lang ang may kakayahang gawin akong wet! At si Leandro lang ang natatanging lalaki na papayagan kong mahulog kasama sa tubig!

"I'm just fooling around okay? Masyado ka kasing seryoso."

"Huwag mo akong ma-ingles ingles diyang mamaw ka! May nobyo na ako kaya kung pwede lang, 'wag ka sa aking lumapit! Kaimbyerna!"

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon