excited na ako sa pov ni isay wuhooo
Tunay ngang makapangyarihan ang salita ni Rod. Pansin ay ay unti-unti ng nagbabago ang pakikitungo ni Isay sa akin. Sabihin na nating, may kaunting katarayan pa rin siyang dala. Ngunit sa tuwing lalambingin ko siya ay hinahayaan niya na lamang ako.
Simula nang gabing niyakap niya ako, hindi ko na mapigilang mas mahulog ang loob ko sa kanya. Hindi pagnanasa ang nararamdaman ko, ito ay matinding pagmamahal. Noong una, aminado ako lalo na nang masulyapan ko ang maamo ngunit seryoso niyang mukha.
Talagang tumirik ang sandata ko.
Ngayon ay parang tinitirikan na ng kandila ang puso ko sa tuwing kasama ko siya. Sobrang nakakalusaw.
Ang ganda niya...
Bagay na bagay para sa akin.
Sa mga buwan na nagdaan, kahit kailan ay hindi ko nasubukang pagsamantalahan siya. May tamang oras para sa bagay na iyon. Hindi lahat ng pagkakataon ay involve ang pagtatalik sa isang relasyon.
Puta.
Wala nga pala kami 'non.
Pero alam ko naman na balang araw, makakamit ko rin ang matamis niyang oo.
Kung ang ilang taon ngang paghihirap ko bilang sundalo ay kinaya ko, ano pa kaya ang panliligaw lang?
"Ang aga mo namang pumunta rito, Leandro? May kailangan ka ba?" Pasado alas sais ng umaga ay tinungo ko na agad ang tinutuluyan niya.
Sinalubong niya ako ng sabog ang buhok at maputlang labi.
"Baka nakalimutan mong unang araw ng pasukan ngayon. Ayaw mo naman sigurong ma-late, tama ba ako?" Ngumisi ako.
Suminghap siya at dali-daling pumasok sa loob ng silid.
Inilapag ko ang rosas at tsokolate sa lamesa niya at prenteng umupo sa silya. Bawat galaw ko ay lumalangitngit ito dala na rin ng kalumaan.
Bahagyang tumaas ang kilay ko at bumuntong hininga.
Dapat ba akong kabahan dahil mas mae-expose si Isay sa mga lalaking na itinatapon lang ang babae sa kama?
"Tara na!"
Lumabas si Isay dala-dala ang bagong biling bag na katas ng sweldo niya sa restaubar.
Kahit papaano ay nakatulong naman ang trabaho niya para makabili ng mga kailangan niyang gamitin sa eskwelahan at sa bahay.
"Sandali," hinawakan ko ang balikat niya upang patigilin.
"Bakit ganyan ang suot mo? Are you trying to impress someone?" Kunot noo kong tanong.
Ang damit niyang suot ay hindi kasama sa mga damit na binili ko sa kanila. Umabot ang manggas hanggang siko niya ngunit nakaluwa naman ang kanyang dibdib. Pansin ko ring naglagay siya ng polbo at kulay sa labi.
"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Bigay sa akin 'to ng co-worker ko sa trabaho. Saka pwede ba! Alam kong mapupunta na naman ito sa mainit na diskusyon. Umalis nalang tayo," hinawi niya ang kamay ko at nagtungo sa bungad ng pinto.
"Sino ang nagbigay sa'yo niyan?"
"Si KK, bakit?"
"Babae o lalaki?"
"Bisexual, bakit?"
"Ano itsura?"
"Maganda! Sayang nga eh! Kung ako lang naging lalaki, liligawan ko siya. Tangos ng ilong. Syet! Ang puti rin. Teka, sagot ako ng sagot, hindi mo naman sinasagot ang mga tanong ko." Nanliit ang mata ko.
Pati ba naman tibo?
Hindi na pinatawad!
Nagkuyom ang kamao ko at sunod sunod na napa-iling.
"Wala!"
Nilagpasan ko siya at hinintay siya sa loob ng kotse.
"Hala, tinopak na naman si pogi." Wika niya bago ako tuluyang makaalis dooon.
Namayani ang katahimikan hanggang sa makarating kami sa unibersidad na pag-aaralan niya. Bumaba ako sa kotse at hinintay siyang bumaba roon.
"Bye," nakita ko pa ang pag-irap niya sa akin kasabay ng mabibigat na hakbang palayo sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa.
Tangina.
Nakalimutan kong pagpalitin siya ng damit kaya't bawat hakbang niya ay may nakasunod na mata sa kanya.
Karamihan pa doon ay mga lalaki.
Walang imik kong pinaharap siya sa akin at hinapit ang kanyang baywang. Suminghap siya at hinampas ang dibdib ko.
"Ano bang problema mo?!"
Sinapo ko ang kanyang panga at sinakop ang labi niya. Nang una ay hindi niya sinuklian ang halik ko ngunit hindi naglaon ay nagpalitan kami ng intensidad. Wala akong pakialam kung maraming nakatingin sa akin ngayon.
Kailangan nilang malaman na akin lang si Isay. Wala ng sinuman ang maaaring umaligid pa.
"Tara na?"
Kinagat niya ang kanyang labi at dali-daling nagpatiuna sa paglalakad. Ngingisi-ngisi naman akong luminga sa paligid para pagmasdan ang mga tumatanaw habang sumusunod sa likod ni Isay.
Bago siya pumasok sa room ay pinagmasdan ko muna ang list ng students doon maging ang loob ng silid. Halos lahat ay babae ang naririto. Mukhang wala akong magiging problema.
"Umalis ka na," mahina niyang sabi at yumuko.
Sumilay ang pilyong ngiti sa aking labi at mabilis siyang kinantilan sa pisngi bago tuluyang umalis. Panatag ang loob ko.
Parang hindi ko nakayang maghintay pa. Mas maganda siguro kung pikutin ko nalang siya...
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?