Vote and comment naman dyan oh... Mehehe
Mukhang hindi naman pwede iyon. Imposible... pero nangyari na nga ang imposible! Sinisipingan ako ng isang nilalang na hindi ko maaaring makita.
Malakas akong mapasinghap nang maramdaman ang akin sarili na napailalim sa tubig. Hindi sapat ang hangin kaya't kinapos ako ng hininga. Kinawag ko ang paa ko upang umaangat ngunit may pumipigil sa akin.
At sino naman ang gagawa nito sa akin? Wala akong nangitang lumangoy papunta sa akin!
Biglang may humawak sa aking batok at sinakop ang labi ko. Nagpumiglas ako sa kanyang bisig ngunit tila nakakulong ako sa tubig na gawa sa hawla at isa pa... Wala akong mahawakan!
Hindi ko magawang itulak palayo sa akin. Wala akong nagawa kun'di ang tugunan ang kanyang maalab na halik dahil nagbibigay siya ng hangin sa akin.
Pamilyar ang kanyang paggawad ng halik sa akin. Ang pagdampi ng kanyang palad sa aking batok pababa sa aking baywang ay may dumaloy na kuryente sa aking katawan.
Ang multo tuwing hatinggabi...
Napuno ng pagtataka ang aking kalooban. Napansin niyang hindi na ako tumutugon sa kanya kaya lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin sapat na upang makawala sa kanya at umahon.
Habol ko ang aking hininga na tumingin sa harapan ko ng masama na parang nandoon siya at nakikita ko. Nararamdaman ko ang kanyang presensiya kaya't kaya kong alamin kung nasaan siya."Paanong nandirito ka? Wala pang alas dose, masyado ka naman atang na-excite sa akin!"
Napapikit ako nang malamyos niyang sinapo ang aking pisngi at kinantilan ng halik sa labi. "Nilalambing mo ba ako? Hindi mo ako madadaan sa ganyan 'no!"
Tinalukuran ko siya nang hapitin niya ako at sinakop ang aking dibdib.
"Napakamanyakis mong multo! Hindi ka ba nauubusan ng katas d'yan?" Tinibayan ko ang boses ko kahit sobrang garalgal na dahil naapektuhan ako sa pagmasa niya na parang tinapay sa aking dibdib.
Hindi ko pinansin ang dinulot nito sa akin. Umahon na ako at kumiwag na parang aso para matuyo, ginagaya ko yung sa mga model kaso hindi ko kineri, hindi sapat iyon para matuyo ako kaya kinuha ko ang face towel ko sa bag at nagpunas."Taragis! Oy ibaba mo ako!" Umangat ako sa ere, parang pumunta lahat ng dugo ko sa tuktok ng aking ulo. "Mukha ba akong bigas?! Gago ka! Ibaba mo ako ngayon na!"
Napatili ako nang ibato niya ako sa tubig. Marahas na tumama sa akin iyon. May pumasok na tubig sa ilog ko at humapdi ang mata ko. Umahon ako at sinuntok ang tubig sa inis.
"Walanghiya ka! Hindi ko alam kung nakikipag-biruan ka o may galit ka lang talaga sa akin! Kailangan bang ihagis pa ako sa tubig?"
Mapangahas na hinalikan niya ako at mabilis na inangkin. Hindi na ako nakatugon pa sa kanya ng katarayan dahil sa binigla niya ako at kumalat na rin ang sarap sa bawat himaymay ng aking katawan.
Mukhang nasasanay na ako sa kanyang pinaggagawa sa akin. Pinababayaan ko nalang siya.
Napahiyaw ako nang umabot ako sa rurok. Niyakap niya ako ng mahigpit, ang daliri niya ay gumuguhit sa aking likod ng bilog hanggang sa tapikin niya ako.
"Bakit?" hinihingal kong bulong.
Gumihit siya sa aking balat at inintindi ko iyon.
"L-Leandro?"
Muli niya akong hinalikan bago siya maglaho...
Nagpalutang-lutang ako sa tubig matapos may mangyari sa pagitan namin.
Leandro...
Iyon ang kanyang pangalan. Kanina pa siya wala ngunit hindi pa rin maalis sa aking sistema ang lalaking iyon. Mabuti naman at kahit papaano ay may nalaman ako sa kanya.
Ano namang mararating ko ngayong nalaman ko na ang pangalan niya? Para namang matutuklasan ko ang nangyayari ngayon sa akin at maaayos.
Malalim akong bumuntong hininga at dahan-dahang umahon sa tubig. Walang tao sa lugar na ito kaya't walanghiyang lumangoy ng hubo't hubad.
Kulay orange na ang langit nang mapagpasyahan kong puntahan nalang ang kaibigan ko. Kailangan kong ikwento.sa kanya lahat ng ito. Pag nilihim ko pa baka mabaliw nalang ako ng tuluyan. Nakakatuliro!
"Serene, may importante akong sasabihin sayo... Wag mo sanang ipagsabi sa iba."
"Sure naman, girl. Ano ba naman iyan?" pumilantik ang daliri niya. Napa-iling nalang ako sa kaartehan niya. Umaakto na namang bading ang kaibigan ko palibhasa nahahawa sa hinahabol-habol niyang bading.
"Alam mo bang may multong nakikipag-ano sa akin..."
"Ay kaloka 'te! Anong nahithit mo? Mukhang nasobrahan ka sa pag-amoy ng utot ng Inay mo ah!" Kumunot ang noo ko at binatukan siya.
"Gaga! Seryoso ako."
"Juice ko naman 'day! Nasobrahan ka lang ata sa imagination dahil sa kagutuhan mong magsulat ng istorya. Feeling bida ka sa story mo 'te?"
"Tinigil ko na nga ang pagsusulat 'di ba dahil wala naman akong mapapala doon!"
"Iyan ang akala ko, Isay. Maraming sumisikat na otor ngayon 'no!"
"Ano namang magagawa ng isang probinsiyanang tulad ko para sumikat?"
"Loka! Edi magsulat ka!"
"Hindi naman madali iyon, Serene... Alam mo naman na itinigil ko na iyon--"
"Simula ng maghiwalay kayo ng nobyo mo? Ay nako! Walang mangyayari sa buhay mo kung magpapaapekto ka doon sa tilapyang 'sing lansa mo! Kalimutan mo na siya. May kanya-kanya na kayong buhay 'no."
Madali lang sabihin iyin para sa kanya. Palibhasa kasi hindi niya alam ang nangyari tungkol doon.
Inirapan ko siya at sinipa, "Malansa? Mahiya ka naman sa sarili mo. Kaya ka hindi nagugustuhan niyang beki na crush mo dahil 'di na nag-aayos!"
"Wala namang ganyanan. Mesheket keshe..."
"Pero hindi nga, totoo ang sinasabi ko sayo, Serene. Totoong may gumagalaw sa akin na multo..."
"Ewan ko sayo, Isabella. Tara na't kumain nalang. Gabi na oh!"
Hindi ko na binanggit pa iyon sa kanya. Bahala na kung walang maniniwala sa akin. Lulutasin ko nalang 'to mag-isa.
Ngayon ko lang napansin na madilim na ang paligid, mabuti nalang at malapit lang ang bahay namin sa kanila.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na pagalitan na naman ako ni Inay. Wala na akong pakialam. Hahayaan ko nalang siyang bungangaan ako. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa.
Umiling ako at pinagnasdan ang kaibigan ko, "Bakit nga pala hindi ka pumunta sa mga Miranda?"
"Alam mo naman na ayaw kong nakikipagsalamuha."
"Oo nga pala, anti-social ka. Pareho tayo." humalakhak ako at nagsimula ng kumain.
"Pero ang balita ko sa mga kapit-bahay, kaya daw may handa dahil dumating na ang magkapatid diyan."
"Oo nga daw, mga sundalo..."
Wala ang isip ko sa mga taong iyon. Ang nasa isip ko ay naglalakbay dahil kay Leandro... Kagaya ng paglakbay niya ng kiliti sa aking katawan.
VOTE AND COMMENT GUYS! MAGINGAY LOL
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?